X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Team Payaman Vloggers na sina Boss Keng at Pat Velasquez magkaka-baby na!

5 min read
Team Payaman Vloggers na sina Boss Keng at Pat Velasquez magkaka-baby na!

Maliban dito ay ipinagdiwang din ng dalawa nitong November 25 ang kanilang first wedding anniversary.

Team Payaman vloggers na sina Boss Keng at Pat Velasquez pregnant na sa kanilang first baby.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Team Payaman Boss Keng at Pat Velasquez pregnant na.
  • Wedding anniversary nina Boss Keng at Pat Velasquez.

Team Payaman Boss Keng at Pat Velasquez pregnant na

Team Payaman vloggers na sina Boss Keng at Pat Velasquez pregnant na sa kanilang first baby

Larawan mula sa Facebook account ni Pat Velasquez-Gaspar

Sa kanilang latest vlog at social media post ay inanunsyo ng Team Payaman vloggers na sina Boss Keng at Pat Velasquez na sila ay pregnant na sa kanilang baby. Ang kanilang announcement sinabay nila sa celebration ng kanilang wedding anniversary.

“WE’RE PREGNANT!!!!”

“Thank you to our family and friends for praying with us! Thank you Mama Mary, thank you Papa Jesus!”

“I will embrace this journey with you, mahal ko. Ang tagal ka naming hinintay. Our hearts can’t wait to know you, anak!”

“We love you very much!”

Ito ang caption ng post ni Pat sa kaniyang Instagram account kalakip ang larawan nila ni Boss Keng na masayang ibinabandera ang magandang balita.

Wedding anniversary nina Boss Keng at Pat Velasquez

Sa latest vlog ni Pat ay ibinahagi niya rin kung paano niya ibinahagi kay Boss Keng ang magandang balita. Ito ay sa pamamagitan ng exchange gift game nila na ang sinabing dahilan ni Pat ay para sa kanilang anniversary celebration.

“Akalain mo umabot tayo ng isang taon. Kasi before tayo ikasal medyo shaky na yung relationship natin. Ang daming nangyari sa isang taon. Ang bilis. Siguro ganun talaga kapag masaya ka.”

Ito ang pabirong intro ni Pat sa kanilang vlog.

Doon nga ay ikinuwento niya kung gaano katagal na ang relasyon nila ni Boss Keng o Christian Gaspar sa tunay niyang pangalan. Ayon kay Pat ay 12 years silang mag-boyfriend at girlfriend bago maikasal.

At nito ngang November 25 ay ipinagdiwang nila ang unang taon na sila ay kasal na. Kaya naman sa kabuuang 13 years ng kanilang relasyon ay naisipan nilang magpalitan ng regalo sa isa’t-isa na may iba’t-ibang tema. Tulad ng something useful, corny, pink at iba’t-iba.

Mensahe ni Boss Keng at Pat sa isa’t isa sa kanilang 1st wedding anniversary

Team Payaman vloggers na sina Boss Keng at Pat Velasquez

Larawan mula sa Facebook account ni Pat Velasquez-Gaspar

Nagbigay rin sila ng mensahe sa isa’t-isa. Ito ang mensaheng ibinigay ni Pat para sa mister niyang si Boss Keng.

“Happy 13 years of togetherness and happy one year wedding anniversary. Thank you for surviving one year with me. Mahal, I thank the lord for making you my husband. I know how selfless and loving you are so deserve mo kung anong meron ka ngayon.”

Ito ang mensahe ni Pat kay Boss Keng.

Si Pat naman ng marinig ang mensahe ni Boss Keng sa kaniya ay hindi napigilang maiyak. Ito ang laman ng kaniyang mensahe.

“Love simula noong kinasal tayo mas lalo kitang minahal. Hindi nagbago ang pagmamahal ko sayo kung di araw-araw sa tuwing paggising natin ‘pag tinitingnan kita lalo kitang minamahal.

Nandito lang ako sa likod mo love. ‘Pag napagod ka puwede mo kong sandalan at gawing pahingahan. At pag may gusto kang gawin o umungat itutulak kita pataas. Hindi ako magbabago sayo.”

