Coleen Garcia pina-breastfeed si Baby Amari kahit nasa dagat: "Strike anywhere"

Billy Crawford sobrang saya na nakita na ni Baby Amari ang kaniyang lolo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Coleen Garcia hindi napapagod sa pagpapa-breastfeed kay Baby Amari kahit pa ma-interrupt ang kaniyang alone time. At ginawa niya pa ito habang siya ay nagpa-paddle board sa dagat.

Mababasa sa artikulo na ito ang mga sumusunod:

  • Coleen Garcia pina-breastfeed si Baby Amari kahit nasa dagat
  • Baby ni Coleen Garcia na si Amari, nakita na ang kaniyang lolo

Coleen Garcia pina-breastfeed si Baby Amari kahit nasa dagat

Sa Instagram post ni Coleen Garcia, makikita ang litrato ng kaniyang pamilya kung saan siya at ang baby niyang si Amari ay nakasakay sa isang paddle board. Inaalalayan naman sila ng kaniyang asawa na si Billy. Sa litratong ito makikita na nagpapa-breastfeed si Coleen Garcia sa baby na si Amari. 

Ayon kay Coleen, ito ang kaniyang unang beses sa isang paddle board at siya ay nagkaroon ng alone time. Ngunit nangibabaw pa rin ang kaniyang pagiging mommy.

“It was my first time on the paddle board, and I was finally having some nice alone time, until the little guy spotted me while he was playing in the water. It was nice while it lasted. #strikeanywhere #asinanywhere

Larawan kuha mula sa Instagram account ni Coleen Garcia

Nababakas din sa kaniyang caption ni Coleen na ang kanilang pamilya ay nag-enjoy sa kanilang vacation. Ayon sa aktres, talagang nasulit nila ang mga water activities sa kanilang tinuluyang resort.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"There was never a dull moment for anyone in the fam!

Ang Instagram post naman na ito ni Coleen ay nakakuha ng komento mula sa iba’t ibang mga tao. Kabilang na rito ang kilalang showbiz host at kakapanganak lang na si Iya Villania na bumilib sa pagiging dedicated mother ni Coleen Garcia.

Larawan kuha mula sa Instagram account ni Coleen Garcia

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Breastfeeding journey ni Coleen

Sa segment na 'I Feel U' na makikita sa YouTube channel ng Star Cinema, tinanong ni Toni Gonzaga si Coleen ukol sa kaniyang breastfeeding journey. 

“Direct Latching. So actually, 'yon 'yong matrabaho talaga kasi breastfeeding in itself is actually super hard already, pero 'yong gusto ko kasi direct latching. Kasi lalo na ngayon, na parang di naman ako lumalabas. Diba?"

"Might as well na hindi muna magbote, hindi muna mag-pump. So yun, direct latching talaga through and through right now.”

Ayon kay Coleen, noong una ay talagang nanibago siya sa pagpapa-breastfeed dahil naiba rin ang kaniyang diet.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Well, nung una talaga, yun nga nanibago ako because of the diet also, na parang every two hours kailangan talaga kumakain.”

Paliwanag pa ni Coleen, “Kasi the breast milk stays the same, its nutritious talaga, no matter what pero ‘pag kulang kinukuha talaga from my nutrition. So, ako yung parang nanghihina, ako yung nakukulangan sa nutrition. So, I always have to be eating and everything.”

Dahil din sa kaniyang experience, mas naniwala siya sa mga nagsasabing hindi na lang para sa kaniya ang kaniyang katawan ngayong mommy na siya.

“With him, siguro nag-change yung perspective ko with life and i focus on the things that matter now,” sagot ni Coleen sa tanong ni Toni kung papaano nabago ni Amari ang kaniyang pananaw pagdating sa buhay.

Dagdag pa ni Coleen parang paliit nang paliit ang kaniyang mundo at ang mga importanteng bagay sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Parang i don’t have to look so far, anymore to see what really matters to me. Nandito lang talaga sa paligid ko.”

BASAHIN:

Coleen Garcia sa pagsama kay Baby Amari sa lock-in taping:"Breastfeeding pa rin kasi ako."

Kinakagat ni baby ang nipples mo? Meryll Soriano shares breastfeeding tips

Coleen Garcia sa 40th birthday ni Billy Crawford: "You are not just an amazing husband, but also a great friend."

Larawan kuha mula sa Instagram account ni Billy Crawford

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Baby ni Coleen Garcia na si Amari, nakita na ang kaniyang lolo

Sa naging Instagram post ni Billy Crawford, nagpasalamat ang TV host sa kaniyang asawa na si Coleen Garcia. Ayon sa kaniya ay hindi niya kailanman naisip na makikita pa ng kaniyang ama ang apo nito. Nagpasalamat din si Billy kay Coleen para sa pagtupad daw ng kaniyang mga pangarap. 

“My wife made this happen! I’m so thankful for you @coleen for making my dreams come true. I never thought my father would even meet his grandson."

"And by Gods grace you have made all of this possible. Thank you so much my love, to the strongest, sexiest and most loving wife ever! Best 40th birthday ever.”

Sa post na ito ay nakakuha rin ng komento mula sa mga kasamahan nila sa showbiz na nagpaabot ng din kanilang pagbati kay Billy. 

Jake Cuenca: Happy billy boy!!!

Jessy Mendiola: Happy birthday, Billy!

Noong May 16 pinagdiwang ni Billy ang kaniyang kaarawan. Kung saan may sweet message para sa kaniya si Coleen.

“Happy birthday to the love of my life, and Amari’s number one hero! Thank you for always making us laugh and smile the way you do. We both love you so much, love!"

Sinulat ni

Nichole Samson