Masyado clingy ang anak mo? Here's the reason why it's a good thing

Ikaw ba ay may clingy na anak? Yung tipong mawawala ka lang sa paningin niya, iiyak agad siya. Ayon sa isang pag-aaral, good thing raw ito!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dumarating na siguro sa point na ibababa mo lang iyong anak mula sa pagkakakalong para balikan ang sinaing sa kusina pero ayaw na nitong bumitaw sa kalong mo. O hindi naman kaya’y umiiyak siya kapag aalis ka kahit na sandali ka lang mawawala. Isa itong senyales na may clingy na anak ka. Pero ayon sa isang pag-aaral, maganda raw ito?

Image from Unsplash

Masyado clingy ang anak mo? Here’s the reason why it’s a good thing

Ayon sa Psychology Today, likas na sa isang bata ang maging iyakin at emosyonal kapag hindi niya nakikita ang kanyang nanay. Ngunit may iba namang bata na okay lang sa kanila na bantayan ng ibang tao.

Basic Trust

Bilang isang matanda na, naalala mo ba noon ang pag-iyak mo ng malakas kapag sakaling hindi mo makita sa paningin mo ang iyong nanay? O hindi naman kaya mag g-grocery at sandali kang iiwan sa nakatatanda mong kapatid. Ang tanging nagagawa mo na lang ay umiyak at hintayin ang iyong nanay na bumalik.

Kapag araw-araw itong nangyayari, nasasanay ang isang bata sa ganitong tagpo. Hindi mo na lang mamamalayan na hindi na pala siya umiiyak sa tuwing umaalis ka. Alam mo kung bakit? Dahil nabuo na nito ang tiwala sa’yo. Nakatatak na sa kaniyang isipan na kapag aalis ka, alam niyang babalikan mo pa rin siya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngunit meron namang ibang bata na nagkakaroon ng Seperation Anxiety Disorder. Nakakapagdulot ito sa bata ng matinding takot kapag sakaling iiwan ila ng magulang nila.

“Children with separation anxiety disorder may cling to their parents excessively, refuse to go to sleep without being near a major attachment figure, be reluctant to attend camp or sleep at friends’ homes, or require someone to be with them when they go to another room in their house.”

Paano i-handle ang clingy na anak?

Para hindi mabigla ang emosyon ng iyong anak kung sakaling aalis ka, gawin ang ilang tips na ito!

1. Magpaalam sa iyong anak

Opps! Hindi lang ito basta bastang pagpapaalam mommy. Kung ikaw ay may clingy na anak, dapat may kasunod na paliwanag ang bawat ‘Goodbye’ mo. Sabihin sa iyong anak na ‘wag siyang mag-alala dahil babalik ka naman agad mula sa pupuntahan mo. O kaya naman mas magandang pakingaan na ‘See you later anak!’

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung sakali naman iiyak pa rin siya, ‘wag kang babalik dahil magbibigay lang iyon sa kanila ng kahulugan na kapag umiyak sila, babalik ka. Ngunit ‘wag mong susubukang tumakas. Maaaring makasira ito ng tiwala ng iyong anak sa’yo at mas lalong matitrigger ang kanilang pagka-clingy.

2. Bigyan ng compliment ang anak mo

Pagkatapos mong magpaalam na aalis ka, tignan ito sa mata at marahang patahanin siya sa pag-iyak. Kung hindi man tumigil ito sa pag iyak, sabihin sa kanya na,

“Don’t worry baby. Babalik agad si mommy, okay? Saglit lang akong mawawala. Magkikita pa tayo mamaya!. Diba big boy/girl kana? Kaya mo na ang sarili mo ngayon diba? Kasama mo na sina ate at kuya dito. Pwede kayo magplay.”

Bukod sa pagsasabi sa kanya ng ‘big girl/boy’ pwede mo pa rin siyang bigyan ng mga compliments na makakapagpagaan ng loob niya. Katulad ng pagiging ‘brave girl/boy’ niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Unsplash

3. Maging kalmado

Ito ang pinakamahalaga sa lahat. Kung makita mo na sobrang umiiyak ang iyong anak kapag ikaw ay aalis, maging kalmado lang at alalahanin ang feelings ng iyong anak. ‘Wag siyang sisigawan at papaluin dahil sensitive pa ang kanilang pakiramdam.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Masasaktan lang sila physically at emotionally kung sakaling masigawan sila.

 

Source: Psychology Today, The Conversation

BASAHIN: 15 smart parenting tips to raise good kids

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Mach Marciano