X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

11 Cocomelon educational music videos na puwedeng panoorin ni baby

5 min read
11 Cocomelon educational music videos na puwedeng panoorin ni baby

Turuan si baby ng mga tunog at salita, pati sa iba pang skills na dapat niyang malaman gamit ang mga fun at colorful Cocomelon videos na ito.

Narito ang mga Cocomelon music videos na maaring maipanood kay baby na siguradong makakatulong sa kaniyang learning at development.

Benepisyo ng pagpapakikinig ng music sa mga baby

cocomelon videos for kids

Image from Freepik

Maraming pag-aaral na ang nakapagpatunay ng magandang epekto ng musika sa development ng isang sanggol. Ayon nga kay Dr. Ibrahim Baltagi, isang music education professor, ang magandang epekto na ito ay maaring masimulang maibigay sa sanggol kahit sila ay nasa tiyan o ipinagbubuntis pa lang. Mararamdaman nga ito ng mga buntis sa tuwing sumisipa o gumagalaw si baby na palatandaan na sila ay nag-rerespond sa kanilang naririnig.

At kapag sila ay naipanganak na at lumalaki , unti-unti na ngang makikita ang magandang epekto ng musika sa isang sanggol. Kaya payo ni Dr. Baltagi, ipagpatuloy ang pagpapakinig ng music kay baby habang siya ay lumalaki. Dahil ito ay nakakatulong upang ma-express nila ang kanilang sarili at maibahagi ang kanilang feelings o nararamdaman.

Ayon naman sa isang pag-aaral na ginawa ng mga researchers mula sa University of Washington, mas pinapabilis ng pakikinig ng music ang language development ni baby. Dahil ginagawa nitong fun ang pag-iintroduce kay baby ng mga salita na kailangan niyang matutunan.

Maliban nga rito, ayon naman sa mga scientist nakakatulong rin umano ang pagpapakinig ng music kay baby para magkaroon siya ng matalas na memory.

Base naman sa isang pag-aaral na isinagawa sa Hungary ay nakakatulong rin ang music sa creativity ng isang bata. Mas nagiging bright at smart naman daw ang mga batang madalas na nakikinig sa mga music at instruments ayon sa isang pag-aaral na isinagawa sa California. Makikita nga daw ito sa performance nila sa Mathematics at sa kanilang language skills.

Epekto ng pagpanonood ng mga educational videos kay baby

cocomelon videos for kids

Image from Freepik

Samantala, ayon naman sa isang pag-aaral na nailathala sa Emory Health Sciences, hindi lang music ang nakakatulong sa learning and development ni baby. Mas napapabilis nga daw ang pagkatuto ng isang baby kung sasabayan ng videos ang music na kaniyang pinapakinggan. Patunay nga rito ang maraming educational videos na nagsulputan sa ngayon. Partikular na ang mga Cocomelon videos na isa sa paboritong panoorin ng mga babies. Dahil maliban sa nakakatuwa at makulay na visuals nito ay tinuturuan rin nito ang sanggol sa mga salita at tunog.

Pero paalala ng mga eksperto, bagamat may maganda itong epekto, hindi dapat binababad sa panonood ng videos ang mga maliliit na bata. Partikular na ang mga 2 taon pababa na hindi dapat hinayaan o sinasanay manood ng TV o iba pang uri ng screens sa napaka-mura pa nilang edad. Habang para sa mga batang edad 2 hanggang 4 ay dapat limitahan lang sa isang oras kada araw ang kanilang screen time o panonood. Sa mga oras na ito, isa ang Cocomelon educational videos sa YouTube na pinipili ng maraming magulang na maipanood sa kanilang mga anak. Ilan nga sa paborito at most watched na Cocomelon videos ng mga bata sa ngayon ay ang sumusunod.

Cocomelon educational music videos na puwedeng panoorin ni baby

cocomelon videos for kids

Image from Freepik

1. Bath Song

Sa educational music video na ito ay matuto ang mga bata sa kung gaano ka-fun at ano ang kahalagahan ng paglilinis ng kanilang katawan .

