X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Inang may cancer, sinamahan ang anak sa graduation

2 min read
Inang may cancer, sinamahan ang anak sa graduationInang may cancer, sinamahan ang anak sa graduation

Ipinakita ng isang inang may cancer ang sakripisyo ng magulang para lamang makita na makagraduate ang kaniyang pinakamamahal na anak.

Hindi rin biro ang mga sakripisyo na ginagawa ng mga magulang para sa kanilang mga anak. Lalong-lalo na pagdating sa kanilang edukasyon.

Maraming magulang nga ang nagsasabi na ang edukasyon ang tanging maipapamana nila sa kanilang mga anak.

Kaya't para sa isang ina, hindi naging hadlang ang pagkakaroon niya ng cancer upang makita ang pag-graduate ng kaniyang pinakamamahal na anak. Hindi niya ininda ang hirap at sakit, basta lang makitang nag-martsa ang anak niya.

Sakripisyo ng magulang, hinding-hindi matatawaran

Ayon sa inang si Ethel Canales, naging mahirap ang kaniyang buhay matapos dapuan ng cancer. Na-diagnose siya na mayroong stage 4 renal cell carcinoma, o cancer sa bato.

Dati raw ay aktibo siya sa bahay, at siya ang nag-aalaga sa kaniyang mga anak. Ngayon, dahil naging baldado sa karamdaman, siya na ang inaalagan ng dalawa niyang anak na babae.

Dagdag pa niya, napilitan rin daw tumigil sa trabaho ang kaniyang mister, upang siya ay maalagaan.  Lubos ang kalungkutan ni Ethel dahil hindi na niya nagagawa ang dating mga gawain. Pati raw ang pagdalo sa graduation ng anak, ay inakala niyang magiging pangarap na lamang.

Bagama't nahihirapan, nais ni Ethel na maging bahagi ng pagtatapos ng kaniyang anak sa elementarya. Aniya, napakahusay raw ng kaniyang anak dahil kahit hindi niya nababantayan ay nagtapos ito ng may 2nd honors sa kanilang buong batch.

Nasorpresa ang kaniyang anak sa pagdalo niya

 

Sa tulong ng palabas na Rated K, ay nagawan nila ng paraan upang makadalo si Ethel sa pagtatapos ng anak. Akala ng anak ni Ethel na si Christiana na ang lola niya ang makakasama niya sa graduation. Kaya't laking tuwa at gulat na lang niya nang makita na naghihintay ang kaniyang ina, na nakaupo sa wheelchair.

Dahil dito, nakita ni Ethel ang pagtatapos ng kaniyang panganay na anak.

Bagama't simpleng bagay ito, hindi maikakailang napakaimportante nito para sa kanilang pamilya. Ito ang nagbibigay sa kanila ng pag-asa na balang araw ay gagaling rin si Ethel at makakabalik na siya sa dati niyang sigla.

Para sa mga nais mag-donate o magbigay ng tulong, maaaring gawin sa pamamagitan ng Facebook page na ito.

 

Source: Kami

Basahin: 19-anyos na may cancer, pumanaw na

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Inang may cancer, sinamahan ang anak sa graduation
Share:
  • Amang iisa lang ang paa, mag-isang nagtatrabaho para maitaguyod ang pamilya

    Amang iisa lang ang paa, mag-isang nagtatrabaho para maitaguyod ang pamilya

  • STUDY: Mas malaki ang chance na magkaroon ng rare cancer ang bata

    STUDY: Mas malaki ang chance na magkaroon ng rare cancer ang bata

  • Jennylyn Mercado nasorpresa sa biglaang panganganak: "Hindi kami ready!"

    Jennylyn Mercado nasorpresa sa biglaang panganganak: "Hindi kami ready!"

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

app info
get app banner
  • Amang iisa lang ang paa, mag-isang nagtatrabaho para maitaguyod ang pamilya

    Amang iisa lang ang paa, mag-isang nagtatrabaho para maitaguyod ang pamilya

  • STUDY: Mas malaki ang chance na magkaroon ng rare cancer ang bata

    STUDY: Mas malaki ang chance na magkaroon ng rare cancer ang bata

  • Jennylyn Mercado nasorpresa sa biglaang panganganak: "Hindi kami ready!"

    Jennylyn Mercado nasorpresa sa biglaang panganganak: "Hindi kami ready!"

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.