Ilang senador, pabor na lumagpas ng April 30 ang community quarantine

Community quarantine extended until May? Ito ang suhestisyon ng isang UP study sa ilang lugar sa bansa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Community quarantine extended until May? Ito ang panukala ng ilang senador at kongresista. Mga ekonomista nagbahagi ng kanilang opinyon ukol sa posibleng community quarantine extension.

Image from Bloomberg

Community quarantine extended until May?

Ilang senador ang pabor na lumagpas sa April 30 ang ipinatutupad na enhanced community quarantine sa Luzon. Ito ay alinsunod sa pahayag ni Presidente Rodrigo Duterte na ililift niya lang ang enhanced community quarantine sa oras na mayroon ng gamot para sa sakit. Ngunit base parin sa pahayag ni Pangulong Duterte may isang pharmaceutical company na ang nakadiskubre ng “antibody” laban sa sakit. At ito ay sisimulang i-market sa publiko sa May. Bagamat ang nasabing gamot ay hindi pa nagagamit sa tao at malaki ang posibilidad na mahuhuli ang Pilipinas sa pagkuha nito.

“Mayroon nang medisina, antibody, ang isang giant pharmaceutical pero hindi galing sa tao. Sabi by May, they would start to market it. Ang problema sabi nga, we are on the last ladder. Ang mauna niyan ‘yung mga mayayaman. Kung meron na ‘yan tapos makita ko na ginagamit na ng tao, ili-lift ko [ang quarantine]. Tutal kung magkasakit kayo may antibodies naman tayo mabili,” pahayag ng Pangulo.

Ayon naman kay Senate President Vicente Sotto III na pabor sa community quarantine extension, mas mabuti ng gawin ito upang makasigurado.

“I would rather play the conservative card and side with a continuing lockdown if no clear evidence of a solution to the virus is in sight.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang pahayag ni Sotto sa isang panayam.

Pagpapatupad ng modified community quarantine

Ganito rin ang paniniwala ni Senator Imee Marcos na chairman ng Senate Committee on Economic Affairs. Ngunit dapat suhestisyon niya, matapos ang April 30 ay modified community quarantine na ang ipapatupad. Ito ay upang unti-unting buhayin na ang ekonomiya.

“I suspect only a partial easing may be allowed at the end of the month, doctors warning of a second wave of infection has occurred in some countries, sometimes more virulent than first infections.”

“Hence, we should expect only critical businesses will be allowed to fully open—medical production, importation, and distribution, food chain sectors, essential transport, communication, general services, and maintenance.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang pahayag ni Marcos. Dagdag niya pa, maaring gawin ang modified community quarantine sa mga probinsya na hindi nman ganoong apektado ng COVID-19 pandemic. Ito ay upang makatulong sila na makapagbigay ng tulong sa NCR na lubhang tinamaan ng sakit.

“While the exponential increase of infection in NCR may require close government regulation, the less-afflicted provinces should be allowed a measure of self-determination, so that they may even provide NCR’s food, personnel, and other requirements.”

Ito ang dagdag pang pahayag ni Marcos.

Pahayag ng mga ekonomista

Ang pahayag na ito ni Marcos ay sinuportahan ng mga ekonomista. Bagamat rekumendasyon nila ay dapat paring i-prioritize ang health at social protection ng bansa. At isang paraan upang gawin ito ay sa pamamagitan ng mass testing. Ito ay upang matukoy talaga kung gaano karami na ang naapektuhan ng sakit sa bansa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“We don’t want this virus to remain at large till the rainy season as it could get worse.  I prefer that we do the modification in May.”

Ito ang pahayag ni BDO chief market strategist Jonathan Ravelas.

Para naman kay Union Bank of the Philippines chief economist Carlo Asuncion kung magpapatupad ng modified community quarantine ito ay dapat ma-implement ng maayos. At maliban sa mass testing dapat ay maging effective rin ang tracing at quarantine strategy na ginagawa ng gobyerno.

Kailangang maging disiplanado at responsable ng mga Pilipino

Image from The Philippine Star

“A modified community quarantine entails an effective testing, tracing and quarantine strategy to help the goal of virus containment.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang pahayag ni Asuncion sa isang panayam sa CNN. Dagdag niya pa maliban sa mga ito ay malaki rin ang gagampanang papel ng mga Pilipino upang maging effective at successful ang ipatutupad na modified community quarantine kung sakali. Dapat ay maging responsable ang bawat isa sa kanilang sarili. At sumunod parin sa precautionary measures na ipinatutupad laban sa sakit. Dahil kahit magpatupad ng modified community quarantine, hindi parin maibabalik sa normal ang lahat. Ito ay hanggat wala paring gamot na available laban sa sakit.

“Wearing masks in public, physical distancing, personal hygiene should continually be communicated through efficient channels. It should be clear that we cannot return to the ‘usual way of life’ until an effective anti-viral drug is readily available and that a working vaccine be available globally.”

Ito ang dagdag pang pahayag ni Asuncion.

Rekomendasyon ng isang UP study

Samantala rekumendasyon naman ng isang pag-aaral na isinagawa ng University of the Philippines ang pagpapatupad ng modified community quarantine ay kailangan upang hindi tuluyang ma-paralyze ang ekonomiya ng bansa. Ngunit ito ay dapat gawin base sa probable outbreak ng sakit sa isang lugar o probinsya.

May ilang probinsya nga umano ang maari ng hindi magpatupad ng community quarantine. Pero kailangan parin nilang ipagpatuloy ang kampanya laban sa sakit. At i-practice parin ang precautionary measures tulad ng general physical distancing, testing, contact tracing, home quarantine para sa probable cases, at hospitalization sa nangangailangan ng treatment.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“By getting the ratio of the number of cases against the estimated outbreak threshold, we can determine which level of community quarantine to implement. For instance, a province whose number of cases is at least equal to the estimated outbreak threshold should implement ECQ measures. On the other hand, a province whose number of cases is less than 75% of the estimated outbreak threshold may not declare a community quarantine at all.”

Ito ang isang pahayag mula sa ginawang pag-aaral ng UP.

Mga lugar sa Pilipinas na dapat paring magpatupad ng ECQ after April 30

Image from Freepik

Base parin sa kanilang pag-aaral, may mga probinsya at lugar sa bansa na dapat paring magpatupad ng enhanced community quarantine matapos ang April 30. Ito ang mga sumusunod na probinsya na may mataas na posibilidad ng COVID-19 outbreak:

  • Aklan
  • Bataan
  • Batangas
  • Benguet
  • Bulacan
  • Cavite
  • Cebu
  • Davao del Sur
  • Laguna
  • Metro Manila
  • Nueva Ecija
  • Pampanga
  • Pangasinan
  • Quezon
  • Rizal
  • Tarlac

Ayon parin sa UP study, ang resulta ng kanilang ginawang pag-aaral ay base sa mga official reports, testing accuracy, monitoring, at bilang ng nasawi dahil sa sakit dito sa Pilipinas.

 

Source:

GMA News, CNN, University of the Philippines

Basahin:

2-3 months extension ng quarantine inimungkahi ng Pinoy scientists