Coleen Garcia sa 40th birthday ni Billy Crawford: "You are not just an amazing husband, but also a great friend."

Ama ni Billy na si Jack Crawford nakita na ang po niyang si Amari!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Coleen Garcia may sweet na mensahe sa kaniyang husband na si Billy Crawford sa 40th birthday nito.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Birthday message ni Coleen Garcia sa mister niyang si Billy Crawford.
  • Appreciation post ni Billy kay Coleen.

Birthday message ni Coleen Garcia sa husband niyang si Billy Crawford

Image from Coleen Garcia’s Instagram account

Nitong nakaraang May 16 ay nag-celebrate ang TV host at singer na si Billy Crawford ng kaniyang 40th birthday. Ang araw na ito hindi syempre pinalampas ng misis niyang si Coleen Garcia na gawing espesyal.

Sa kaniyang Instagram ay ibinahagi ni Coleen Garcia, ang intimate birthday party na in-organize niya para sa kaniyang husband. Kalakip nito ang isang birthday message para kay Billy na aminado si Coleen na na-late ng isang araw sa mismong kaarawan ng Billy.

Pero si Coleen bumawi naman sa kaniyang mensahe sa pamamagitan ng pagsasabi kung gaano siya ka-blessed maging misis ni Billy at maging parte ng kanilang little family.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I’m a day late, but happy birthday again, my love! I hope every birthday only gets better and better for you. I know we both have our shortcomings. But I’m incredibly blessed that I get to live this fun, happy, beautiful life with you and our little family.”

Ito ang bungad na bati ni Coleen sa mister na si Billy Crawford.

Ipinarating niya rin sa mister kung gaano niya na-appreciate ang lahat ng bagay na ginagawa nito hindi lang sa kaniya kung hindi pati sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Pero higit sa lahat, sa anak nilang si Amari na iniidolo daw ang ama niyang si Billy.

“I hope you’re always reminded that you are not just an amazing husband, but also a great friend, caring son, and wonderful father to a little angel who already adores you and looks up to you.”

“We love you and appreciate you soooo much, and I hope you feel it every second of every day!”

Sa huli ay nagpasalamat si Coleen sa mga taong tumulong sa kaniya para gawing extra special ang 40th birthday celebration ni Billy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Thank you to everyone who made Billy’s birthday extra special!”

BASAHIN:

Coleen Garcia sa pagsama kay Baby Amari sa lock-in taping: “Breastfeeding pa rin kasi ako.”

Trina Candaza on her 26th birthday celebration: “Kung anong iniyak ko noon, ayon naman sinaya ko ngayon.”

Angelica Panganiban sa kaniyang pagbubuntis: “Napakamaldita ko, nagiging halimaw talaga ako.”

Ama ni Billy nakilala na ang apo niyang si Amari

Maliban sa pag-oorganize ng kaniyang 40th birthday party, may isa pang espesyal na bagay na ginawa si Coleen para sa mister na si Billy sa naging kaarawan nito. Ito ay ang paga-arrange na makapunta sa Pilipinas ang ama ni Billy na si Jack Crawford at makilala ang apo niyang si Amari.

Ayon kay Billy ay hindi niya akalaing ngayon matutupad ang pangarap niyang ito. At sa wakas nagkakilala rin ang kaniyang anak na si Amari at kaniyang lolo. Ito daw ay naging posible sa pamamagitan ng efforts ng minamahal niyang misis na si Coleen.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“My wife made this happen! I’m so thankful for you @coleen for making my dreams come true. I never thought my father would even meet his grandson. And by God’s grace you have made all of this possible.”

“Thank you so much my love. to the strongest,sexiest and most loving wife ever! Best 40th birthday ever.”

Appreciation post ni Billy kay Coleen

Image from Coleen Garcia’s Instagram account

Samantala, nitong Mother’s Day ay may appreciation post din si Billy na inalay para sa misis na si Coleen. Doon ay pinasalamatan niya lahat ng sakripisyong ginawa ni Coleen para sa kaniya at sa pag-aalaga sa kanilang little boy na si Amari.

“To the woman, I am so madly in love with. Thank you for ALL your sacrifices from the bottom of my heart. No man in this world will ever be able to understand and feel what you go through on a daily basis. You have kept it together for the past few years. And still turned out to be the greatest mom I could ever hope for to our son.”

Ito ang paunang mensahe ni Billy kay Coleen nitong Mother’s day.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matatandaang mula ng isilang ni Coleen si Amari ay binabahagi ni Billy ng ilang larawan kung paano napupuyat at napapagod si Coleen sa pag-aalaga dito. Si Billy, super proud sa misis at thankful sa ginagawa niyang sakripisyo maibigay lang ang best para sa kanilang anak.

Ang post na ito ni Billy ay hindi naman nakaligtaang sagutin ni Coleen. Sagot ni Coleen, hindi siya magiging kung sino siya ngayon ina kung hindi dahil sa mister niyang si Billy na laging all support at ipinaparamdam ang pagmamahal niya.

“Thank you, my love. Thank you for always being patient with me, and for being such an amazing partner through everything. I wouldn’t be the Mama I am today if you weren’t the husband you are every day!”

Ito ang sweet na mensahe pa ni Coleen Garcia sa kaniyang mister na si Billy Crawford.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement