MANILA, Philippines – Opisyal nang inaprubahan ni Pangulong Duterte ang Extension ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ngayon sa Luzon
Enhanced community quarantine extension in Luzon
Dalawang linggo na lamang ang natitira bago matapos ang Enhanced Community Quarantine na nagsimula noong March 15 hanggang sa April 14.
Ngunit sa patuloy na pagtaas ng mga nagpositibo sa COVID-19 ngayon sa bansa, muling pinaboran ni Pangulong Duterte ang extension ng Enhanced Community Quarantine. Inanunsyo ito ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ngayong Tuesday, April 7.
Ang pagtatapos sana ng ECQ ay ngayong April 14 ngunit maeextend hanggang April 30 sa buong Luzon.
As of now, mayroon nang 3,660 na naitalang positibo sa COVID-19 sa bansa. Samantalang 163 ang namatay at 73 katao ang nakarecover.
Paano nahahawa sa COVID-19?
Paano nga ba nahahawa sa COVID-19 ang mga tao? Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.
Community quarantine extension in Philippines | Image from Unsplash
Sintomas ng COVID-19
Ito ang mga karaniwang sintomas na maaaring makita sa mga matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan.
Ang sintomas ng COVID-19 sa tao ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.
- Dry cough
- Mataas na lagnat
- Panghihina
- Pananakit ng katawan
- Diarrhea
- Pananakit ng ulo
- Pagkawala ng panlasa
- Pananakit ng lalamunan
Narito ang mga seryosong sintomas na kailangang bigyang pansin. Kung sakaling maramdaman ang mga ito, agad na humanap ng medical assistance.
- Hindi makagalaw
- Hindi makapagsalita
- Hirap sa paghinga
- Pananakit ng dibdib
Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.
Community quarantine extension in Philippines | Image from Unsplash
Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:
- Buntis
- 65 years old pataas
- Mga taong may travel history
- Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
- May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes
COVID-19 Health protocols
Ayon sa CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:
- Palaging pagsusuot ng mask
- Iwasan ang mga matataong lugar
- Iwasan ang mag-travel
- Panatilihin ang social distancing
- Palagiang paghuhugas ng kamay
- Iwasan ang paghawak sa mukha
- Maging malinis
Nakakahawa ba ang taong asymptomatic sa COVID-19?
Mayroong dalawang klase ng pasyente kapag ito ay infected na ng COVID-19.
Ang una ay yung mga tao na nakakaranas at nakikitaan ng common symptoms ng virus katulad ng pag-ubo o pagkakaroon ng lagnat. Ang sunod naman ay ang mga taong hindi mo alam na infected na pala ng virus. Ito ang mga tinatawag na asymptomatic. Sila ang mga taong positive na sa COVID-19 pero hindi nakakaranas o nakikitaan ng symptoms ng nasabing virus.
Ayon sa World Health Organization, ang pagpasa ng virus mula sa taong asymptomatic papunta sa hindi pa infected ay bihira lamang kung mangyari. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay maipapasa ito ng taong asymptomatic.
Matatandaan na sa unang mga pag-aaral, ang sabi ay makakahawa ang mga asymptomatic sa mga hindi infected kahit wala silang nararamdamang mga sintomas. Ngunit ngayon, paglilinaw ng WHO na bihira lamang itong mangyari.
Community quarantine extension in Philippines | Image from Unsplash
Dahil nakukuha ang virus mula sa taong positibo dito at ang mga maliliit na water droplets mula sa kanyang ilong ay dahilan kung bakit ito napapasa sa iba.
Karamihan na nagiging asymptomatic ay mga kabataan o yung hindi high risk sa COVID-19 katulad ng mga senior citizen, buntis o kaya naman mga may current medical issue. Kadalasan, ang mga taong hindi high risk ay nagkakaroon lang ng mild symptoms sa virus.
Ayon sa head ng World Health Organization na si Dr. Maria Van Kerkhove, ang pagpasa ng virus mula sa asymptomatic na tao papunta sa hindi infected ay ‘rare‘ kung tutuusin.
“From the data we have, it still seems to be rare that an asymptomatic person actually transmits onward to a secondary individual.. It’s very rare.”
Dagdag pa dito, nagbigay ang WHO ng paalala na kailangang ihiwalay muna ang mga positibo sa COVID-19 na may sintomas. Alamin ang mga nakasalamuha nila at idaan rin sa pagsusuri.
BASAHIN:
STUDY: Mababa ang chance na magkaroon ng COVID-19 ang mga may O blood type
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!