Muling binuksan ng Commission on Elections ang voter registration. Ang nasabing COMELEC voter registration ay bilang paghahanda para sa parating na halalan sa May 11, 2020. Ang nasabing halalan ay para sa Baranggay at Sangguniang Kabataan (SK).
COMELEC voter registration: Registration period
Magsisimula ang COMELEC voter registration period sa ika-1 ng Agusto 2019. Magtatapos ito sa ika-30 ng Setyembre taong 2019.
Maaaring mag-file ng applications mula Lunes hanggang Sabado, kabilang mga holidays. Maaaring magpunta mula 8:00 nang umaga hanggang 5:00 nang hapon sa Office of the Election Officer. Maaari rin mag-apply sa mga satellite registration sites sa tinitirhan ng magre-register.
Ayon kay sa tagapag-salita ng Comelec na si James Jimenez, pinapayagan ang registration nang Sabado at holidays para bigyang daan ang mga nagta-trabaho at mga nag-aaral.
Mga requirements
Ayon sa Comelec Resolution No. 10549, may ilang mga kwalipikasyon at requirements na kailangan ng nais mag-register.
Mga kwalipikasyon
- Hindi pa nakapagparehistro para sa midterm elections nuong ika-13 ng Mayo taong 2019
- Tutuntong sa ika-15 taong gulang bago ang ika-11 ng Mayo taong 2020
- Kasalukuyang nakatira sa baranggay nang hindi bababa sa 6 na buwan bago ang araw ng eleksiyon.
- Para sa SK elections, ang mga botante ay hindi dapat baba sa 15 taong gulang at hindi hihigit sa 30 taong gulang sa araw ng eleksiyon.
Diskwalipikasyon
Ang mga sumusunod ay diskwalipikado para sa registration:
- Sino mang nahatulan ng pagkakabilanggo nang hindi bababa sa isang taon na hindi mabigyan ng pardon o amnestiya.
- Ang mga nahatulan ng korte o tribunal ng kasong kriminal na may kinalaman sa pagiging hindi tapat sa gobyerno tulad ng rebelyon, paglabag sa firearms law, o krimen laban sa national security.
- Walang sapat na kapasidad sa pag-iisip maliban kung i-deklara ng tamang awtoridad na kaya niya na.
Mga kailangan na dokumento
Ang mga sumusunod ay tatanggapin bilang valid na dokumentong patunay sa identification:
- Employee’s ID na may lagda ng employer o representative
- Postal ID
- PWD Discount ID
- Student’s ID o library card na may lagda mula sa awtoridad ng paaralan
- Senior Citizen’s ID
- Driver’s license
- NBI clearance
- Passport
- SSS/GSIS ID
- Intergated Bar of the Philippines (IBP) ID
- Professional Regulatory Commission (PRC) license
- Certificate of Confirmation mula sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) para sa mga nabibilang sa ICCs o IPs
- Iba pang valid ID
Kapag walang mapakita na kahit ano sa mga naka-lista, maaaring kilalanin ng isang rehistradong botante ang bilang kamag-anak. Ngunit, ang isang rehistradong botante ay hindi maaaring kumilala ng lagpas sa 3 nais magregister.
Ang Community Tax Certificate (cedula) at PNP clearance ay hindi maaaring gamitin bilang valid na identification para magregister.
Application form
Ang mga application forms ay maaaring i-download mula dito.
Lahat ng applications ay tatanggapin ng Comelec. Kabilang sa mga ito ang mga sumusunod:
- Applications para sa registration
- Transfer ng registration record
- Change/correction ng mga entry
- Reactivation ng record ng registration
- Inclusion ng record ng registration
- Reinstatement ng panggalan sa listahan ng mga botante
Para sa mga PWD, senior citizens at mga buntis, magtatalaga ng express lanes.
Sources: Comelec Press Release, Comelec Registration Requirements
Basahin: “Parent votes” matter to national election candidates
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!