First time mom na si Coleen Garcia, may ibinahagi na kaalaman tungkol sa kung paano malulunasan ang mga rashes sa newborn baby. Coleen umamin na tulad ng nakakaraming mommy, siya ay praning din pagdating sa kaniyang Baby Amari.
Coleen Garcia may tip para sa new moms na tulad niya
Sa isa sa kaniyang Instagram stories, ibinahagi ng TV host-actress na si Coleen Garcia kung gaano siya kapraning bilang isang first time mom. Sa pagkukuwento ni Coleen, matapos ang ilang araw pagkapanganak ay nagkaroon ng rashes sa mukha ang kaniyang Baby Amari. Ipinaalam niya agad ito, hindi lang sa pedia ng kaniyang baby kung hindi pati na rin sa kaniyang midwife at OB. Ang sagot nila sa bagong ina ay normal lang ito sa mga new born at kusang nawawala.
“Also want to share. After a couple of days, he started to get rashes and ofc (of course), I got so praning. Showed them to our midwife, OB, pedia & they all said it’s completely normal & that they go away on their own after some time. But I felt sorry 4 him.”
Ito ang pahayag ni Coleen Garcia.
Pero si Coleen, hindi mapakali sa nangyari sa anak. Kaya naman bilang isang ina, gumawa siya ng paraan upang maalis ang mga rashes na ito sa mukha ng anak niya. Ang ginawa ni Coleen ipinahid ang kaniyang breastmilk sa mukha ni Baby Amari. Ito nga’y naging effective at balik makinis ulit ang mukha ng baby niya.
“So I put my breastmilk all over his face except eyes. Then everything disappeared except for the rashes sa eyes. Then I started spreading my milk on his eyes as well & now he so makinisss.”
Ito ang proud na ibinahagi ni Coleen sa pagsisimula ng kaniyang mommy journey.
Nasubukan mo na rin ba ang ginawa ni Coleen sa iyong baby?
Breast milk bilang lunas sa mga rashes ni baby
Ayon sa health website na WebMD, ang mga balat ng mga newborn babies ay prone sa iba’t ibang uri ng rashes. Madalas itong lumalabas sa unang mga araw, linggo o buwan matapos silang maipanganak. Pero karamihan naman umano sa mga ito ay hindi naman delikado o harmless. Kusa naman itong naaalis sa pagdaan ng mga araw kahit hindi gamutin.
Base naman sa isang artikulo sa Healthline, may isang very effective na paraan na maaaring gawin ang mga breastfeeding mom para magamot ang mga rashes na ito. Ito ay sa pamamagitan ng kanilang gatas na napatunayang nagtataglay ng mga properties na safe and healthy para sa skin ni baby.
Ilan nga sa mga properties na taglay ng breastmilk ay ang sumusunod na very beneficial sa ating balat.
- immunoglobulin A (IgA) o ang blood protein na nagtataglay ng infection-fighting bacteria.
- palmitic acid na isang super-moisturizer.
- lauric acid na isang moisturizer at antibacterial agent.
- oleic acid na nakakatulong i-moisturize ang balat at labanan ang skin aging.
- vaccenic acid na pinoprotektahan at ni-nourish ang balat.
- linoleic acid na nag-lilighten ng spots at binabawasan ang skin inflammation.
Pagpapatunay ng mga pag-aaral
Ang properties na mayroon ito ayon sa isang 2015 study ang dahilan kung bakit kayang lunasan ng breastmilk ang mild to moderate na eczema sa mga baby.
Ganoon din sa mga baby acne na nilalaban ng antibacterial properties na taglay ng gatas ng ina.
Napatunayan din ng isang 2013 study na tulad ng 1% hydrocortisone ointment, ang breastmilk ay effective na lunas sa mga diaper rash o dermatitis. Pati na sa mga kagat ng insekto o lamok.
Hindi nga lang umano ang mga baby ang maaaring mag-benefit sa mga nutrient na ito sa breast milk. Sapagkat kahit sa ating mga adult ay nakakatulong ito para malabanan ang infection at malunasan ang blocked tear ducts. Ipinapayo nga sa mga breastfeeding mom na may cracked nipples na magpahid nito sa kanilang suso. Sapagkat napatunayan ding nakakatulong ito para maibsan ang soreness o pamamaga nito.
Maliban nga sa direktang paglalagay ng breastmilk sa apektado parte o bahagi ng balat, isang paraan na siguradong mai-enjoy ni baby upang malunasan ang kaniyang skin rashes ay sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng warm breastmilk bath. Ito ay magagawa sa sumusunod na paraan:
Breast milk bath para kay baby
- Ihanda ang maligamgam na tubig pampaligo ni baby.
- Haluan ito ng 150-300 ml ng iyong breastmilk. Ang dami na ito ng iyong gatas ay sapat na upang maging cloudy o milky ang tubig pampaligo ni baby.
- Saka hayaang mababad o mabasa nito si baby. Siguraduhin rin na maabot o malilinisan ang mga kasingit-singitan ng kaniyang katawan.
- Matapos ang 5-15 minuto ay alisin na si baby sa tubig at punasan upang matuyo.
- Saka sunod na masahiin ang kaniyang mga binti, braso at balat. Ito ay upang mas maaborb nito ang hydrating agents at nutrients mula sa breastmilk mo.
Kung may skin rashes si baby ay mabuting subukan na ang paraang ito. Ngunit kung matapos ang nabanggit ay hindi parin naaalis ang rashes sa katawan ni baby ay agad ng magpa-konsulta sa doktor. Lalo na kung ito ay sinasabayan ng iba pang sintomas tulad ng lagnat na maaaring palatandaan na ng isang sakit o karamdaman.
Source:
BASAHIN:
Help! Bakit nagbago ang kulay ng breastmilk ko?
Breast Milk: Paano nga ba ito pino-produce ng katawan?