Normal na sa isang relasyon ang pagkakaroon ng clingy na asawa. Subalit kung titignan ng mas malalim pa, ang pagiging clingy nila ay isang indikasyon na sila ay takot na mawala ang kanilang partner.
Mababasa sa artikulong ito:
- Dahilan ng pagiging clingy
- 6 signs na masyado kang clingy sa asawa mo
Halimbawa, ang isang malalaman mong clingy kang asawa kapag gusto mo na laging mabilis mag-text ang iyong asawa o kaya naman alam mo lagi kung ano ang ginagawa niya. Ilan lamang ito sa halimbawa. Subalit ano nga ba ang pinagmulan na dahilan kung bakit nagiging clingy ang partner mo?
Dahilan ng pagiging clingy
Ang pagiging clingy ng asawa mo ay hindi lang dahil gusto nila. Pumapasok dito ang ilang personal na dahilan na siyang dahilan ng kanilang pagiging clingy.
- Ang kanilang nakaraan – Isa sa karaniwang dahilan ng pagiging clingy ng asawa ay dahil sa kanilang past experience. Maaaring nasaktan na sila noon at ayaw nang maulit pa sa kanilang asawa ngayon. Mas nagiging maingat, alerto at mapagmatyag na sila sa bawat kilos ng partner dahil sa nakaraang naranasan.
- Anxiety – Nangyayari naman ito kapag hindi maiwasang mag-ovethink ng iyong partner. Maaaring dala ng ginagalawang environment o taong nasa paligid.
BASAHIN:
8 epekto sa relasyon kapag nanonood ng malalaswang video ang asawa mo
4 bagay na dapat gawin para hindi maging monster wife ang asawa mo
Nasaktan ka na ng pisikal ng asawa mo? Ito ang dapat mong gawin kapag nangyari ito!
6 signs na masyado kang clingy sa asawa mo
Subalit maganda nga ba sa isang relasyon ang pagiging clingy? Narito ang signs na masyado kang clingy sa asawa mo at mga maaaring maging epekto sa pagsasama.
1. “Bakit kayo friends sa Facebook ng ex mo?”
Maaaring narinig mo na ang mga katagang ito sa clingy na asawa mo, “Bakit kayo friends sa Facebook ng ex mo?” o kaya naman “Bakit ang flirty ng comment mo sa picture na ‘to?” at marami pang iba. ‘Iyong tipong pakiramdam mo ay nasa hot seat ka sa sobrang dami niyang tanong na kakaiba.
Pasok din sa pagiging clingy kapag lagi kang naka-tag o nag-uupload ng pictures kasama ang iyong partner.
2. “Bakit hindi ka nagre-reply agad?”
Clingy na asawa ka kung nais mo laging mabilis na mag-reply ang iyong partner. Sa kagustuhang malaman lagi ang ginagawa ng iyong asawa kapag hindi sila nakikita, ang mga clingy na asawa ay laging tumatawag o nagte-text at agad na kakabahan kapag matagal mag-reply.
Ang mga taong nagseselos ay mas nagiging clingy dahil gusto nilang bantayan ang kanilang partner.
“Hindi ito normal.” o kaya naman, “May problema siya.” Ito ang kadalasang pumapasok sa mga isip nila kapag hindi agad nakatanggap pabalik ng mensahe mula sa asawa.
3. “Sasama ako sa ‘yo.”
Dahil ayaw nga mawala sa kanilang paningin, ang mga clingy na asawa ay laging sumamasama sa kanilang partner kahit na hindi sila imbitado sa isang ganap. Maaaring meeting sa trabaho o simpleng makikipagkita sa kaibigan.
Kung aalis ka namang hindi sila kasama, maaaring magtampo sila o buong oras na iisipin kung anong ginagawa mo habang wala ka sa tabi nila.
4. “Ayoko ko siyang kaibigan mo.”
Isa pang ugali nila ay ang pagtalikod sa mga kaibigan mo o mismong kaibigan nila. Ang dahilan nito ay nais nilang sa ‘yo lang sila nakatutok at ikaw lang ang sentro nila.
Mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na oras kasama ang iyong kabigak ngunit ‘wag kakalimutan na importante rin ang social life kasama ang ibang kaibigan.
5. “Bakit kayo magkasama ng babae mong katrabaho?”
Pasok din sa usaping ito ang pagiging selosa/seloso nila sa katrabaho mo. Lalo na kung ito ay attractive o may itsura. Kahit na anong paliwanag mo na trabaho lang ang namamagitan sa inyo, matalas pa rin ang kanilang mata sa mga taong ito.
6. “Hindi mo na ako mahal?”
Ang mga asawa na clingy ay gusto laging makarinig ng ganitong mga salita sa kanilang partner. Kahit paulit-ulit hindi sila magsasawa at kapag hindi nila ito naririnig, agad silang magdududa sa ‘yo kung interesado ka pa rin sa kanila.
Source: