Workers in Metro Manila walks home, says "Di kami natulog..."

Ilang mga construction workers ang naglakad pauwi matapos na walang masakyan dahil sa Enhance Community Quarantine sa buong Luzon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ilang mga construction workers ang naglakad pauwi matapos na walang masakyan dahil sa Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon.

Construction workers naglakad pauwi sa kanilang probinsya

Malaking percent ng mga tao ang kasalukuyang nasa kanilang mga bahay dahil sa ipinatupad ni Pangulong Duterte na Community Quarantine sa Luzon. Ito ay nagsimula noong March 15 at ito naman ay tatagal hanggang April 14.

Kanselado na ang lahat ng pasok sa mga paaralan. Kasama na rin ang pasok sa ibang private at government sector. Ang iba naman ay nagpatupad ng work from home policy.

Ngunit hindi naman lahat ng trabaho ay puwedeng magpatupad nito. Ang ilang manggagawa ay napilitang maglakad pauwi sa kanilang bahay sa probinsya dahil wala nang masakyan. Kanselado na rin kasi ang operasyon ng mga mass transport simula ipinatupad ang enhanced community quarantine.

5 days walking from Paranaque to Camarines Sur

Kilalanin si Marlon Dalipe.

Nagtatrabaho si Marlon sa Paranaque City bilang isang construction worker. Nang malaman niyang isasailalim sa community quarantinte ang Metro Manila noong March 15, agad siyang nagdesisyong umuwi muna. Ayon sa kanya, uuwi siya dahil alam niyang magugutom siya at walang mabibilhan ng pagkain kung mag-stay sa Maynila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ilang mga construction workers naglakad pauwi | Image from Zenia Banagan

Kaya naman bago mag hating gabi ng March 15, agad siyang pumunta sa terminal ng mga bus pauwi sa kanila ngunit hindi niya na ito naabutan.

Dito na siya nagdesisyon na maglakad na lamang kaysa magsayang ng oras. Sa unang araw ng quarantine, March 15, nakaabot na ang kanyang paglalakad sa Batangas at dito siya nakakita ng mga taong naglalakad rin pauwi sa kanilang mga probinsya. Ang iba ay papuntang Quezon, Masbate at Mindanao.

Ayon kay Marlon, hindi na sila natulog dahil alam niyang sayang lang ito sa oras.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nang makarating sila sa Quezon ay dito na sila nahirapan dahil hinarang sila ng mga militar dahil sa checkpoint. Itinaas na rin kasi ang Enhanced Community Lockdown sa buong Luzon.

Dahil nga hinarang sila sa checkpoint, nakiusap sila nang maigi dito at pinayagan din namang makapasok ng Quezon. Sinubukan din nilang makitawag sa mga barangay halls para makausap ang kanilang mga pamilya. Ang mga nakakita sa kanila ay binibigyan sila ng tubig.

Pagkatapos ng 5 days, nakarating siya sa Tagkawayan at nakilala si Zenia Banagan. Matapos marinig ni Zenia ang kwento ni Marlon, binigyan niya ito ng pagkain at tubig. Nakwento rin sa kanya ni Marlon na wala itong tulog at masakit na ang paa dahil sa ilang araw na paglalakad.

Ayon naman kay Marlon, dahil mahirap maghanap ng trabaho at pera, nagbakasakali lang siya sa Maynila pero hindi niya alam na ganito ang mangyayari.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

7 hours of walk from Parañaque to Tarlac

Kasama sina Leonardo at Joey at iba pa nilang mga katrabaho ang mas piniling umuwi sa kanilang probinsya sa Tarlac ng nagpasyang itigil muna ang trabaho nila ng kanilang amo.

Dahil sa ipinatupad na Enhanced Community Quarantine, ipinatigil ng kanilang boss ang operation sa kanilang trabaho. Sobrang nagulat rin sila sa naging desisyon dito dahil mawawalan sila ng pagkakakitaan. Pero dahil ayaw nilang maabon sa utang kung magtatagal pa sila doon, nagdecide sila ng mga kasama niya na umuwi na lang sa kanilang hometown sa Tarlac.

Bukod sa takot sa virus, mas pangamba nila angpag-uwi nila sa kanilang hometown dala ang maliit na kita sa trabaho. Pero ayon sa kanila, mas maganda na kung nasa mismong bahay sila para sama-sama sila ng kanilang pamilya.

Hindi naging madali sa kanila ang pag uwi sa Tarlac dahil suspended ang lahat ng public transportation. Ayon kay Joey Lagman, kasama niya ang 17 na manggagawa na manglakad mula Sucat Paranaque hanggang makaabot sila sa Muñoz.

Lahat ng 18 na manggagawang ito ay naglakad mula Sucat, Paranaque hanggang Munoz. Dahil sa pagod nila sa haba ng kanilang nilakad, nakiusap sila sa ilang mga barangay na kung pwede ay makitulog sila dito at magpapalipas ng gabi. Ngunit hindi pa rin sila pinayagan dahil sa takot na may isa sa kanilang carrier ng virus.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Naglakad lang sila ng naglakad hanggang sa maraming netizens ang nakapansin at humanga sa kanilang kwento na kumakalat sa social media. Dahil dito, nakaabot ito sa Mayor ng Tarlac at agad silang tinulungan.

Malaking tulong ang mga pagkain, financial assistance na binigay sa mga manggagawa. Natuwa rin sila sa ipinadalang sasakyang sumundo sa kanila papunta ng Tarlac.

Construction workers naglakad pauwi mula Valenzuela to Pangasinan

Ayon sa Capas Public Information Office, nakita ng mga barangay official ang 14 construction workers na sabay-sabay na naglalakad papuntang Pangasinan.

Ilang mga construction workers naglakad pauwi | Image from Capas Information Office

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Binigyan naman sila ng tubig, tinapay, itlog na pagkain para sa kanila. Sa tulong rin ng mga local rescuers humingi sila ng tulong sa lokal na pamahalaan ng Mangatarem para sunduin sila.

Agad rin naman silang sinundo ng Mangatarem government pagkatapos silang bigyan ng mga pagkain at pangangailangan.

Kung kukwentahin, aabutin ng 33 hours ang paglalakad mula Valenzuela papuntang Mangatarem.

Walk from Manila to Pangasinan

Kabilang rin sa mga naglakad na mangagagawa ang 8 construction workers mula Manila at sinubukan nilang lakarin ito hanggang sa Manaoag Pangasinan.

Ilang mga construction workers naglakad pauwi | Image from Princess Conception

Dahil nais ng grupo na umuwi sa kanilang hometown imbis na magstay sa Manila, minabuti nilang lakarin ito mula Katipunan at nakarating sila sa Valenzuela at diniretso na rin hanggang sa Meycauayan, Bulacan.

Hanggang sa may isang pulis na tumulong sa kanila at pinasakay sila at hinatid mula Bulacan hanggang sa Sta. Rosa Nueva Ecija.

Dahil wala pa ring masakyan, naglakad ulit sila hanggang sa sinundo sila ng kapitan at nakauwi sa kanilang mga tahanan.

 

 

Source: Inquirer , ABS-CBN

BASAHIN: Doctors who died because of COVID-19; Salamat, you are our heroes!

Sinulat ni

Mach Marciano