Cong TV sa anak na si Kidlat sa naging Japan vacation nila: “Hindi mo to maalala pero kami ng mama mo habang buhay to dala. ?”

Si Viy sinabi namang handa siyang tumalon sa sky tower para sa mag-ama niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Cong TV may mensahe sa anak na si Kidlat kaugnay sa naging Japan vacation nila kamakailan lang.

Mababasa dito ang sumusunod:

Cong TV and family vacation sa Japan

Larawan mula sa Instagram account ni Viy Cortez

Sa mga larawang ibinahagi ng vlogger at businesswoman na si Viy Cortez makikitang na-enjoy talaga ng kanilang pamilya ang naging Japan vacation nila. Si Viy hinangaan sa kaniyang fit na figure ngayon. Pati na sa kaniyang mga OOTDs sa Japan.

Hindi rin naman syempre magpapahuli sa ka-kyutan ang anak nilang si Kidlat sa kaniyang mga porma. Makikita rin ang amazement sa mukha nito habang namamasyal sa Japan katabi ang mga magulang niya. Pero higit sa kanilang anak, mas makikitang nag-enjoy at labis ang saya ni Cong at Viy sa bagong experience nilang ito. Base nga isang post ni Viy sa Instagram ay isa ito sa mga pangarap niya na naging realidad na.

Mensahe ni Cong TV sa anak niyang si Kidlat

Larawan mula sa Instagram account ni Viy Cortez

Higit isang linggo rin ang naging bakasyon ng pamilya ni Cong sa Japan. Sa isa niyang Instagram post ay ibinahagi ng kilalang vlogger ang nararamdaman niya sa naging bakasyon nilang ito. Idinaan niya ito sa isang mensahe para sa anak na si Kidlat.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Hindi mo to maalala pero kami ng mama mo habang buhay to dala. ?”

Ito ang caption ng maikling Instagram video ni Cong kung saan tampok ang ilang sa bonding moments nilang mag-ama sa Japan.

 
View this post on Instagram

Sa naturang video ay may maririnig na voice over ng isang babaeng Japanese. Meron itong subtitle sa salitang Ingles na ito ang sinasabi.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Someday, when this scenery becomes a memory. What would you want to remember? I want to remember you.”

Si Viy napa-comment sa IG post na ito ni Cong. Ito naman ang nasabi niya sa kaniyang mag-ama.

“Mahal ko kayong dalawa lahat gagawin ko para sainyo. Kahit pa tumblingin nyo ko mag ama sa sky tower.”

Larawan mula sa Instagram account ni Viy Cortez

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement