Team Payaman members na sina Boss Keng at Pat Velasquez ipinanganak na ang kanilang first baby! Narito ang pangalan ng kanilang baby boy at ang reaksyon ng Team Payaman sa dagdag na miyembro ng kanilang pamilya.
Mababasa dito ang sumusunod:
Team Payaman Boss Keng and Pat Velasquez give birth to their first baby
Nitong Biyernes ay ibinahagi ng Team Payaman member na si Pat Velasquez na nalalapit na ang pagdating ng bagong blessing sa kanilang pamilya. Si Pat nakuha pang mag-selfie habang naglalabor na. Pagbibiro pa niya sa kaniyang Instagram post, hihimatayin na ang mister niyang si Boss Keng o Exekiel Christian Gaspar sa nerbyos habang hinihintay ang pagsilang ng first baby nila.
“It’s time to PUSH!!!! 🙏🏼 Please pray for us ni Islaboy & @bosskengkeng kasi yung tatay parang hihimatayin na.”
Ito ang caption ni Pat sa kaniyang Instagram post.
Si Boss Keng natawa lang sa post ng kaniyang misis at may pag-cheer sa panganganak nito.
Reaksyon ng Team Payaman members sa bagong blessing na ibinigay sa kanila
Larawan mula sa Instagram account ni Pat Velasquez-Gaspar
Sa sumunod na araw, ang sister-in-law naman ni Pat na si Vien Iligan ang nagbigay ng update. Si Pat ligtas na naisilang ang first baby nila ni Boss Keng at ito ay pinangalanan nilang Isla. Si Vien binati ang new parents kalakip ang payo niya sa bagong role na gagampanan na nila.
“So proud of you sis. Ang galing mo. Andito na si Isla, ang matagal niyong hinintay ni Keng. Ang swerte ni Isla sa inyo. Magpalakas ka sis. Mahaba-habang puyatan na yan pero sobrang worth it. Sobrang saya. Congatulations @patislol & @bosskengkeng.”
Ito ang sabi ni Vien.
Hindi man ipinakita ang mukha ng baby nila Pat at Boss Keng ayon kay Vien ay little Keng ito.
Larawan mula sa Instagram account ni Pat Velasquez-Gaspar
Congrats Keng and Pat! Welcome to the world Baby Isla!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!