Cleaning up after ashfall: Mga tips upang malinis ang loob at labas ng bahay

Narito ang tamang paraan ng paglilinis ng iyong bahay matapos ang ashfall.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para masigurong hindi magkakaroon ng damage ang inyong mga gamit sa bahay at ligtas ka parin mula sa epekto ng ashfall, narito ang mga cleaning tips pagkatapos ng ashfall na dapat mong i-apply.

Image from Freepik

Cleaning tips pagkatapos ng ashfall

Ang ashfall na nararanasan ngayon sa ka-Maynilaan lalo na sa Batangas at iba pang kalapit na probinsya ay epekto ng pagsabog ng bulkang Taal. Ngunit, hindi tulad ng nakasanayan nating abo, ang ash mula sa bulkan ay hindi parang polbos na malambot at malilinis ng simpleng punas lang. Ang mga abong nagkalat ngayon ay ang pinulbos na bato mula sa bulkan kaya naman ito ay matigas at matatalas. At maaring makasira sa inyong gamit kung mali ang paraan ng pagtatanggal o paglilinis. Ito rin ay maari mong malanghap at makasama sa iyong kalusugan kung mali ang paglilinis na gagawin.

Kaya para masigurong ligtas din ang inyong kagamitan mula sa epekto ng ashfall, narito ang mga cleaning tips pagkatapos ng ashfall na dapat ninyong i-apply sa inyong tahanan.

Image from Freepik

Paglilinis sa loob ng bahay

  • Magsuot ng mask o basang bimpo sa ilong at bibig bago maglinis. Ito ay upang hindi mo malanghap ang abo na delikado sayong kalusugan.
  • Buksan din ang mga bintana at pinto ng inyong bahay. Upang hindi ma-stock sa loob ng iyong bahay ang ash at malanghap mo.
  • Dapat din isa lamang ang entrance at exit na ginagamit habang naglilinis sa inyong bahay. Ito ay para hindi na kumalat pa sa ibang parte ng inyong bahay ang abo.
  • Hugasan muna ang mga gamit na pwedeng basain ng tubig. Saka ito punasan upang malinisan. Dahil ang matatalas na abo ng bato ay maaring kumaskas sa gamit na magdudulot ng damage dito.
  • Kung hindi pwedeng basain ang gamit ay gumamit ng vacuum cleaner.
  • Mabuting gumamit ng basang tela o sponge sa paglilinis ng glass, porcelain, enamel at acrylic surfaces ng inyong bahay.
  • Ang mga gamit na gawa sa fabric o tela ay dapat banlawan sa running water. O kaya naman ay ipagpag sa labas ng bahay.
  • Basain muna ang mga ash deposits na nasa sahig saka ito walisin at ilagay sa bag. Gumamit ng basang basahan upang punasan ang sahig na pinag-alisan ng abo.
  • Linisan ang mga gamit sa bahay na maaring pagsiksikan at magkalat pa ng abo tulad ng aircon.
  • Ilabas muna ang mga bata at alagang hayop sa loob ng bahay habang naglilinis.
  • Huwag gumamit ng mga walis na may side brushes sa paglilinis. Dahil maari nitong maikalat pa ang dust particles sa hangin.
  • Huwag gumamit ng electric fan o dryer sa mga damit para hindi rin maikalat ang abo.

Paglilinis sa labas ng bahay

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

  • Magsuot ng mask bago maglinis. O kaya basang bimpo, mabuti naring magsuot ng goggles bilang proteksyon sa mata.
  • Basain muna ang abo sa labas ng inyong bahay gamit ang tubig mula sa pang-dilig o sprinkler.
  • Gumamit ng pala sa pag-aalis ng makakapal na deposits ng abo. Stiff brooms naman ang gamitin kung konti lang ang abo.
  • Simulan ang paglilinis mula sa bubong at alulod ng inyong bahay. Saka na sunod na alisin ang mga abo sa bintana at pinto ng bahay pati na sa inyong sasakyan.
  • Ang mga naipong abo itapon malayo sa lugar na daluyan ng tubig upang hindi magdulot ng pagbara dito.
  • Ilagay ang naipong abo sa heavy-duty na plastic bag.
  • Dahan-dahanin ang paglilinis ng inyong bahay. Kung masyadong makapal ang bumalot na abo ay humingi ng tulong sa paglilinis nito.
  • Magdahan-dahan sa pag-akyat ng bubong o hagdan dahil madulas ang abo.
  • Pagtapos maglinis ay iwan na ang suot na damit sa labas ng bahay. Ito ay upang hindi na mapasok sa loob ng bahay ang mga abong dumikit sa iyong damit.

Source: GMA News

Photo: Freepik

Basahin: Mga tips para maging ligtas sa pagsabog ng bulkan

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement