Simple pero heartwarming ang celebration ng wedding anniversary nina Coleen Garcia at Billy Crawford.
Coleen, Billy Crawford nag-celebrate ng wedding anniversary
Limang taon nan gang kasal sina Coleen Garcia at Billy Crawford. Noong April 20 ay nagdiwang ang celebrity couple ng ika-5 taong anibersaryo ng kanilang kasal.
Simple lang ang naging celebration ng dalawa pero puno ng sweetness at pagmamahal sa isa’t isa.
Sa Instagram post ni Billy Crawford, ibinahagi nito na nagsimula sa “small motorcycle trip to Tagaytay” na sinundan ng “spontaneous plans together” ang kanilang pagdiriwang.
Saad pa ni Billy, “Off to relax and enjoy the rest of the day before we go back to being mommy and daddy again. #coleengotthebill I love you so much.”
Samantala, nagbahagi rin ng kaniyang sweet message sa Instagram ang aktres kalakip ng larawan kung saan ay nakasakay silang dalawa sa motorsiklo.
“5 years married to this guy. Today started with a (very hot) breakfast ride, and then a bunch of spontaneous, last-minute plans that we were not prepared for, but thoroughly enjoyed anyway.
It ended the same way it always does. Chilling and watching our current favorite show, then cuddling up with our little one. So blessed I get to do life with you @billycrawford Love you!” saad ni Coleen sa IG post.
Nagsimula ang dating status ng celebrity couple noong 2016. Matatandaan namang ikinasal sina Coleen at Billy noong April 2018 sa isang exclusive island sa Balesin.
Makalipas ang dalawang taon buhat ng ikasal ang mga ito ay isinilang naman ni Coleen Garcia noong September 2020 ang kanilang anak na si Amari. Matatandaan ding isinilang si Amari sa pamamagitan ng water birth sa kanilang bahay dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.
Noong nakaraang taon, nag-celebrate naman ng kanilang fourth wedding anniversary ang celebrity couple kasama ang kanilang anak sa Amanpulo.