Viy Cortez kay Cong sa nalalapit nilang kasal: “Wala akong masyadong kinakabahala sa future kasi alam ko ikaw yung partner ko”

Cong nagpasalamat kay Viy dahil sa naniwala ito sa mga plano niya at ngayon ay magkasama silang inaabot ang mga pangarap nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Cong TV at Viy Cortez wedding malapit na malapit na!

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Cong TV at Viy Cortez wedding.
  • Relasyon ni Cong at Viy.

Cong TV at Viy Cortez wedding

Larawan mula sa Instagram account ni Viy Cortez

Papalapit na ng papalapit ang kasal ng Team Payaman members na sina Cong TV at Viy Cortez. Sa Instagram ay nagbahagi na nga si Viy ng pasilip sa kanilang wedding invitation at souvenirs.

Sa invitation na ibinahagi ni Viy sa kaniyang IG stories ay ang anak niyang si Kidlat ang magiging ring bearer sa kasal nila ni Cong. Habang coin bearer naman si Mavi, ang anak nila Vien at Junnie Boy. Ang mag-asawa nabibilang rin sa secondary sponsors sa kasal ni Viy at Cong. Makakasama nila ang kapatid pa ni Cong na si Pat Velasquez at mister nitong si Boss Keng o Cristian Gaspar. Kabilang naman sa principal sponsors sina Alex Gonzaga at mister nitong si Mikee Morada.

Relasyon ni Cong at Viy

Larawan mula sa Instagram account ni Viy Cortez

Sa Instagram ay ibinahagi rin ni Viy na namanhikan na ang pamilya ni Cong sa pamilya nila. Makikita nga ang isang larawan na ibinahagi ni Viy kung saan makikita na talagang magkasundo ang kanilang pamilya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Ang pamamanhikan 🤍 Salamat mahal hindi lang apelyido mo ang ibibigay mo sakin pati pangalawang pamilya. 🤍”

Ito ang caption ni Viy sa kaniyang Instagram post.

Pinasilip rin ni Viy ang prenup video nila ni Cong. Sa video maririnig na nagtanungan ang dalawa kung bakit sila magpapakasal sa isa’t-isa. Si Viy ito ang naging sagot kay Cong.

“Pinagusto ko kasi kung paano ka mag-isip, yung wisdom mo. Dun talaga ako nainlove. Kasi balang araw matuturo mo sa anak natin.

Kaya alam mo wala akong masyadong kinakabahala sa future. Kasi alam ko ikaw yung partner ko.”

Ito ang sabi ni Viy kay Cong.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Viy Cortez

Si Cong ito naman ang sinabi kung bakit si Viy ang pinili niyang makasama sa pagtupad ng mga pangarap niya sa buhay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Bukod sa sarili ko kailangan ko ng isa pang maniniwala sa akin para gumana lahat ng to. Thank you, ikaw yun.”

Ito ang sabi ni Cong kay Viy.

 
View this post on Instagram

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement