Viy Cortez ibinahagi ang naging sikreto niya sa kaniyang weight loss journey.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Viy Cortez weight loss secret.
- Payo ni Viy sa mga gusto ring magpapayat tulad niya.
Viy Cortez weight loss secret
Proud na ibinahagi ni Viy Cortez ang katawan niya ngayon matapos ang higit isang taon ng maipanganak si Kidlat. Si Viy ginawa ito sa kaniyang Facebook account kalakip ang naging sikreto niya sa matagumpay niyang weight loss journey.
Mula sa dating 94 kilograms niyang timbang matapos makapanganak si Viy ay 60 kilos nalang ngayon. Ito ang ginawa niya umano para maisakatuparan ito.
“From 94klo pagkapanganak naging 60klo nako dahil sa pag tanggal ng rice pati pag babawas na din nga mga masasamang pagkain.”
Ito ang pagkukuwento ni Viy na sinabi pang sa kagustuhan niyang pumayat ay minsan tumititig lang siya sa mga nakikita niyang kumakain.
Sa ngayon, maliban sa pagdidiet at pagkain lang ng healthy, si Viy sinisimulan narin ang pag-eexercise. Sa katunayan ay nag-gygym narin siya para mas gumanda pa ang kaniyang katawan.
“Ngayon panahon na para dagdagan ng exercise dahil lalawlaw na tayo mga mamshie. Kaya naman 4 na araw na ko nag gy-gym ipagdasal nyo naman ako na matagalan ko to hahahaha. Plus sumusubok din ako mag tennis ngayon. Pero nag aaral pako hahahaha!”
Ito pa ang pagbabahagi ni Viy.
Larawan mula sa Facebook account ni Viy Cortez
Payo ni Viy sa mga gusto ring magpapayat tulad niya
Para naman sa mga mommies na gusto ring magpapayat tulad ni Viy, ito ang payo niya para maisakatuparan ito. Nilinaw niya rin na natural ang pagpapapayat niya at hindi siya sumailalim sa liposuction.
“Ps kahit ano inumin nyo kung walang disiplina sa pagkain wala po mangyayare kailangan nyo po ito samahan ng effort para mas makita nyo ang result. Nagpa lipo ba ako? Hindi pa sa ngayon pag naka tatlo anak nako. Baka dun na 😅”
Ito ang sabi pa ni Viy Cortez sa success ng kaniyang weight loss journey.
Larawan mula sa Facebook account ni Viy Cortez
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!