WHO, tinitignan ang posibilidad na maging airborne ang coronavirus

Ayon sa isang pag-aaral, ang coronavirus ay tumatagal ng hanggang tatlong oras sa air o hangin. Kaya naman upang maging protektado mula rito ay kailangang magsuot ng N95 mask na kayang salain ang 95% ng mga liquid at airborne particles.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Coronavirus airborne disease rin, ito ang bagong posibilidad na tinitingnan ng WHO dahil sa mabilis na pagkalat ng sakit.

Image from Freepik

Coronavirus airborne disease rin?

Sa kasalukuyan ay mayroon ng 199,023 na naitalang kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa buong mundo. Habang nasa 7,991 ang naitalang nasawi dahil rito. Noong una ay sinasabing naihahawa ang sakit sa pamamagitan ng mga droplets na mula sa ubo at bahing ng taong nagtataglay ng virus. Ito ay maaring deretsong maipasok sa katawan ng bagong biktima ng virus. O kaya naman ay maiwan sa gamit o surface na mahahawakan ng susunod na biktima nito.

Ngunit dahil sa mabilis na pagkalat ng virus, lalo na sa mga medical personnel na nag-aalaga sa mga biktima ng sakit ay may bagong mode of transmission na tinitingnan ang WHO. Ito ay ang posibilidad na ang coronavirus airborne disease rin. Ngunit ito ay naka-depende umano sa mga factors tulad ng heat at humidity ng isang lugar. Tulad ng mga medical care facility na gumagawa ng mga aerosol-generating procedure gaya ng intubation at tracheostomy insertion.

“When you do an aerosol-generating procedure like in a medical care facility, you have the possibility to what we call aerosolize these particles, which means they can stay in the air a little bit longer.”

Ito ang pahayag ni Dr. Maria Van Kerkhove, head ng emerging diseases and zoonosis unit ng WHO.

Coronavirus kayang tumagal sa air o hangin ng tatlong oras

Ang pahayag na ito ni Dr. Kerkhove ay sinuportahan ng findings ng isang bagong pag-aaral. Ayon sa pag-aaral na nailathala sa medRxiv depository, ang novel coronavirus airborne disease rin. Dahil kaya nitong manatili sa hangin o air ng hanggang tatlong oras. Habang kaya nitong mabuhay ng hanggang sa tatlong araw sa mga plastic at stainless steel surfaces. Apat na oras sa mga copper surfaces at hanggang 24 oras sa mga carboard surfaces.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Our results indicate that aerosol and fomite transmission of HCoV-19 is plausible, as the virus can remain viable in aerosols for multiple hours and on surfaces up to days.”

Ito ang pahayag ng mga researcher ng ginawang pag-aaral.

Habang may isang pag-aaral rin na nailathala sa Journal of Hospital Infection nitong Pebrero ang nagsabing ang pagkalat ng coronavirus disease o COVID-19 ay tulad rin ng SARS at MERS. Dahil sa kaya nitong mabuhay ng hanggang siyam na araw sa mga surfaces tulad ng metal, glass at plastic. At ang tanging paraan lang upang mapatay ang virus na ito sa mga naturang surfaces ay sa pamamagitan ng disinfectants na may taglay na 62–71 percent ethanol, 0.5 percent hydrogen peroxide o 0.1 percent sodium hypochlorite sa loob ng isang minuto.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Kayang manatili ng coronavirus sa katawan ng isang tao ng hanggang 5 linggo

Hindi nga lang sa mga surfaces na nadadapuan ng virus ito tumatagal ng ilang araw. Dahil base sa isa pang pag-aaral na nailathala sa The Lancet Medical Journal nitong Miyerkules, ay kayang manatili ng virus sa respiratory tract ng biktima nito ng hanggang sa limang linggo.

Ito ay natuklasan matapos pag-aralan ng 19 na doktor ang medical records ng 191 COVID-19 patients sa Jinyintan Hospital at Wuhan Pulmonary Hospital sa China.

Dagdag pa nila, kanilang natuklasan na ang virus ay kayang tumagal ng 19 days sa katawan ng pasyenteng may severe disease status. Habang 24 days naman ang itinatagal ng virus sa katawan ng taong nasa critical disease status na. Kahit nga daw sa mga taong gumaling na sa sakit ay nanatili parin sa mga katawan nito ang virus ng hangang 20 days. Ganoon rin sa mga nasawi na dahil sa sakit na detectable parin umano ang virus sa katawan.

Kaya naman konklusyon ng mga researcher, mahalaga ang implikasyon ng resulta ng kanilang pag-aaral. Lalo na pagdating sa pagbibigay ng antiviral treatment sa pasyenteng tinamaan ng sakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“This has important implications for both patient isolation decision making and guidance around the length of antiviral treatment.”

Ito ang pahayag ng researchers ng ginawang pag-aaral.

Pahayag ng WHO

Image from Freepik

Ayon naman sa WHO ay magdagdag sila ng additional precautions para sa mga health personnel na naii-expose sa mga COVID-19 patients. Ito ay upang madagdagan ang proteksyon nila laban sa sakit. Tulad ng pagsusuot ng N95 masks na kayang i-filter out ang 95% ng lahat ng liquid at airborne particles.

“It’s very important that health-care workers take additional precautions when they’re working on patients and doing those procedures.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang pahayag ni Dr. Kerkhove ng WHO.

Samantala, may dagdag na paalala naman ni WHO Director-General Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus sa mga bansang apektado ng sakit. Ito ay ang paigtingin pa ang kanilang ginagawang testing sa mga suspected cases ng sakit. Ganoon rin pagdating sa contact tracing at pag-isolate ng mga positibo sa COVID-19 pandemic.

“We have a simple message for all countries: test, test, test. Test every suspected case, if they test positive, isolate them and find out who they have been in contact with two days before they developed symptoms and test those people, too.”

Ito ang pahayag ni Tedros.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source: CNBC, Fox News, CBS News, World Meters

BASAHIN: Anak ng COVID patient share “She died alone without her loving family”