Babae nagkaroon ng tumor sa atay matapos ang 12 years na paggamit ng contraceptive pills

Gumagamit ka ba ng pills o nag-plaplanong gumamit nito? Narito kung bakit mahalagang magpa-konsulta muna sa iyong doktor!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Contraceptives may masamang epekto katagalan ito ang nais ipabatid ng isang netizen sa mga kababaihan.

Contraceptives may masamang epekto katagalan

Isang netizen ang nagbahagi ng kaniyang karanasan sa social media tungkol sa naging epekto ng long-term use ng contraceptive pills sa kaniya. Ayon sa netizen, 12 years siyang gumamit ng Yasmin pills para maiwasan ang pagbubuntis. Habang ginagamit niya ito, siya ay nakaranas ng IBS o irritable bowel syndrome.

Sa pagdaan ng panahon ay mas lalong lumala ang digestive problem niya na hindi niya inakalang may seryosong dahilan na pala.

“I have taken the contraceptive pill Yasmin for around 12 years. I developed ‘IBS’ around 11 years ago. In January 2016 I was having tests for my digestive problems, which were getting out of control – undigested food was whizzing straight through me, I was very bloated, I had put on a lot of weight around my tummy and I had terrible indigestion. I felt exhausted and toxic.”

“As months progressed, I started getting a fizzy/tingly sensation in my liver when I lay down. This developed into a crushing pain after eating, a burning sensation in my upper back and pain in my right shoulder.”

Ito ang pahayag ng netizen. Kaya naman para malaman kung ano talagang kalagayan niya ay nagpunta na siya sa doktor. At doon nga, matapos isagawa ang MRI sa kaniyang katawan natuklasang siya ay may tumor na sa liver. Ito ang dahilan ng lahat ng nararanasan niyang hirap. At ang tanging paraan lang upang maalis ito ay tanggalin ang parte ng kaniyang atay na tinubuan na ng hepatic adenoma.

Babae nagkaroon ng liver tumor matapos gumamit ng pills sa loob ng 12 taon

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Sulit De-senyo Facebook page

“I went for a liver MRI and in August 2016 it was confirmed I had a 10cm hepatic adenoma. A benign tumor caused by long term use of the contraceptive pill. There is a risk of rupture and a risk of it turning cancerous, so the safest option is to remove it. On 14th November I underwent 6.5 hours of surgery to resect my liver. It was followed by 2 nights in intensive care and 5 further nights in hospital.”

Mensahe para sa mga kababaihan

Ito ang pahayag pa ng netizen. Kaya naman para maiwasan ng mga kababaihan ang nangyari sa kaniya ay ibinabahagi niya ang kaniyang kuwento. Ito ay upang magbigay aral at warning tungkol sa paggamit ng contraceptive pills.

“We are often not aware of the serious side effects, but you only need to google liver adenoma and oral contraceptives to find many identical stories to mine.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Please, when considering using oral contraceptives long term. Ask questions, be aware of ALL potential side effects, make an INFORMED decision, and monitor your body for ANY changes.”

Ito ang paalala at pakiusap ng netizen sa kababaihan.

Long-term side effects ng paggamit ng contraceptive pills

Ayon sa isang pag-aaral na nailathala sa PubMed Central, ang hepatocellular adenoma o HCA ay isang bibihira at benign liver tumor. Ito ay hormone-driven at iniiuugnay sa paggamit ng contraceptive pills ng mga babae.

Base naman sa artikulong nailathala sa website na Healthline, isa ang liver cancer o tumor sa mga long term side effects ng paggamit ng contraceptive pills na may estrogen. Maliban dito ang iba pang serious side effects na maaaring maranasan ng isang babaeng gumagamit ng contraceptive pills ng matagal na ay ang sumusunod:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • blood clots
  • gallbladder disease
  • heart attack
  • high blood pressure
  • liver cancer
  • stroke

Pahayag naman ng reproductive health website na Planned Parenthood, ang contraceptives may masamang epekto katagalan talaga. Pero ang mga long term at serious side effects na ito ay bibihira namang nangyayari sa kababaihan. Ito’y nararanasan lamang ng mga babaeng may pre-existing conditions o may iniinda ng iba pang karamdaman bago at habang gumagamit ng contraceptive pill.

Image from Freepik

Payo at paalala sa kababaihan

Kaya naman payo ng OB-Gyne na si Dr. Kristen Cruz-Canlas, bago gumamit ng contraceptive pills ay magpakonsulta muna sa doktor. Upang ma-evaluate kung hihiyang o angkop ba sa ‘yo ang contraceptive method na ito.

“Before oral contraceptive pills use, there’s a need for proper history and physical examination/evaluation.”

“We should evaluate each patient if wala ba sya contraindications for its use and the patient must fully understand the benefits and risks of taking it:.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang pahayag ni Dr. Canlas.

Dagdag pa niya, sa kaso ng netizen na gumamit ng contraceptive pills ng 12 taon ay sadyang napakahaba na. Dapat daw ay nasa 5 taon lang ang limit ng paggamit ng pills ng isang babae. Dapat kada taon ay nagpapa-checkup siya upang masubaybayan ang status o kalagayan ng kaniyang katawan. Dahil kung lalagpas ng 5 taon ang paggamit ng pills bilang ang contraceptives ay may masamang epekto katagalan. Ayon nga sa American Cancer Society (ACS), ang babaeng gumagamit ng pills ng higit sa 5 taon na ay tumataas ang tiyansa na magkaroon ng cervical cancer.

Magpakonsulta sa doktor at pakiramdaman ang mga pagbabago sa sarili

Image from Freepik

Kaya payo pa ni Dr. Canlas, dapat ay lagi raw mino-monitor ng babaeng gumagamit ng pills ang kaniyang sarili. Sa oras na makaramdam ng side effects ay ipaalam agad ito sa kaniyang doktor.

“Prolonged use na un 12 years, ideally for patients on oral contraceptive pills, 5 years lang ang limit but every year ideal na may check-up.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Also, it is recommended that the patient would closely monitor herself for possible side effects and update her health care provider about it.”

Ito ang pahayag pa ni Dr. Canlas.

Higit sa lahat paalala niya, bago gumamit ng kahit anong contraceptive method ay ipaalam muna ito sa iyong doktor. Dahil sila ang makakapagsabi kung paano ito tamang gawin o gamitin. At kung angkop ba ito sayo at hindi magdudulot ng side effects sa kalusugan mo.

 

Source:

PubMed, Planned Parenthood, Healthline, Medical News Today

BASAHIN:

Kailan maaaring uminom ng pills pagkatapos manganak?