Baby first haircut, narito ang mga dapat paghandaan upang maging maayos ang unang gupit ng bata.
Baby first haircut, kailan dapat gawin?
Tayong mga Pilipino ay maraming sinusunod na pamahiin at paniniwala na nagmula pa sa ating mga lolo at lola. Karamihan nga sa mga ito ay tungkol sa tamang pag-aalaga at pagpapalaki ng sanggol. Tulad nalang sa unang gupit ng bata na dapat daw ay gawin kapag siya ay isang taong gulang na. Dahil kung mapaaga ay magtatampo at hindi umano tutubo ng maayos ang buhok niya.
Pero ayon sa mga mga eksperto, walang mali at tamang oras sa pagsasagawa ng first haircut ni baby. Ito ay nakadepende sa kagustuhan ng mga magulang at syempre kung dapat na bang gupitan ang kaniyang buhok. Isang halimbawa ay kung ang kaniyang buhok ay tumutusok na sa kaniyang leeg o tumatakip na sa kaniyang mata. O kaya naman, ang flyaway sa buhok niya ay parang wig na.
Pahayag ng mga eksperto
Ayon naman kay Dr. Cindy Gellner, isang pediatrician, hindi daw totoo ang mga paniniwala sa mga pagbabagong mangyayari sa buhok ng sanggol kung ito ay mapuputulan o magugupitan. Dahil ang hair texture at growth rate ng bawat tao ay nadedetermina ng kaniyang genetics at magkakaroon lang ng pagbabago rito kung siya ay sasailalim sa chemotherapy.
Ganito rin ang pahayag ng expert hairdresser na si Jean Louis David. Ayon sa kaniya, ang paggupit sa buhok ng sanggol ay hindi isang paraan upang mapatibay o mapakapal ang tubo nito. Sa halip ay binabalanse lang nito ang pagtubo ng buhok at inaalis ito sa pagkakatakip sa mukha ng isang bata.
“Simply be reminded that cutting child’s hair does not strengthen the regrowth either. However, it does allow you to rebalance the hair growth. It is also an opportunity for you to keep the hair out of your child’s face, ears and off the nape of the neck, where it particularly tends to stick.”
Ito ang pahayag ni David.
Para naman sa ilang espesyalista, dapat ring isaalang-alang ang mga pagbabagong nararanasan ng sanggol pagkapanganak. Kaya naman mas mabuting hintayin ang una o pangalawang buwan niya bago isagawa ang baby first haircut. Ito ay dahil sa panahong ito ay nakapag-adjust na siya sa bagong mundong ginagalawan niya.
Isa pang dapat isaalang-alang sa kung kailan dapat gawin ang unang gupit ng bata ay ang kung kaya niya na bang maupo o maitayo ng maayos ang kaniyang ulo. Kaya naman ipinapayo ng ilang espesyalista na maghintay ng tatlong buwan o higit pa bago isagawa ang unang gupit ng bata. Sa ganitong paraan ay mas magiging madali ang paggupit sa buhok niya.
Mga preparasyon na dapat gawin sa unang gupit ng bata
Samantala, sa unang gupit ng bata o baby first haircut ay may mga preparasyong dapat gawin upang ito ay maayos na maisagawa. Ang mga ito ay ang sumusunod:
- Dalhin si baby sa iyong haircut appointment, ito ay upang unti-unti siyang maihanda sa unang gupit niya. O kaya naman ay dalhin siya sa salon na paggugupitan niya ilang araw bago ang kaniyang schedule. Ito ay upang ma-familiarize siya sa lugar at hindi na magulat o matakot pa sa actual haircut session niya.
- Magdala ng extra shirt ni baby. Ito ay upang sa oras na ayaw niyang magsuot ng kapa habang ginugupitan ay may damit siyang pamalit sa oras na mapuno ng nagupit niyang buhok ang damit na suot niya.
- Pumili ng tamang oras sa unang gupit ni baby na maayos ang mood niya. Hindi ang mga oras na inaantok siya, kumakain at umaatake ang tantrums niya.
- Maghanap ng salon o stylist na eksperto sa pag-gugupit ng mga bata. Dahil sila ay may alam na mga strategy upang gawing mas madali o enjoyable ang first haircut ni baby. O kaya naman ay maari ring gawin ito sa inyong bahay sa pangunguna mo.
- Magdala ng laruan o pagkain tulad ng lollipop na mag-ientertain kay baby habang siya ay ginugupitan. Dahil ang paggupit ng buhok ay may katagalan, maari siyang ma-bored at magwala habang ginagawa ito sa kaniya.
Tips para maging fun ang first haircut ni baby
Para magkaroon ng positive experience si baby sa kaniyang first haircut ay narito ang ilang tips na maari mong gawin:
- Huwag gamitin ang salitang “cut o gupit” dahil ito ay maaring maging tunog na nakakatakot para sa mga bata. Sa halip ay gamitin ang salitang “trim o style” sa paggugupit ng buhok niya.
- Gamitan ng nicknames ang mga tools na ginagamit sa paggupit ng buhok ni baby. Tulad ng blow dryer na maaring tawaging “wind machine” at “Mr. Tickle” para sa buzzer. Ito ay upang hindi sila matakot sa malakas na tunog ng mga ito.
- Mag-relax ka lang at magtiwala na kaya at magagawa ng tama ang unang gupit ng iyong baby.
- Tandaan rin na itabi ang first lock of hair ni baby. Ito ay para mayroon kang remembrance sa unang gupit niya.
Source:
Cozy Cuts For Kids, Jean Louis David Salon
Basahin:
Kailan puwede putulan ng kuko si baby at paano?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!