Matapos ang mahigit 30 taon na pagiging comatose ay himalang nagising ang isang ina sa UAE. Hindi lubos akalain ng kaniyang pamilya na siya ay magigising pa, ngunit hindi pa rin sila nawalan ng pag-asa.
Sinagip raw niya ang kaniyang anak kaya siya na-comatose
Ayon sa kaniyang anak, nangyari raw ang insidente mahigit 30 taon na ang nakalipas. Nasa sasakyan raw silang mag-ina, at nabangga sila ng isang school bus. Upang sagipin ang anak, niyakap raw niya ito ng mahigpit.
Himalang nabuhay ang bata, ngunit nagkaroon ng comatose ang kaniyang ina.
Pinapakain raw siya sa pamamagitan ng isang tubo, at sumasailalim sa physiotherapy upang hindi manghina ang mga muscles. Ngunit mahigit 15 taon na raw walang nangyayaring pagbabago sa kaniyang kondisyon. Hindi na inasahan ng mga doktor na siya ay gigising pa.
Tinulungan siya ng isang prinsipe
Noong 2017 raw ay sumailalim siya sa isang makabaong treatment na binayaran ng crown prince ng Abu Dhabi na si Mohammed bin Zayed. Matapos nito ay nagkaroon raw ng pagbuti ang kaniyang kalagayan.
At isang araw raw ay napansin ng kaniyang anak na mayroong kakaibang mga ingay na ginagawa ang ina habang natutulog. Ngunit sabi ng mga doktor ay wala naman raw bago, at normal lang ito.
Nagular na lamang ang kaniyang anak nang marinig na tinatawag siya ng ina, at hindi siya makapaniwala sa nangyaring himala.
Sa kasalukuyan ay nakakausap na raw ng ina ang kaniyang pamilya, nakakapagdasal, at kayang sabihin kung mayroong masakit sa kaniya.
Bagama’t hindi pa tuluyang nakakarecover sa nangyari, nakabalik na sa Abu Dhabi ang ginang, at inaasahang manunumbalik ang dati niyang lakas.
Source: Yahoo
Basahin: Inang may cancer, sinamahan ang anak sa graduation