Muling isinusulong ni House Minority Leader Bienvenido Abante Jr. ang compressed work week sa Philippines. Sa panukalang ito, magiging 4 na araw nalang ang trabaho kada linggo imbes na ang nakasanayang 5 araw. Ito ay nais niyang maipatupad sa pribadong sektor para mapaluwag ang lumalalang kalagayan ng trapik.
Compressed work week sa Philippines tuwing holiday season
Sa papalapit na holiday season, kadalasang lumalala ang kalagayan ng trapik sa Metro Manila. Ito ang dahilan kung bakit nais muling isulong ni Rep. Abante ang 4-day work week. Imbes na sa dating inihain na gawin itong opsyon sa pribadong sektor.
Ito rin ay kanyang nakikita na maaaring maging trial para makita kung magiging epektibo ang panukala. Mula dito, maaaring piliin ng ilang pribadong sektor na ipagpatuloy ito.
Kanya ring hinihiling sa pribadong sektor na ipatupad ito kahit lamang tuwing Disyembre para mapaluwag ang trapik. Kanyang itinataguyod ang pag-gamit ng technology at internet para maisagawa ang mga trabaho. Sa ganitong paraan, maaaring ipatupad ang 4-day work week habang ang panghuling araw ay magiging work-from-home para sa mga empleyado.
Bukod sa mga pribadong sektor, itinuro rin ni Abante ang mga ahensya ng gobyerno na maaaring magpatupad ng compressed work week sa Philippines sa kanilang mga opisina. Ang mga ito ay ang Bureau of Internal Revenue (BIR), Social Security System (SSS) at Philippine Overseas Employment Administration (POEA). Ang mga nasabing ahensya ay puro may opisina sa EDSA.
Photo by Alexa Williams on Unsplash
Reaksyon ng iba pang mambabatas
Sinuportahan ni Marikina Rep. Bayani Fernando ang panukalang ito. Bilang dating chair ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), naniniwala siyang makakatulong ito sa pagpapaluwag ng daloy ng trapik. Ayon sa kanya, malaking bagay ang maitutulong ng pagpapatupad ng 4-day work week mula sa mga ahensya ng gobyerno.
Nagbabala naman si Iloilo Rep. Janette Garin sa mga maaaring maging epekto nito sa mga public services. Para sa kanya, mas maiging ipatupad ang iba-ibang work schedule. Sa ganitong paraan, tuloy-tuloy parin ang mga serbisyo ngunit iba-ibang oras na ang pagpasok at pag-uwi. Hindi magsasabay sabay sa kalsada ang byake ng mga tao.
Ganunpaman, sinusuportahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang 4-day work week. Ayon kay Assistant Secretary Benjo Benavidez, maaaring ipatupad ang flexible na oras ng trabaho hangga’t mananatili itong opsiyonal at hindi isabatas. Dapat ay ang employer ang pipiling magpatupad nito at hindi sapilitan dahil sinasaad ng batas.
Ayon naman kay Lito Ustarez, ang bise presidente ng Kilusang Mayo Uno, makakabawas ito sa oras sa pamilya. Ang 12 oras ng trabaho sa isang araw dagdag pa ang 5 oras sa byahe ay 17 oras na malayo sa pamilya bawat araw. Bukod dito, malaki rin ang magiging impact nito sa kalusugan ng mga manggagawa na 6 na araw kada linggo ang trabaho. Dagdag pa dito ang mababawas sa kinikita ng mga binabayaran ng arawan.
Photo by Sandy Millar on Unsplash
Basahin din: 4-day work week gustong isulong sa kongreso
Source: ABS-CBN News
Photo by Mikechie Esparagoza from Pexels
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!