Mayroon nga bang epekto sa relasyon ng mag-asawa ang panonood ng porn o malaswang video? Ating isa-isahin ang mga maaaring maging epekto nito sa inyo.
Mababasa sa artikulong ito:
- Iba’t ibang pag-aaral tungkol sa epekto ng panonood ng porn ng mag-asawa o relasyon
- 8 epekto sa relasyon kapag nanonood ng malalaswang video ang asawa mo
Panonood ng porn ng mag-asawa
Ang panonood ng porn ay nagiging normal na lalo na sa mag-asawa. Hindi masasabi kung ito ay mabuti o masama dahil nakadepende ito sa taong nanonood. Sa katunayan, may ilan na hilig na nila ang manood ng ganitong klase ng bidyo upang mas magkaroon tensyon ang pakikipagtalik.
Subalit ayon sa ilang eksperto, ito ay maaaring mag-iwan ng emotional sa tao o isang relasyon. Ayon sa pag-aaral noong 2013 na nakalimbag sa National Library of Medicine, nasa 71% ng mga lalaki at 56% ng babae ay sinasabing katanggap-tanggap ang panonood ng ganitong video sa isang relasyon.
BASAHIN:
5 amazing sex positions kapag maliit ang ari ni mister
Ito ang dahilan kung bakit ayaw nating manood ng porn si mister
STUDY: Kawalang gana sa sex hindi umano basehan sa pagkakaroon ng masayang relasyon
Ganito rin ang lumabas sa isang survey na isinagawa noong 2015. Nasa 76% ng babae ang nagsasabing hindi nakakaapekto ang panonood ng porn ng mag-asawa sa isang relasyon.
Salungat ito sa naging pag-aaral noong 2012. Napag-alaman na hindi masaya at bumababa ang confidence ng ibang babae kapag nakita nilang nanonood ng porn ang kanilang partner.
Kaya naman nakadepende pa rin ang epekto ng panonood ng porn sa isang relasyon o mag-asawa. Subalit ano nga ba ang mga posibleng epekto nito?
8 epekto sa relasyon kapag nanonood ng malalaswang video ang asawa mo
1. Nagbibigay ng expectation
Ito ay nangyayari kapag masyadong nakatutok na sa panonood ng porn ang iyong asawa. Nais niyang gayahin niyo ang napapanood at dadating sa punto na maaaring magkaroon ng dissatisfaction kapag nabigo ang kaniyang expectation.
Nakakalimutan nila na ang napapanood ay scripted at ang mga aktor na ito ay maaaring hindi totoo ang ipinapakitang karakter.
Iba-iba ang paraan ng pagtatalik ng bawat mag-asawa. Hindi lahat ay pare-pareho.
2. Bumababa ang self-confidence
Gaya ng pag-aaral na nabasa sa taas, karamihan sa mga babae ay nakakaramdam ng pagbaba ng self-esteem kapag nakita nilang nanonood ng porno ang kanilang asawa.
Ito ay dahil maaaring hindi maiwasang ipagkumpara ng asawang babae ang sarili sa babaeng napapanood ng mister niya sa loob ng porno.
3. Sumisira ng tiwala
May ibang asawa na hindi ugaling manood ng ganitong klase ng video. Katulad na lamang kapag ayaw ni misis na nanonood ng malaswang video ang kaniyang asawa. Maaaring sumira ito ng tiwala kapag sinuway ito ni mister.
4. Magiging malawak ang kaalaman pagdating sa sex
Kung kayo ay bagong mag-asawa pa lang at wala masyadong kaalaman sa pakikipagtalik, ang panonood ng porn ay maaaring makatulong sa inyo.
Lalawak ang kaalaman pagdating sa gawain na ito at pwedeng bumaba ang pressure na nararamdaman sa usapang sex. Katulad na lamang ng pag-alam sa iba’t ibang sex position, sex toys, at iba pa.
5. Pantanggal ng stress
Ayon sa pag-aaral na isinagawa noong 2017, napag-alaman na hilig ng mga taong manood ng porno upang libangin ang sarili at pansamantalang mawala ang stress.
6. Addiction
Gaya ng nabasa sa taas, iba-iba ang nagiging epekto ng panonood ng porn sa bawat tao. Subalit may iba na talaga namang nahuhumaling sa panonood nito.
Ayon sa pag-aaral, ang labis na panonood ng porno ay maaaring magdala sa tao ng addiction. Ito ay tinatawag na “problematic pornography use” kung saan tumataas ang desire na makapapanood o makakita ng isang malaswang bidyo/larawan.
7. Arousal
May ibang mag-asawa na nanonood ng porn para makakakuha ng “ideya” kung paano nga ba ang pakikipagtalik. Kagaya na lamang ng mga mag-asawa na wala pang malawak na kaalaman sa ganitong bagay.
Napag-alaman din na ang panonood ng porno ay nakakatulong sa mabilis na arousal ng isang tao.
8. Mas nagiging open ang magka-partner sa usaping sex
May ilang pag-aaral na nagsasabi na ang panonood ng porno ng mag-asawa ay nakakatulong sa kanila para mas maging bukas sa usaping “sex”. Kaya naman mas lumalalim ang kanilang pagkakaintindihan at mas tumitibay pa ang kanilang pagsasama.
Source:
Psychology Today, Medical News Today
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!