2.Yes Yes Vegetables Song

I-iintroduce naman sa iyong anak ang kahalagahan ng pagkain ng iba’t-ibang gulay sa pamamagitan ng educational music video na ito.

3. Baa Baa Black Sheep

Sa video na ito ay hindi lang mag-ienjoy ang mga bata sa panonood, unti-unti rin silang matuto sa mga tunog at pagbikas ng mga salita.

4. Wheels on the Bus

Ang nursery rhyme at music video na ito ay makakatulong na madagdagan ang vocabulary ng mga bata. Itinuturo rin nito ang iba’t-ibang ibig sabihin ng mga tunog at pangyayari sa kanilang paligid.

5. Baby Shark

Isa ito sa paboritong pinanood ng mga bata sa ngayon. Dahil maliban sa nakakaindak na tunog nito ay may nakakatuwang steps rin ito na madaling magaya o masundan ng maliliit na mga bata.

6. Sick Song

Ang pagpapanood naman ng educational music video na ito sa iyong anak ay makakatulong para maituro sa kaniya kung gaano kahalaga na makaiwas siya sa pagkakaroon ng sakit. At sa oras na siya ay magkasakit, ay maituro rin sa kaniya kung gaano kahalaga ang pag-aalaga na iyong ginagawa at pag-inom ng gamot para gumaling siya.

7. Yes Yes Playground Song

Ang educational music video na ito ay magtuturo naman sa iyong anak ng mga dapat niyang  tandaan at gawin sa tuwing maglalaro sa labas. Ito ay upang ma-enjoy niya ang paglalaro habang pino-protektahan ang kaniyang sarili at katawan.

Partner Stories
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

8. Deck the Halls – Christmas Song for Kids

Ang Christmas music video na ito ay isa sa paborito ng maraming bata. Dahil hindi lang ito nagtuturo ng bagong tunog at salita sa kanila, ipinapaalala rin ng kantang ito ang saya ng selebrasyon ng pasko taon-taon.

9. “No No” Bedtime Song

Sa videong ito ay maituturo naman sa iyong anak ang kahalagahan ng mga dapat niyang gawin bago ang bedtime o pagtulog sa gabi. Tulad ng pagsisipilyo at paglilinis ng katawan.

10. Cocomelon ABC SONG

Ituro naman ang ABC o alphabet sa iyong anak, gamit ang iba’t-ibang tunog at paraan. Ang music video na ito ay  mayroong 13 entertaining English ABCD songs na sigurong magugustuhan niya.

11. Swimming Song + More Nursery Rhymes & Kids Songs

Ipakita naman sa iyong anak kung bakit hindi siya dapat matakot at kung gaano kasaya ang pag-swiswimming. Dagdag ang iba pang music videos at nursery rhymes na siguradong mag-ienjoy siya sa panonood.

Ilan lamang ang nabanggit sa mga Cocomelon educational music videos na maari mong maipanood sa iyong anak. Marami pang videos ang pwede niyang mapanood sa YouTube na makakatulong sa kaniyang language at development skills. Ngunit dapat tandaan na huwag siyang masyadong sanayin na magbabad sa panonood at gumawa parin ng mga physical activities na healthy para sa kaniyang katawan.

 

Source:

BBC, Science Daily, UNICEF

BASAHIN:

TuTuBee, bagong online kids channel ng Star Music

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • 11 Cocomelon educational music videos na puwedeng panoorin ni baby
Share:
  • Paw patrol at mga kids show na nakakatulong sa development ng bata

    Paw patrol at mga kids show na nakakatulong sa development ng bata

  • Educational TV shows na maaaring panoorin sa GMA Affordabox

    Educational TV shows na maaaring panoorin sa GMA Affordabox

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • Paw patrol at mga kids show na nakakatulong sa development ng bata

    Paw patrol at mga kids show na nakakatulong sa development ng bata

  • Educational TV shows na maaaring panoorin sa GMA Affordabox

    Educational TV shows na maaaring panoorin sa GMA Affordabox

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.