Ang panganganak ay isang journey na kailangan pagdaanan ng mga babaeng buntis, narito ang ilang impormasyon patungkol sa panganganak ng normal delivery upang maging handa.
Mga dapat malaman sa panganganak ng normal delivery
Ang normal delivery ay tumutukoy sa panganganak ng isang babae vaginally o sa tradisyonal na paraan. Kung buntis at good candidate sa panganganak ng normal delivery ay narito ang mga dapat mong paghandaan at malaman.
Mga paghahandang dapat mong gawin
1. Sino ang maaaring manganak sa pamamagitan ng normal delivery?
Bagamat, maraming nagnanais na manganak sa pamamagitan ng normal delivery hindi lahat ng babae ay good candidate para dito maliban nalang kung may go signal ng iyong doktor. Partikular na ang mga babaeng may high-risk pregnancies tulad ng sumusunod:
- Higit sa 35-anyos na and edad
- Umiinom ng alcohol at gumagamit ng illegal na gamot habang nagbubuntis
- Sumailalim sa surgery sa uterus o unang nanganak sa pamamagitan ng C-section delivery (unless may pahintulot ng doktor na eligible para sa VBAC)
- May history o nagtataglay ng medical conditions tulad ng diabetes, preeclampsia, at iba pang blood-clotting issues
- Nagbubuntis ng higit sa isang fetus o sanggol
- Nakaranas ng mga pregnancy complications tulad ng fetal growth restriction o issues sa iyong placenta
2. Makakatulong ang perineal massage
Ayon naman kay Dr. Rebecca B Singson, OB-Gynecologist mula sa Makati Medical Center ang pagsasagawa ng perineal massage ay makakatulong sa panganganak ng normal ng isang babae.
Pagpapaliwanag niya:
“It might help to do perineal massage sa 32 weeks palang, ‘yong iba nire-recommend at 35 weeks. Ibig sabihin paluluwangin mo na ‘yong vaginal opening para hindi ka magkanda-punit when the time comes na manganak ka.”
Narito ang steps para magawa ito:
“You can get extra virgin coconut oil or olive oil. Tapos ipasok mo ‘yong dalawang daliri mo sa perineum o doon sa vagina opening tapos para mong i-stretch down to the side, para mapraktis. Imagine mag-didilate ‘yon to accommodate the fetal head. Kailangan bumuka.”
Palatandaan o signs ng malapit ng manganak o pagle-labor
Samantala, sa oras na malapit ka ng manganak may mga signs o palatandaan ka ng mararanasan. Ito ay ang sumusunod.
3. Lightening o pagbaba ni baby
Panganganak ng normal delivery/Photo by Daniel Reche from Pexels
Ang lightening ay ang pagbaba ng posisyon ng iyong baby sa iyong pelvis o ibabang bahagi ng tiyan. Ito ay ang paghahanda niya at pagpuwesto sa posisyon para sa nalalapit niyang paglabas.
Ayon kay Dr.Singson, mararamdamang bumaba na si baby kapag nakaramdam na ng buntis ang mga sumusunod.
“Mapi-feel ni mommy na parang bumababa ‘yong top ng uterus ng by 2-3 centimeters. Tapos parang medyo mas nakakahinga na siya ng maluwag. Kasi mas mababa na ‘yong excretion ng lungs kasi mas malaki na ‘yong space. And parang hindi na siya masyadong sinisikmura.”
“Puwede ring that drop can cause ‘yong pag-ipit ng bladder mo kaya wiwi ka ng wiwi. Kasi ang baba niya na, e. O kaya ‘yung tailbone mo, tinatamaan na ni baby kaya sasakit ‘yong likod mo.”
4. Bloody show o paglabas ng mucus na may dugo
Ayon kay Dr. Singson, isa sa palatandaan na malapit ng manganak ang isang babae ay ang paglabas sa kaniya ng tila sipon na may dugo. Ito ay tinatawag na bloody show o mucus plug na isang sign na maaari ng manganak ang isang babae sa mga susunod na oras o araw.
Pagpapaliwanag niya:
“’Yong mga iba, makikita nila ang unang-unang makikita nila ay parang dugo na may sipon. Huwag kayong magpa-panic. Hindi pa ‘yon game! Pasakalye pa lang siya.
“So puwede ka ng mag-labor within 24 to 48 hours. No need to rush going to the hospital. When you see blood na may sipon ‘yan ‘yong mucus plug na tinatawag. That’s called a bloody show.”
5. Pagkakaroon ng regular contractions
Ang pagkakaroon ng regular contractions ay isa rin sa mga palatandaan na malapit ng manganak ang isang babae.
Base sa Healthline, ang contractions ay tumutukoy sa tightening at releasing ng uterus. Ang motion na ito ay nakakatulong para mailabas ang sanggol sa cervix.
Subalit, dapat mong malaman ang pagkakaiba ng totoong contractions sa Braxton-Hicks contraction na madalas din nararanasan sa iyong second trimester.
Ayon kay Dr. Singson, masasabing totoong contractions na ang iyong nararanasan kapag ito na ang iyong nararamdaman.
“Kung napipisil mo ‘yong tummy mo, soft yon. Pero kung kasing tigas ng mesa ‘yong tiyan mo, contraction ‘yon. At kapag every 5 minutes ‘yong contraction at lasting ng 1 minute, it’s time to go to the hospital na.”
6. Pagputok ng panubigan
People photo created by wayhomestudio – www.freepik.com
Ang pagputok ng panubigan ay palatandaan na malapit ng ilabas si baby sa mga susunod na oras. Kapag pumutok na ang aminiotic sac o panubigan na pinagbabalutan ni baby sa loob ng iyong tiyan ay asahan na mas lalakas ang contractions na mararanasan. Dahil ito sa kailangan ng lumabas ni baby sa loob ng iyong tiyan.
“Kung tubig ang nakita mo na parang nababasa ‘yong panty, pero alam mong hindi ka nag-wiwi, ‘tapos hindi naman smell ng wiwi, baka panubigan na ‘yon. Kahit walang contraction, magpunta ka na sa hospital. Kasi baka nag-rupture na ‘yong water bag mo.”
Ito ang paliwanag ni Dr. Singson sa isa pang palatandaan na malapit ng manganak ang buntis.
7. Pag-dadilate ng cervix.
Ang dilation ay tumutukoy sa kung gaano na kalaki ang buka ng cervix ng isang buntis. Madalas ang cervix na may sukat na 10 centimeters o 10cm ay nangangahulugan na ang buntis ay handa ng manganak.
Pahayag ni Dr. Singson,
“Bago ka manganak kailangan umabot ‘yong cervix mo from closed to magdi-dilate gradually hanggang 10 centimeters. Iyon ‘yong sinasabi natin fully dilated and iyan ‘yong diyan pa lang talaga puwedeng bumaba at makalabas ‘yong head ni baby.”
Actual birth o panganganak
8. Tagal ng panganganak
Ayon parin kay Dr. Singson, ang tagal ng panganganak ng isang babae ay iba-iba. Ito ay maaaring nakadepende sa posisyon ni baby o kung unang beses pa lang manganganak ang isang babae.
“May na-experience ako in less than 3 hours nailabas niya na ‘yong baby. Ang tawag dun precipitate labor—that is very unusual. Kasi hindi ganoon ang pattern ng normal first-time moms. Pero nangyayari ito kapag maganda ‘yong posisyon ni baby, mataas ‘yong pain tolerance ni mommy. Parang hindi niya namalayan na nag-7 cm na siya by the time na dumating na siya sa ospital.”
Para sa first-time moms, tumatagal ng 8 hours o mahigit ang pagle-labor.
9. Maaaring bigyan ng epidural anesthesia ang buntis na hindi kaya ang sakit na dulot ng pagle-labor
Samantala, ayon pa rin kay Dr. Singson, kung hindi kaya ng buntis ang sakit ng pagle-labor ay maaring bigyan siya ng epidural anesthesia. Bagama’t dagdag ni Dr. Singson ay mas nagpapabagal ito sa pagdi-dilate ng cervix ng buntis at mas tumatagal ang panganganak niya.
“Maraming gustong manganak ng walang medication. Gusto nilang mag-Lamaze birth. But the one thing you can never imagine is how painful it could be kapag nagle-labor ka na. Kung talagang di mo kaya meron naman tayong tinatawag na epidural anesthesia. It can relieve your pain.”
“For first-time moms, 1 cm per 1-2 hours for first time moms. Kaya puwede talagang umabot ng 20 hrs ang labor mo. Kung you are under epidural anesthesia up to 1-2 cm for 3 hours, mas matagal.”
10. Pagsasagawa ng episiotomy
Sa isang panayam naming kay Dr. Katrina Tan, isang OB-Gynecologist mula rin sa Makati Medical Center, ay ipinaliwanag niya kung ano ang episiotomy.
Ayon sa kaniya, ito ang sugat na dulot ng normal vaginal delivery o ang hiwa o cut na ginagawa sa pagitan ng anus at vagina ng isang manganganak na babae.
Hindi lahat ng babaeng manganganak ay makakaranas nito. Sapagkat ginagawa lang ito upang matulungan ang mga babaeng nahihirapang ilabas ang sanggol sa kaniyang puwerta.
“For our mothers, an episiotomy is the cut that you get when you have a normal vaginal delivery. It is cut between the anus and the vagina. We do that if we think that it will help you with the delivery of the baby.”
Ito ang pahayag ni Dr. Tan tungkol sa kung bakit nagkakaroon ng sugat o tahi matapos manganak ng normal ang isang babae.
Panganganak ng normal delivery//Image from Flickr by Peter Hulst
11. Paglabas ng placenta
Sa oras na mailabas na ang sanggol, ang sunod naman na kailangang ilabas ng buntis ay ang placenta. Kaya naman asahan na matapos mailabas si baby ay hihilot-hilotin ng iyong midwife o doktor ang iyong tiyan upang ito ay mailabas.
Ang pag-ire ng bababaeng nanganganak ay makakatulong para mas mapabilis ang paglabas ng placenta. Bagamat ayon kay Dr. Tan, may mga pagkakataon na na-stuck ito sa loob ng tiyan ng babaeng nanganganak at kinakailangan nilang i-manually extract ito.
Payahag ni Dr. Tan:
“Sa third phase ng labor, lalabas naman ang placenta. May mga pagkakataon na ang galing ni mommy nailabas niya ‘yong baby. Pero ‘yong placenta na-stuck. Sa ganoong case, we have to give the mom anaesthesia then magma-manual extraction kami ng placenta. Nangyayari ‘yon very rarely, but it can happen.”
12. Pangangalaga ng sugat o tahi na nakuha sa normal vaginal delivery.
Ayon namang muli kay Dr. Katrina Tan, ang tahi na dulot ng episiotomy ay maaring magdulot ng discomfort sa bagong panganak na babae. Kung hindi mabibigyan ng tamang pangangalaga ay maaring magdulot ng impeksyon o sakit sa kaniya.
Kaya naman ang mahalagang payo niya sa kaniyang mga pasyente na may episiotomy ay dapat alam ng mga ito ang tamang pangangalaga sa kanilang tahi.
Maliban sa pagpapanatiling tuyo at malinis nito sa lahat ng oras. Mahalaga rin na dahan-dahan lang umano ang pagpupunas sa bahagi ng ari na ito ng babaeng bagong panganak.
Sa paghuhugas ay dapat inuuna daw muna ito, bago ang anus o puwit na nagtataglay ng mga bacteria maaring maka-infect sa nasabing tahi.
“You have to keep the cut and the surrounding area clean and dry at all times.
“After going to the toilet, you have to pour water over the vaginal area, so as to be able to clean the wound area. When you wipe, you really have to be gentle. And you wipe from front to back, so you won’t bring bacteria from the anus to the wound or cut.”
Ito ang pahayag ni Dr. Tan sa tamang pangangalaga ng tahi ng bagong panganak dulot ng normal vaginal delivery.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!