Coleen Garcia umaming muntik ng mag-backout sa kasal nila ni Billy Crawford noon at isuko ang pagsasama nila

Pero ngayon wala siyang pagsisisi lalo pa’t nagkaroon sila ng Baby Amari.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Coleen Garcia minsan raw nagkaroon ng agam-agam sa relasyon nila ni Billy Crawford. Aktres naisip daw na magbackout sa kasal nila ni Billy noon.

Mababasa dito ang sumusunod:

Coleen Garcia muntik ng isuko ang pagsasama nila ni Billy Crawford

Larawan mula sa Instagram account ni Coleen Garcia

Sa isang panayam ay ibinahagi ng aktres na si Coleen Garcia na muntik na siyang hindi tumuloy sa pagpapakasal kay Billy Crawford noon. Pagbabahagi ni Coleen, ito ay dahil magulo ang utak niya at marami siyang tanong na bagong mundo na papasukan niya, ang pag-aasawa.

“We almost called off the wedding at that time. I didn’t know if I wanted to push through with it or not. Sobrang magulo ang utak ko noon. But we got through the wedding, hindi kami sumuko, but almost. Malapit na.”

“I think that was also the time pumasok lahat ng challenges. You ask yourself, ‘Ano ba ‘tong papasukan ko? Tama ba ‘tong decision that we’re making?’ Doon pumasok lahat ng duda kapag naging reality na siya.”

Ito ang pagbabahagi ni Coleen na hindi naman pinagsisihan ang pagpapakasal niya kay Billy. Lalo pa’t dahil dito ay nagkaroon sila ng anak na si Baby Amari na siyang pina-priority ni Coleen sa ngayon.

Larawan mula sa Instagram account ni Coleen Garcia

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagsasama ni Coleen at Billy

Pag-amin ng aktres ay dumadaan din sa pagsubok kung minsan ang pagsasama nila ni Billy. Pero imbis na umalis at lumayas, lagi daw pinapaalala sa kaniya ni Billy na dalawa silang magkasama at haharap sa problema. At hindi dapat maging option ang iwanan o talikuran nila ang isa’t-isa. Ito umano ang isa sa mga sikreto ng siyam na taong pagsasama nila ni Billy.

“So whatever it is that the couple is going through, from the smallest to the biggest, at the end of the day, you guys should be willing to work things through together. I’m blessed that we are still together.”

Ito ang sabi pa ni Coleen.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Coleen Garcia

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement