Sa tradisyon ng mga Chinese, sobrang importante ng panahon ng confinement sa mga bagong nanay habang nagpapagaling mula sa panganganak. Nagagawa nitong pagpahingahin ang nanay upang ma-boost ang kanilang immunity para sa mabilis na pagpapagaling mula sa panganganak.
Mababasa sa artikulong ito:
- 6 confinement food recipe na makakatulong sa iyong postpartum immunity
- Tips sa pagluluto
Nakakatulong din ito sa mga nanay at baby na manatili lang sa loob ng bahay upang maalagaan ng ibang kapamilya. Kahit na may kakayahan ang science na magbigay ng safe childbirth sa mga nanay, hindi pa rin mawawala ang traditional na pagsasanay na may halong modernong siyensa para mabigyan ng sapat na immunity si mommy at baby.
Kaya naman naglista kami ng anim na confinement food recipes para sa mga nanay na maaari nilang subukan sa kanilang bahay.
Ang mga recipe na ito ay hindi lang healthy at nutritious dahil ito rin ay masarap. Just in case na ikaw ay hindi bagong nanay, pwede mo pa rin naman itong subukan para ma-boost ang iyong immunity.
6 confinement food recipe na makakatulong sa iyong postpartum immunity
1. Milkfish and Green Papaya Soup
Ang Chinese-style soup na may kasamang isda at green papaya ay maaaring kainin araw-araw upang mapabuti ang produksyon ng breastmilk.
Hindi mo masyadong maaamoy ang lansa ng bangus at ang lasa nito ay mayaman sa nutrients. Kaya naman siguradong kailangan itong idagdag sa iyong postpartum diet.
Ingredients:
- Mantika – 2 tbsp
- Bangus – 2 pieces
- Luya – 8 slices
- Red dates – 20 g
- Peanuts – 50 g
- Tubig – 3.4 litres
- Green papaya -1 kg cut into cubes
- Asin – to taste
- Muslin bag
Method:
- Maglagay ng mantika sa kawali at iprito ang dalawang bangus.
- Magdagdag ng apat na slice ng luya. Iprito ito at hanggang sa mag-golden brown ang bangus.
- Ilipat ang pritong isda sa muslin bag at ipahinga ito sa pot.
- Idagdag ang red dates sa pot kasama ng luya, peanuts, at kumukulong tubig.
- Lagyan ito ng takip at hayaang pakuluin ng isang oras ang mga ingredients hanggang sa maging dark ang tubig.
- Tanggalin ang muslin bag kasama ang isda. Itabi ito.
- Idagdag ang green papaya at pakuluin ito ng karagdagang 15-20 minutes.
- I-season ang sabaw ng asin. Serve hot.
2. Red Glutinous Rice Wine Chicken Mee Sua
Ang recipe na ito ay mayaman sa antioxidants at anti-inflammatory properties na may ingredients katulad ng sesame oil, luya, ride wine, at iba pa. Nakakatulong ito sa recovery ng mga nanay sa postpartum period.
Mayaman din ito sa unsaturated fats, nakakatulong upang mapanatili ang bone health, at nalalabanan ang free radicals. Ang food items katulad ng luya ay kilala bilang galactagogue na nakakatulong sa produksyon ng breastmilk.
Ingredients:
- Chicken drumsticks – 2 lbs
- Foo Chow Red Wine – 3 cups
- Sesame oil – 1 tbsp
- Luya, manipis ang pagkahati – 1-inch
- Red Yeast Rice – 1 tbsp
- Mee sua noodles o somen noodles – 8 bundles
- Asin
- Asukal (optional)
- Dahon ng cilantro
- Green onions (chopped)
Method:
- For 15 minutes, i-marinate ang manok sa red wine lees, rice wine, ginger juice, at kaunting toyo.
- Idagdag ang sesame oil sa pan at ilagay rin ang hiniwang luya.
- Prituhin ito hanggang maging crispy. I-drain at itabi.
- Sa parehong pan, idagdag ang marinated chicken drumsticks at prituhin ito hanggang maging light brown.
- Magdagdag pa ng red wine lees at isunod ang rice wine. Magdagdag din ng asin base sa iyong panlasa.
- Haluin ang lahat at hayaang pakuluan sa loob ng 15 minuto hanggang sa lumambot at maging tender ang manok.
- Sa ibang pan naman, ilagay sa kumukulong tubig ang mee sua at i-blanch ito ng isang minuto.
- Tanggalin ang tubig at ilipat ang mee sua sa serving bowl.
- Ilagay ang manok at lagyan din ng soup na may kasamang red yeast rice, base sa kagustuhan.
- Ilagay ang chopped green onions at dahon ng cilantro bilang pang-garnish.
3. Ginger Fried Rice
Ito na ata ang pinakamadaling confinement food recipe na pwede mong subukan. Mayaman ito sa nutritional support para sa iyong papagaling na katawan.
Ang recipe na ito ay mayroong ample ginger at sesame oil na nakakatulong sa iyong immunity upang malabanan ang malamig na panahon.
Plus, makakatulong ang anti-inflammatory properties upang mabilis na gumaling ang iyong katawan.
Ingredients:
- Lutong kanin – 2 cups
- Chopped chicken fillets – 260 g
- Cooking oil – 2 tbsp
- Itlog – 2
- Mixed vegetables – 1 cup
Marinade:
- Grated na luya – 1 tbsp
- Sesame oil – 1 tsp
- Green onion, hati
Ingredients:
- I-marinate ang manok kasama ang asin at cooking wine, cornstarch, sesame oil, at haulin itong mabuti.
- I-marinate ng 15 minutes.
- Batihin ang itlog sa separate bowl. Lagyan ito ng kaunting asin. Ibuhos ang itlog sa pre-cooked rice at haluin ng mabuti.
- Sa pan, maglagay ng mantika at idagdag ang binating itlog. I-stir fry hanggang maluto. Itabi sa gilid.
- Dagdagan ng minced ginger sa parehong pan, saka isunod ang bawang.
- Ilagay ang marinated chicken sa pan at i-stir hanggang maluto.
- Ibuhos ang rice mixture, haluin ng mabuti at patuloy lang na haluin para maiwasang dumikit ang kanin sa pan.
- Lagyan ng kaunting toyo at asin ang fried rice, pwede ring lagyan ito ng sesame oil. Haluin ng mabuti.
- Idagdag ang nilutong itlog at paminta.
- For garnish, lagyan ito ng green oinion at strand ng fried garlic.
4. Pork Liver with Scallions & Wolfberries
I-boost ang iyong nutrisyon sa pamamagitan ng recipe na ito na mayaman sa bitamina at mineral mula sa atay ng baboy.
Ito ay itinuturing na best confinement food recipe hindi lang sa mga nagpapagaling na nanay kundi para rin sa mga babaeng may period o mga taong kailangan ng immune system boost.
Ingredients:
- Pork liver – 320 g thinly sliced
- Cooking oil – 1/4 cup
- Ginger strips – 60 g
- Chicken powder
- Wolfberries – 10 g
- Rice wine – 50 ml
- Ginger juice
- Toyo
- Scallion – 4 stalks
- Asian
- Paminta
Method:
- Linisin ang atay sa pamamagitan ng pagkuskos ng harina rito.
- Idagdag ang cooking wine at haluin ito. I-marinate ng 15 minutes.
- Hugasan at i-drain ang atay.
- Idagdag ang asin, paminta, chicken powder, rice wine, ginger juice, at kaunting toyo. Haluin ng mabuti.
- Ilagay ang cornstarch sa mixture at idagdag ang sesame oil. Iwanan ito para i-marinate.
- Samantala, prituhin ang ginger strips hanggang maging kulay light brown.
- Sa parehong pan, idagdag ang minced ginger at bawang. I-stir fry hanggang bumango.
- Idagdag ang marinated pork liver at igisa ng dalawang minuto.
- Idagdag ang wolfberries, rice wine at igisa din ito hanggang sa maluto.
- Lagyan ng sliced scallions ang pork liver at haluin ito.
- Para sa garnish, ilagay ang fried ginger strands
5. Black Vinegar Pig Trotter
Ang recipe na ito ay mayaman sa nutritional support at proteins. Maganda rin ito upang ma-boost ang immune system ng mga taong hindi maganda ang pakiramdam. Gawin ito sa bahay upang maibalik ang iyong energy!
Ingredients:
- Pork trotter – 1 whole (1.2 kg maliliit na hiwa)
- Old ginger – 150 g (sliced)
- Young ginger – 200 g (sliced)
- Sweet vinegar – 750 ml
- Black rice vinegar – 300 ml
- Sesame oil – 3 tbsp
- Scallions – 3 stalks
- Palm sugar – 200 g
- Boiled eggs – 6
- Scallions – 3 stalks
Method:
- Sa pan, pagsama-samahin ang pork trotter pieces at scallions.
- Maglagay ng tubig hanggang sa ma-cover nito ng tuluyan ang pork trotter.
- Pakuluan ito hanggang sa lumutang ang dumi ng baboy.
- I-drain at hugasan ang baboy.
- Idagdag ang kumukulong tubig hanggang sa ma-cover nito ang baboy. Pakuluan ito ng pangalawang beses hanggang sa lumutang ulit ang natitirang dumi.
- I-drain at hugasan ang baboy.
- Sa parehong pan, idagdag ang old ginger, young ginger at gisahin hanggang bumango.
- Idagdag ang pinakuluang baboy at gisahin hanggang sa bumango at maging light brown.
- Ilipat ang baboy sa malaking kawali at idagdag ang sweet vinegar at black vinegar.
- Hayaang pakuluan ng isang oras.
- Idagdag ang palm sugar at anim na boiled eggs. Hayaang maluto ng sampung minuto.
- Para saa garnish, maaaring maglagay ng coriander. Serve hot.
6. Stir-Fried Pork with Mushrooms
Ang recipe na ito ay perfect para sa iyong midnight cravings. Ang dish na ito ay may luya, mushroom, at iba pang flavor na swak sa panlasa mo.
Bukod pa rito, ito ay may active anti-inflammatory at mayaman sa fibre at protina. Magbibigay sa’yo ito ng energy at makakatulong sa mabilis na pagpapagaling ng iyong katawan.
Ingredients:
- Pork shoulder – 380 g (manipis na hati)
- Ginger – 30 g (manipis na hati na parang match-sticks)
- Minced garlic – 1 tbsp
- Shimeji mushrooms – 75 g
- Oyster mushrooms – 75 g
- Sesame oil – 3 tbsp
- Cornstarch solution – 1 tbsp cornstarch with 1 tbsp water
- Toyo – 2 tbsp
- Mushroom seasoning – 1 tsp
- tsp Sugar – 1/2 tsp
- Shaoxing rice wine – 3 tbsp
Method:
- Sa pan, maglagay ng sesame oil at gisahin ang maliliit na slice ng luya hanggang sa maging brown at bumango.
- Itabi ito at idagdag ang minced garlic. Gisahin din hanggang sa bumango.
- Idagdag ang pork slices at mushroom. Gisahin hanggang maluto.
- Patuloy lang na gisahin at magdagdag ng kaunting toyo, mushrooms seasonings, sugar at rice wine. Haluin ito ng mabuti.
- Idagdag ang cornstarch solution para lumapot ang sauce.
- For garnish, ilagay ang spring onion.
- Ihanda ang kanin at i-serve ng mainit.
Tandaan, importanteng magkaroon ka ng balanseng diet at pagtuunan ng pansin ang iyong nutrisyon. Ang mga dish na ito ay madali lamang at paniguradong maibabalik nito ang iyong energy sa buong araw.
Ang pinaka importanteng punto rito ay pagkatapos ng araw, ang journey na ito ay tungkol sa’yo: Anuman ang effective sa iba ay maaaring hindi effective sa’yo. Pero hangga’t inaalagaan mo ang iyong sarili, ganito rin ang iyong little one.
Ang mga recipe at video sa artikulong ito at mula sa The Meatmen Channel. Mag-subscribe na sa kanilang Youtube channel para sa weekly recipe ideas.
The Meatmen Channel is a lean team of meaty people from the little red dot, Singapore. They are here to turn your favourite Asian dishes into easy, home cook recipes. For more, visit The Meatmen Channel website.