Community quarantine extension sa Luzon iminumungkahi ng isang scientist. Luzon community quarantine dapat daw i-extend pa ng 2-3 buwan.
Community quarantine extension
Ito ang iminumungkahi ng Filipino scientist at Assistant Professor sa University of California na si Dr. Darwin Bandoy. Ayon sa kaniya, mauuwi sa wala ang isinasagawang pinahigpit na Luzon community quarantine ngayon, kung hindi ito i-extend. Dahil base umano sa kasalukuyang sitwasyon sa Pilipinas, ang pagpapatigil ng enhanced community quarantine ay maaring maging dahilan ng biglang pagtaas ng bilang ng biktima ng sakit.
“If we remove the ECQ on April 13 and we resume normal activity April 14 the epidemic curve would rise again.”
Ito ang pahayag ni Dr. Bandoy sa isang panayam sa kaniya ng news program ng ANC.
Ayon pa sa kaniya, kung sakaling binalewala ng Pilipinas ang banta ng sakit na COVID-19 at hindi nag-implement ng lockdown ay maaring umabot hanggang 250,000 ang ma-iinfect nito sa bansa.
“My model is a do-nothing scenario. Meaning, if we don’t implement lockdown, the peak number of cases in my estimate is around 250,000. That includes the asymptomatics but the approximate estimate is 1 to 3 percent of the 250,000 would be severe cases.”
Ito ang paliwanag ni Dr. Bandoy. Dagdag pa niya, base sa current data na mayroon ang Pilipinas sa naapektuhan ng sakit makikitang mas mataas ang death rate ng COVID-19 sa bansa. Ito ay dahil hindi pa tayo nagsasagawa ng mass testing.
“The number of deaths over the number of cases is unusually higher in the Philippines. It’s because we are not yet testing as much as we can to know the ground truth.”
Maaring matulad ang Pilipinas sa Italy
Maliban nga sa mass testing ay dapat daw mas paigtingin pa ang ginawang physical distancing procedures sa bansa lalo na sa mga public transportation. Dapat ring i-improve pa ang ating health care capacity. Dahil sa ngayon ay limitado lamang ang bilang ng ating medical equipment tulad ng ventilators. Ang ventilator ang pangunahing medical equipment na ginagamit upang masagip ang buhay ng mga biktima ng sakit. Kung hindi nga raw ito daragdagan, ayon kay Dr. Bandoy ay matutulad ang Pilipinas sa Italy.
“We only have 1500 ventilators right and I think 500 of that is in Manila. So, if our case severe cases went beyond that it will be like Italy we will be selecting who will die or not.”
2-3 month extension ng Luzon community quarantine
Kaya naman mungkahi niya kailangan pa ng ilang linggo o buwang extension ng Luzon community quarantine. Ito ay upang mabawasan at mapigilan pa ang pagkalat ng sakit.
“My estimate is that to prevent the current trajectory, we need a few more weeks and months to reduce that so that we will not overburden our healthcare, which is already struggling as of the moment.”
Ang estimate niya daw na dapat gawing community quarantine extension sa Luzon ay dalawa hanggang tatlong buwan pa. At ito ay naka-depende sa bilang ng mga magpopositibo pa sa COVID-19 sa bansa.
“The estimate would be around 2 to 3 months before we could really flatten the curve but I’m still waiting for the current data.”
Kailan hindi na dapat magpatupad ng community quarantine extension?
Saka lang daw maaring unti-untiing tanggalin ang Luzon community quarantine kung na-meet na natin ang sumusunod na kondisyon.
“It should be extended until we meet the following conditions. We have the necessary health care capacity in terms of hospital beds in terms of ventilators, those are the critical elements for me.”
“Another one is until we can enforce social distancing at public transportation properly. If we can implement proper transportation social distancing procedures, disinfection we can probably slowly introduce back to normal life.”
“But I wouldn’t recommend opening schools as of the moment. Because based on several studies openings schools would promote further spread of the disease and I think we don’t want that to happen.”
Ito ang dagdag pang pahayag ni Dr. Bandoy.
Pahayag ng DOH
Samantala, sinuportahan naman ang pahayag na ito ni Dr. Bandoy ng nauna ng pahayag ni DOH Secretary Francisco Duque III. Ayon sa kaniya ay masyado pang maaga para sabihing dapat ng itigil at hindi i-extend ang ipinatutupad na Luzon community quarantine. Ito ay kung ikukumpara ang Pilipinas sa pinagdaanan ng Wuhan sa China.
Maaga pa [para ma-assess]. Tandaan po natin ang China, ‘yung kanilang Wuhan ay nag-umpisa ng kanilang lockdown January 23 and, in fact, restricted pa rin. Ibig sabihin hindi pa rin completely lifted ang lockdown nila after two months. Kahit na single digit na lang ang kanilang reported new cases ay hindi pa rin po sila nag-completely lift ng lockdown.”
Ito ang pahayag ni Duque sa isang panayam.
Dagdag pa niya ang desisyon sa kung magpapatupad pa ng community quarantine extension sa Luzon ay nakadepende sa status ng COVID-19 sa Pilipinas. At ang basehan nito ay resulta ng isinasagawang testing na inamin niyang sa ngayon ay hindi pa real time o accurate. Dahil may mga backlogs paring patuloy na inaayos ang RITM.
“Kung ma-zero na natin ang backlog saka lang natin malalaman ‘yung real-time COVID-19 status ng Pilipinas,” pahayag ni Duque.
Source:
ANC, GMA News
Gobyerno, naghahanda na nga ba sa pagtatapos ng Luzon quarantine?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!