theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
  • COVID-19
  • Becoming A Parent
    • Project Sidekicks
    • Trying to conceive
    • Pagbubuntis
    • Delivery
    • Losing a Baby
  • Edad at Yugto
    • Baby
    • Toddlers
    • Pre-schooler
    • Kids
    • Preteen & Teen
  • Pagiging Magulang
    • Gabay ng Magulang
    • Balita
    • Relasyon at Sex
  • Kalusugan
    • Diseases & Injuries
    • Allergies & Conditions
    • Vaccinations
  • Edukasyon
    • Pre-school
    • K-12
    • Special Education Needs
  • Lifestyle
    • Home
    • Travel and Leisure
    • Fashion
    • Contests & Promotions
    • Mga Artista
    • Fitness
    • Wellness
    • Pera
  • Press Room
  • Shopping

Kailan maaaring uminom ng pills pagkatapos manganak?

5 min read
•••
Kailan maaaring uminom ng pills pagkatapos manganak?Kailan maaaring uminom ng pills pagkatapos manganak?

Narito ang mga postpartum birth control methods na maaring pagpilian ng bagong panganak na babae at ang tamang panahon kung kailan maaring simulan ito. | Photo source: Freepik

Pwede ba uminom ng pills kahit hindi pa dinadatnanpagkatapos manganak? Narito ang sagot at ang iba pang birth control after pregnancy no period options o methods na maaring gamitin kahit wala pang menstruation.

Birth control after pregnancy

Para ma-kontrol ang pagbubuntis, ipinapayong gumamit ng contraceptive o birth control method ang isang babaeng bagong panganak. Pero bago ito maisagawa ay may mga factors na kailangan munang pag-isipan. Tulad ng anong uri ng contraceptive method ba ang nararapat na gamitin at kung kailan ba ito dapat simulang gawin.

Isa nga ang contraceptive pill na ginagamit ng maraming babae sa mundo. Dahil sa ito ay napatunayang 99.9% effective basta tama ang pag-inom nito.

Pero ang tanong ng maraming babae, kailan ba dapat magsimulang uminom ng contraceptive pills pagkatapos manganak? Pwede ba uminom ng pills kahit hindi pa dinadatnan? At safe ba itong inumin ng mga babaeng nagpapasuso?

Pwede ba uminom ng pills kahit hindi pa dinadatnanpagkatapos manganak?

Pwede ba uminom ng pills kahit hindi pa dinadatnan

Image from Freepik

Ayon sa Planned Parenthood Org, ang pagsisimula ng pag-inom ng birth control pills ng mga babaeng bagong panganak ay nakadepende sa uri ng pills na kanilang gagamitin.

Kung hindi nagpapasuso at ang gagamitin ay progestin-only pills ay maari na nila itong simulan anumang oras pagkapanganak. Kapag ito naman ang gagamitin at nagbrebreastfeed ay kailangang mag-antay na makalipas ang 6 ng linggo pagkapanganak bago gumamit nito.

Kung ang napili naman nila ay combination pills at hindi nagpapasuso ay maari na silang mag-simulang uminom nito 3 linggo matapos makapanganak.

Pero kung sila ay nagpapasuso ay kailangan nilang maghintay na lumipas ang 6 na linggo. Ito ay dahil ang combination pills ay maaring makaapekto sa supply ng kanilang breastmilk at pagpapasuso.

Dahil paliwanag ng health experts, ang mga babaeng bagong panganak ay fertile dalawang linggo bago sila datnan ng kanilang regla o monthly period. Madalas ang kanilang regla ay dumadating 6 na linggo o 3 buwan pagkatapos manganak. Ito ay maaring ma-delay depende sa kung ang isang babae ay eksklusibong nagpapasuso o kaya naman ay nag-mimix feed gamit ang formula milk. Sa loob ng mga panahong ito pinapayong gumamit na ng birth control method ang isang babaeng bagong panganak. Mayroon man siyang regla o wala. Ito ay upang makasigurado na siya ay protektado sa hindi inaasahan o magkasunod na pagbubuntis. Kaya ang tanong sa kung pwede ba uminom ng pills kahit hindi pa dinadatnan pagkatapos manganak ay oo.

Hindi lahat ng babae ay maaring uminom o gumamit ng contraceptive pills

Pero hindi lahat ng babaeng bagong panganak ay maaring gumamit o uminom ng contraceptive pills. Bagamat ito naman ay ligtas sa nakararaming babae, hindi naman ito inirerekumenda sa mga babaeng nakakaranas ng sumusunod na kondisyon. Dahil sa ang pag-inom nito ay maaring magdulot pa ng dagdag na komplikasyon o hindi magandang epekto sa kanilang kalusugan.

Pwede ba uminom ng pills kahit hindi pa dinadatnan

Image from Freepik

Ang mga babaeng hindi ipinapayong uminom ng contraceptive pills ay ang sumusunod:

  • May blood clots sa braso, binti at baga
  • May serious heart o liver disease
  • Mayroong cancer sa suso o matris
  • Mayroong uncontrolled high blood pressure
  • Nakakaranas ng matinding migraine

Kung nakakaranas ng mga nabanggit na kondisyon ay maari namang pumili ng iba pang uri ng birth control method pagkapanganak. Ang mga ito ay ang sumusunod:

Iba pang uri ng postpartum birth control

Pwede ba uminom ng pills kahit hindi pa dinadatnan

Image from Freepik

IUD o intrauterine device

Isa nga sa inirerekumendang uri ng birth control method para sa mga babae ay ang IUD o Intrauterine devices. Dahil sa ito ay kayang magbigay ng proteksyon mula sa pagbubuntis hanggang sa 12 na taon. At maaring agad na maibigay sa isang babae matapos maisilang ang kaniyang sanggol at walang epekto sa kaniyang pagpapasuso.

Kung ito ay hindi nailagay sa isang babae sa loob ng 48 oras matapos manganak ay ipinapayong magpalagay nito makalipas ang 4 na linggo.

Implant

Ang pagpapalagay ng contraceptive implant na kung tawagin ay Nexplanon ay isang mabisang uri rin ng postpartum birth control method. Ito ay ang rod-shaped device na kasing laki ng isang stick ng posporo na inilalagay sa ilalim ng balat sa braso. Kaya nitong protektahan ang isang babae sa pagbubuntis hanggang sa 4 na taon. Ngunit kailangan nilang umiwas sa mga gawaing mabibigat o gagamitan ng kanilang puwersa tulad ng pagbubuhat. Dahil sa pamamagitan ng mga ito ay maaring mawala sa pwesto ang implant na maaring mauwi sa komplikasyon.

Ito ay ipinapayong mailagay sa babae 6 na linggo matapos manganak.

Injectables

Isa pang opsyon upang masiguro ang hindi magkasunod na pagbubuntis at ligtas sa mga nagpapasusong ina ay ang pagpapainject ng Depo-Provera shot o DMPA. Ang shot na ito ay sinasabing 97% effective upang maiwasan ang pagbubuntis. Ngunit kailangang ma-ibigay sa isang babae kada 3 buwan para sa mas matibay na proteksyon.

Ito naman ay maaring maibigay agad sa isang babaeng bagong panganak na hindi nagpapasuso. Ngunit kung nagpapasuso ay kailangan rin munang maghintay na makalipas ang 6 na linggo. Sapagkat ito rin ay nakakaapekto sa supply ng breastmilk ng nagpapasusong ina.

Maliban sa mga nabanggit ay maari ring gumamit ng mga barrier methods tulad ng condom, diaphragm at cervical cap ang mga babaeng bagong panganak. Bagamat ang mga ito ay mahigpit na ipinapayong gamitin sa wasto at tamang paraan upang masigurong maiiwasan ang pagbubuntis.

Source:

PlantParenthood Org, WebMD, Better Health, ACOG, NHS

BASAHIN: Puwede pa rin bang mabuntis kahit umiinom ng pills?

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

  • Home
  • /
  • Parenting
  • /
  • Kailan maaaring uminom ng pills pagkatapos manganak?
Share:
•••
  • What happens to your body when you stop birth control pills?

    What happens to your body when you stop birth control pills?

  • Emergency pills: side effects, risks and alternatives

    Emergency pills: side effects, risks and alternatives

  • 4-anyos, binunutan ng 18 ngipin dahil nakakatulog na may dede sa bibig

    4-anyos, binunutan ng 18 ngipin dahil nakakatulog na may dede sa bibig

  • 7 signs na matalino ang baby mo

    7 signs na matalino ang baby mo

app info
get app banner
  • What happens to your body when you stop birth control pills?

    What happens to your body when you stop birth control pills?

  • Emergency pills: side effects, risks and alternatives

    Emergency pills: side effects, risks and alternatives

  • 4-anyos, binunutan ng 18 ngipin dahil nakakatulog na may dede sa bibig

    4-anyos, binunutan ng 18 ngipin dahil nakakatulog na may dede sa bibig

  • 7 signs na matalino ang baby mo

    7 signs na matalino ang baby mo

  • Pagbubuntis
    • Baby
    • Breastfeeding & Formula
    • Baby Names
    • Delivery
  • Pagiging Magulang
    • Gabay ng Magulang
    • Advice for Parenting Kids
    • Relasyon at Sex
  • Lifestyle
    • Local celebs
    • Mga Artista
    • Pera
    • Balita
  • FAMILY & HOME
    • Couples
    • Weekend & Holiday Guide
    • Kalusugan
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore
  • Thailand
  • Indonesia
  • Philippines
  • Malaysia
  • Sri Lanka
  • India
  • Vietnam
  • Australia
  • Japan
  • Nigeria
  • Kenya
Mga Partner ng Brand
Mama's Choice Partner Brand Logo
© Copyright theAsianparent 2021. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use
Articles
  • Community
  • COVID-19
  • Becoming A Parent
  • Edad at Yugto
  • Pagiging Magulang
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • Press Room
  • Shopping
Tools
  • ?Mom Community
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
  • Recipes
  • Food
  • Poll
  • VIP Parents
  • Contests
  • Photobooth

I-download ang aming app

  • Advertise With Us
  • About Us
  • Team
  • Guidelines ng Community
  • Contact Us
  • Terms of Use
  • Maging Contributor
  • Tools
  • Articles
  • ?Feed
  • Poll
Buksan sa app