Kidlat first birthday celebration siniguradong engrande at magiging memorable nina Viy Cortez at Cong TV.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Team Payaman’s Kidlat first birthday celebration.
- Mensahe ni Cong at Viy sa anak na si Kidlat sa kaarawan nito.
Team Payaman’s Kidlat first birthday celebration
Isang taon na ang anak ng Team Payaman members na sina Cong TV at Viy Cortez. Syempre ang mag-asawa, binigyan ng bongga at masayang birthday celebration si Kidlat. Ang kaniyang birthday celebration may theme na “DreamWorks” na ginanap sa City of Dreams sa Parañaque City.
Ang venue ng birthday celebration ni Kidlat pinuno ng mga decorations na nagpapakita ng iba’t-ibang characters at movies na ginawa ng DreamWorks. Sina Cong at Viy nga syempre kasama ang anak na si Kidlat ay nakabihis ng “How to Train Your Dragon” inspired costumes.
Larawan mula sa Facebook account ni Viy Cortez
Syempre hindi nawala sa celebration ni Kidlat ang iba pang Team Payaman members at kanilang mga anak. Ganoon din ang mga kaibigan nilang social media influencers kasama ang kani-kanilang anak.
View this post on Instagram
Mensahe ni Cong at Viy sa anak na si Kidlat sa kaarawan nito
Bago pa man ang mismong birthday celebration ay nag-iwan na ng kani-kaniyang mensahe si Cong at Viy para kay Kidlat.
Larawan mula sa Facebook account ni Viy Cortez
Si Cong ito ang mensahe para sa kaniyang anak:
“x100000 ang saya ng buhay lalo nung dumating at hindi na namin namalayan na isang taon ka na agad. Sobrang bilis! mahal na mahal ka ni dada! happy birthday anak! stay funcham! muah muah! 😍😘”
Habang si Viy naman, ito ang mensahe kay Kidlat.
“Unang rinig ko palang sa tibok ng puso mo at sa unang iyak mo alam kong mababago ang buhay ko, hindi ako magsasawang sabihin sa iyo na ikaw ang pinaka magandang nangyare sa buhay ko. Maraming salamat at dumating ka sa buhay ko anak, Happy Birthday anak ko, sana matuwa ka sa birthday na inihanda namin sayo ni papa mo mahal na mahal ka namin @zeusemmanuelvelasquez 🎂🎉♥.”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!