Cong TV umatras patungong Vietnam para kina Viy Cortez at Kidlat: "Saka na lang 'pag kasama ko na kayong dalawa."

Netizens kinilig at naantig sa ginawang sakripisyo ni Cong para sa buntis na girlfriend na si Viy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Cong TV hindi tumuloy sa biyahe niya papuntang Vietnam dahil hindi mapalagay na maiwan ang buntis na girlfriend niyang si Viy Cortez. Alamin ang kuwento dito.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Dahilan ng hindi pagtuloy ni Cong TV sa byahe niya papuntang Vietnam.
  • Reaksyon ng mga netizens.

Cong TV hindi tumuloy sa biyahe niya papuntang Vietnam para kay Viy Cortez

Larawan mula sa Instagram account ni Viy Cortez

Ang sikat na vlogger at gamer na si Cong TV o si Lincoln Velasquez ay nakatakda sanang magpunta sa Vietnam kasama ang iba pang miyembro ng Team Payaman. Ito ay para suportahan ang Blacklist International sa naganap na 31st Southeast Asian Games kung saan kinakatawan nila ang Pilipinas.

Pero missing in action ang vlogger sa mga litratong na-ishare nina Boss Keng at Junnie Boy habang sila ay nasa nasabing palaro.

Sa pinaka-latest na vlog episode ni Cong ay ini-reveal niya ang dahilan kung bakit wala siya at hindi nakasama sa naturang biyahe sa Vietnam. Ang ginawa nito ni Cong, umani ng maraming heart reaction sa mga netizens at nag-trending dahil labis silang humanga sa naging desisyon niya.

Sa simula palang ng vlog episode na pinamagatang 'PAASAFORTE' ay makikitang masayang-masaya si Cong na malamang magpupunta sila ng kapatid na si Junnie Boy at ibang miyembro ng Team Payaman para sumuporta sa Team Philippines at makapasyal na rin abroad.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Cong, hiningi pa nga ang tulong ng kapatid niyang si Junnie para makapagpaalam sa buntis niyang girlfriend na si Viy. Dahil ang schedule ng pag-alis sana nila ay tumapat pa daw sa araw ng kanilang monthsary.

“Yong itsura mo para kang may ipapaalam ka kay Mama na may io-overnight kayo. Hindi mapakali.”

Ito ang pang-aasar pang sabi ni Junie Boy kay Cong habang natataranta ito na magpaalam kay Viy.

Nang masabi kay Viy, bagamat may kaunting pag-aalangan ay pinayagan naman nito si Cong. Ang problema nga lang ay nawawala daw ang passport ni Cong. Dito na may kaunting hugot na sinabi si Viy sa boyfriend na sana ay mangingibang-bansa.

“Ito pala 'yong twist. Kapag pinayagan ako ni Viy, 'yong passport ko isang taon nang nawawala.”

Ito ang sabi ni Cong noong malamang nawawala ang passport niya. Agad naman itong sinundan ni Viy na tila natutuwa sa mga nangyayari.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Wala kang passport. Manahimik ka dito sa bahay, mag-Tagaytay ka. Lagi ka na ngang nasa baba mag-iibang bansa ka pa.”

Ito ang hugot ni Viy sa boyfriend na si Cong na busy rin daw sa kakatambay sa baba ng bahay nila para maglaro at mag-vlog.

“Gustong gusto kong sumama kaso mukhang malabo pa sa madilim.”

Ito ang malungkot namang hirit ni Cong na gusto talagang sumama sa byahe ng kanilang team papuntang Vietnam.

Cong may pa-shout out sa mga ina

Larawan mula sa Instagram account ni Viy Cortez

Sa pagdaan ng araw ay ginawa ni Cong ang lahat para mahanap ang passport niya. Ito ay sa kabila ng pag-aakala ni Viy na hindi na makaakaalis si Cong dahil sa wala nga itong passport.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero si Cong may pasorpresa sa monthsary dinner nila. Dahil nakita rin pala nito ang passport niya at ready ng magpa-Vietnam.

“Ang pangit naman ng monthsary gift mo!”

Ito ang nagmamaktol na sabi ni Viy kay Cong nang malaman niyang tutuloy si Cong pa-Vietnam. Si Cong matawa-tawa kay Viy at nagpasalamat sa kaniyang ina na siya daw nakakita ng passport niya.

“Shout out sa mga nanay diyan, sa nanay ko, talagang ang mga nanay sila yung nakakahanap ng mga bagay na hindi na natin kayang hanapin. Sobrang saya ko.”

Ito ang sabi pa ni Cong.

Si Viy, kahit nagmamaktol ay nag-goodbye kiss pa kay Cong ng paalis na ito. Hindi nga lang nito naihatid pa si Cong sa airport.

Habang nasa airport ay makikitang very happy si Cong na aalis na rin sila. Pero last minute nagbago ang isip ni Cong. Hindi siya tumuloy sa pag-alis dahil bigla daw siyang kinabahan at nag-alala kay Viy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Cong bumalik ng kanilang bahay at nadatnan si Viy na nakatalukbong ng kumot sa kwarto at umiiyak. Laking gulat nito at tuwa ng makita si Cong.

"Di ka umalis?"

Ito ang natatawang tanong ni Viya kay Cong na agad lumapit sa kaniyang tabi at niyakap siya.

Si Cong TV, ito ang naging realization sa experience na ito sa pagsasama nila ni Viy.

“Ito ang istorya na lahat posible. Akalain mo yun posible palang kalimutan muna lahat ng masasarap na bagay. Gustong-gusto ko sanang sumama saka maglakbay pero saka nalang siguro kapag kasama ko na kayong dalawa.”

Ang sinabing ito ni Cong naantig ang mga netizens na may iba’t-ibang reaksyon sa kaniyang ginawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan kuha mula sa screenshot ng vlog ni Cong TV

BASAHIN:

Angeline Quinto sinorpresa ng partner sa kaniyang first Mothers’ Day celebration: “Ang sarap sa pakiramdam.”

Bangs Garcia umaming nakaranas ng depression: “Na-realize ko hindi ako puwedeng housewife talaga.”

Ana Roces proud sa kaniyang anak na si Carmela: “May college student na ako!”

Reaksyon ng mga netizens

Natuwa ang mga tagahanga ni Cong TV sa kaniyang ginawa. Bumilib sila dahil sinakripisyo ng vlogger ang kaniyang kasiyahan para makasama ang kaniyang buntis na girlfriend.

“Eto lang masasabi ko!!! Sana madami pang Vong sa mundo!"

“Viy and Kidlat is so lucky to have you. This only shows how a wonderful partner and soon to be father you are.”

“A true man knows kung ano ang mas-importante at sino ang mas-mahalaga. Salute to you Cong for using your talent and this platform para maging magandang halimbawa sa ibang kalalakihan. Lalo na those na may partner na. Prioritizing your preggy partner over other things na makakapag-pasaya sa'yo."

"Big respect. Hindi lahat ganyan na magsasacrifice nang mga wants nila para sa taong minamahal nila. Tuloy mo lang ang pagiging inspiration sa iba.”

Ito ang ilang sa naging reaksyon ng mga netizens sa ginawang ito ni Cong.