Ito ang laman ng mensahe ni Boss Keng kay Pat sa kanilang wedding anniversary celebration.

Ang naiiyak na Pat tinanong rin si Boss Keng kung anong wish nito ang gusto niyang ma-grant na sa kanilang relasyon. Ang sagot ni Keng ay ang magkaroon na ng baby.

Dahil dugtong niya ito na lang naman ang kulang sa kanilang pamilya. Pero deretso niya rin namang sinabi na kung sakali hindi sila mabigyan ng anak ay tatanggapin niya kung ito ang kaloob ng Diyos.

“Ok lang yun. Hindi naman agad-agad yun. Sabi nga nila ano yan, biyaya talaga galing sa taas. Hindi siya madaling gawin. Talagang i-bebless ka. Kaya swerte ng mga may baby kasi binebless kayo.”

Ito ang sabi pa ni Boss Keng.

Boss Keng napatalon ng malamang siya ay magiging daddy na

Team Payaman vloggers na sina Boss Keng at Pat Velasquez pregnant na sa kanilang first baby

Larawan mula sa Facebook account ni Pat Velasquez-Gaspar

Kaya naman laking gulat niya ng may iaabot pa si Pat na isang box ng regalo sa kaniya. Nagtaka narin siya kung bakit unti-unting dumadami ang tao sa kwarto na kinukunan nila ng vlog. Nang buksan niya nga ang box ay napatalon sa gulat at tuwa si Keng. Dahil ang laman nito ay 3 pregnancy test kit na may nakalagay na salitang pregnant.

Napayakap agad ito kay Pat na kitang-kitang masaya sa magandang balitang ipinagkaloob sa kanilang pagsasama.

Ang relasyon nila Pat at Boss Keng ay nagsimula noong si Pat ay 13-anyos pa lamang at si Keng ay 16-anyos. Bagamat sila ay hindi pamilyar sa iilan, si Pat at Boss Keng ay ilan sa mga personalidad na inaabangan ngayon sa YouTube at social media.

Dahil sa kanilang mga vlog episodes ay makikita ang mga nakakatuwang videos na nagpaparelax at nag-iinspire sa maraming mga Pilipino.

Hinahangaan din sila sa kung paano nila napatibay at napatagal ng 13 taon ang kanilang relasyon. At sa ngayon nga ay pumasok na sila sa bagong yugto ng kanilang buhay bilang soon-to-be parents.

Congratulations Pat at Boss Keng!

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

Pat Velasquez-Gaspar Vlog

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Team Payaman Vloggers na sina Boss Keng at Pat Velasquez magkaka-baby na!
Share:
  • Bawal ba ang pabango sa buntis? Epekto pabango sa buntis

    Bawal ba ang pabango sa buntis? Epekto pabango sa buntis

  • Maggie Wilson: Victor Consunji nagbayad ng 1M dollars para pabanguhin ang pangalan   

    Maggie Wilson: Victor Consunji nagbayad ng 1M dollars para pabanguhin ang pangalan  

  • Ryssi Avila ipinakilala sa publiko ang kaniyang baby: “Siya talaga ang Angel ng buhay ko.”

    Ryssi Avila ipinakilala sa publiko ang kaniyang baby: “Siya talaga ang Angel ng buhay ko.”

  • Bawal ba ang pabango sa buntis? Epekto pabango sa buntis

    Bawal ba ang pabango sa buntis? Epekto pabango sa buntis

  • Maggie Wilson: Victor Consunji nagbayad ng 1M dollars para pabanguhin ang pangalan   

    Maggie Wilson: Victor Consunji nagbayad ng 1M dollars para pabanguhin ang pangalan  

  • Ryssi Avila ipinakilala sa publiko ang kaniyang baby: “Siya talaga ang Angel ng buhay ko.”

    Ryssi Avila ipinakilala sa publiko ang kaniyang baby: “Siya talaga ang Angel ng buhay ko.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.