Coleen Garcia sa 2nd birthday ng anak niyang si Amari: "I pray that you stay as beautiful and vibrant as you are!"

Coleen at Billy, may sweet na mensahe para sa kanilang 2 year old na si Amari sa naging kaarawan nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Coleen Garcia and Billy Crawford nagbigay ng sweet birthday message sa kaarawan ng two year old son nilang si Amari.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Coleen Garcia and Billy Crawford message to son Amari on his 2nd
  • Billy Crawford and Coleen Garcia in France.

Coleen Garcia and Billy Crawford message to son Amari on his 2nd birthday

 

Larawan mula sa Instagram account ni Coleen Garcia

Dalawang taon na ang cute little boy nina Billy Crawford at Coleen Garcia na si Amari. Siya ay ipinanganak noong September 10, 2020 sa pamamagitan ng home water birth.

Sa kani-kanilang Instagram account ay hindi pinalampas nina Coleen at Billy na magbigay ng kanilang birthday wishes at message sa anak na si Amari.

Si Coleen maliban sa pagbati ng happy birthday sa anak na si Amari ay sinabing pinagdadasal niya na mapanatili ng anak ang mga good qualities nito. Pinasalamatan niya rin ang anak sa dagdag na kulay na ibinigay nito sa kaniyang buhay. May pahabol din itong pangako kay Amari sa susunod nitong birthday. Ito ay ang hindi niya gugupitan ang buhok ng anak na makikitang patunay ang bangs nitong hindi pantay.

“Happy 2nd birthday to my little ray of sunshine! I pray that you stay as beautiful, loving, gentle, sweet, funny, happy, and vibrant as you are! We love you sooooooo much, my baby Amari. Thank you for bringing even more color into our lives every day! We’re enjoying every stage of this journey with you.  And I promise, no more DIY haircuts on your next bday.”

Ito ang birthday message ni Coleen sa anak niyang si Amari.

Samantala, si Billy ay may mensahe ring ibinigay para sa anak na si Amari sa kaniyang Instagram account. Kalakip nito ang tumatawang si Amari habang nilalaro ng blue balloons ng ama sa gabi ng kaniyang birthday.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Happy happy 2nd birthday our little angel. Mommy @coleen and I love you [so] much! You are such a blessing to have and we thank the Lord up above for you! Hope you enjoy this day cause it’s definitely special.”

Ito ang birthday message naman ni Billy sa anak.

Billy Crawford and Coleen Garcia in France

Sina Billy, Coleen at ang anak nilang si Amari ay kasalukuyang nasa Paris, France ngayon. Si Billy ang naunang nagpunta sa Paris para mag-compete sa TV dance competition na “Dancing with the Stars”. Si Coleen kasama ang anak niyang si Amari ay sumunod doon upang ipakita ang kanilang suporta kay Billy.

“Full support for Daddy! Picked @billycrawford up from work (literally lol) and had time to play while he showed us around. Amari’s favorite part was….. opening and closing the doors, of course."

"SO EXCITED FOR YOU, MY LOVE! You are gonna do great, and we’ll be here for you every step of the way! Already so proud of you!”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang sabi pa ni Coleen sa isang IG post.

Sa Instagram parin ng aktres ay ibinabahagi niya ang ilan sa mga napasyalan na nilang lugar sa Paris. Tulad nalang ng sikat na Eiffel Tower at ang pagsakay sa carousel ride na sabi ni Coleen ay sa wakas nagawa na nila for real.

Si Billy hindi naman napigilan na mag-comment sa sweet na family picture nila na ito sa  Paris.

My heart, My strength is where my family is! @coleen.”

Ito ang sabi ni Billy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano inaalagaan ni Coleen ang anak niyang si Amari?

Larawan mula sa Instagram account ni Coleen Garcia

Samantala, ang anak ni Coleen na si Amari ay exclusively breastfed. Sa isang interview nga sa kaniya ng broadcaster na si Karen Davila ay ibinahagi ni Coleen na nahihirapan siyang iwan ang anak sa tuwing siya ay aalis. Dahil sa hanggang ngayon daw ay gumigising parin ito sa gabi para sa kaniya ay dumede.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“We never used bottles – so, I can’t leave him. I’m literally his source of food.”

Ito ang nasabi noon ni Coleen sa nasabing pahayag.

Sa isa niya ring IG post ng nagdaang breastfeeding month, ay ibinahagi rin ni Coleen ang mga struggles niya sa pagpapabreastfeed kay Amari. Kahit masakit na ang suso niya sa pagbebreastfeed ni Amari, dagdag pa ang puyat at pagod sa pag-aalaga dito ay hindi umano nagdalawang-isip si Coleen na magpatuloy sa pagbebreastfeed sa anak.

Dahil maliban sa sigurado siyang healthy si Amari ay mas naging perfect bonding nila itong mag-ina para mas maging malapit sa isa’t-isa.

“It gives me so much peace and a sense of fulfillment to know that I’ve been doing what I can to keep Amari as healthy as possible, but our breastfeeding journey hasn’t only been about that. I truly believe that it has brought us even closer and has strengthened the bond, connection and relationship we share in a deeply humbling way.”

“I wouldn’t be the mother—the person—I am today if it weren’t for the times I decided to put him before myself. And I could never imagine what it would have been like if we hadn’t chosen this path, and I would choose it again and again!”

Ito ang sabi pa noon ni Coleen sa naturang IG post.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement