Cong TV sa pagkakaroon ng healthy lifestyle para kay Kidlat: “Kaya rin ako naggi-gym kasi gusto kong abutan niya kong malakas.”

Si Cong ibinahagi ring ni minsan ay hindi niya nakuhang magloko sa partner na si Viy Cortez.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Cong TV sinabing ang anak na si Kidlat ang dahilan ng pagkaadik niya ngayon sa pag-gygym. Ito ang paliwanag niya kung bakit.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Cong TV sinabing para sa anak na si Kidlat kung bakit siya nag-switch into healthy lifestyle.
  • Si Cong ibinahagi ring ni minsan ay hindi nagloko kay Viy Cortez.

Cong TV sinabing para sa anak na si Kidlat kung bakit siya ng switch ito healthy lifestyle

Larawan mula sa Facebook account ni Viy Cortez

Sa kanilang pinaka-latest na vlog ay ibinuking ni Viy Cortez ang pagkaadik ngayon ni Cong TV o Lincoln Velasquez sa pag-gygym. Pero si Cong agad na ibinahagi ang tunay na dahilan kung bakit niya ito ginagawa. Ayon kay Cong, ito ay para sa anak niyang si Kidlat. Pati narin sa katotohanang hindi na siya bumabata at marami ng nararamdaman sa kaniyang katawan.

“Kaya rin ako naggi-gym kasi gusto kong abutan niya kong malakas. Gusto ko ang abutan niyang version ko, ’yung version na kaya makipag-laro sa kanya. Kaya siyang sabayan sa trip niya. Kaya mag-basketball.”

“Kasi totoo ’yan eh, pag 41 ako, dun palang siyan 10. Pag 51 ko, dun palang siya bente. So ’yun palang yung peak niya. Kung maging atleta man siya or kung ano man yung trip niya sa buhay. So gusto ko, nandodoon ako sa tabi niya. And gusto ko magabayan ko siya all throughout ng buhay niya hanggang sa kaya niya na yung sarili niya.”

Ito ang paliwanag ni Cong.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni Viy Cortez

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Cong ibinahagi ring ni minsan ay hindi nagloko kay Viy Cortez

Sa parehong vlog ay ibinahagi rin ni Cong na ni minsan ay hindi siya nagloko sa partner niyang si Viy Cortez. Dahil daw ang focus niya ay laging ang magandang future nila.

“Sa 8 years, kumbaga nandyan na si Viy. ‘Yung focus ko, sarili ko, kung paano ko ayusin ‘yung buhay ko, kung paano ko aayusin ‘yung buhay ng pamilya ko, kung paano ko aayusin ‘yung buhay ko in the future. ‘Yun na lang ang iniintindi ko.”

Si Cong binalikan rin ang mga panahong nagsisimula palang sila ni Viy. Sey ni Cong, hindi niya na naisipang magloko pa dahil noong walang-wala pa siya, si Viy na ang kasama niya.

“Magloloko pa ba, siya na nga nagpapa-gas nung motor ko ng bente pesos. Siya nagtatrabaho tapos ako vlog-vlogan lang ganun. Pabalik balik kami. Basically ‘yung buhay ko sa kanya na lng umikot talaga not until dumating si Kidlat.”

Ito ang pagkukuwento pa ni Cong.

Larawan mula sa Facebook account ni Cong TV

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement