UPDATE: Coronavirus confirmed cases countries as of January 31, 2020. Unang coronavirus Philippines confirmed case, inanunsyo na ng Department of Health.
Matatandaang kahapon, January 30 ay kinumpirma na ng DOH ang unang kaso ng 2019-nCov dito sa bansa.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang 38-year old na babaeng Chinese ay positibo sa coronavirus. Ito ay residente ng Wuhan, China at dumating sa Manila galing Hongkong noong January 21. Kasalukuyan pa rin itong nasa isang hospital kung saan inoobserbahan.
Ilang linggo pa lang ang nakakaraan nang pumutok ang balitang ito. At hindi maikakaila na mabilis kumalat sa iba’t-ibang bahagi ng bansa ang nakamamatay na virus na nagmula sa Wuhan, China. Upang maging updated sa 2019-nCov, narito ang listahan at total number ng mga infected sa mga bansang positibo sa coronavirus:
Coronavirus confirmed cases countries
Mainland China:
CITY | CONFIRMED | DEATH | RECOVERED |
Hubei | 5806 | 204 | 116 |
Zhejiang | 537 | 9 | |
Guangdong | 393 | 11 | |
Henan | 352 | 2 | 3 |
Hunan | 332 | 2 | |
Jiangxi | 240 | 7 | |
Anhui | 237 | 3 | |
Chongqing | 206 | 1 | |
Shandong | 178 | 2 | |
Sichuan | 177 | 1 | 1 |
Jiangsu | 168 | 2 | |
Shanghai | 128 | 1 | 9 |
Beijing | 121 | 1 | 5 |
Fujian | 101 | ||
Guangxi | 87 | 2 | |
Shaanxi | 87 | ||
Hebei | 82 | 1 | |
Yunnan | 76 | ||
Heilongjiang | 59 | 2 | |
Hainan | 50 | 1 | 1 |
Liaoning | 45 | 1 | |
Shanxi | 39 | 1 | |
Tianjin | 32 | ||
Gansu | 29 | ||
Ningxia | 21 | 1 | |
Inner Mongolia | 20 | ||
Xinjiang | 17 | ||
Guizhou | 15 | 1 | |
Jilin | 14 | 1 | |
Tibet | 1 | ||
Qinghai | 8 |
Other Countries:
Thailand | 14 | 5 | |
Hong Kong | 12 | ||
Japan | 11 | 1 | |
Singapore | 10 | ||
Taiwan | 9 | ||
Malaysia | 8 | ||
Macau | 7 | ||
South Korea | 6 | ||
France | 5 | ||
New South Wales Australia | 4 | 2 | |
Bavaria Germany | 4 | ||
United Arab Emirates | 4 | ||
Queensland Australia | 3 | ||
Victoria Australia | 2 | ||
Ontario Canada | 2 | ||
Italy | 2 | ||
California, US | 2 | ||
Illinois, US | 2 | ||
Vietnam | 2 | ||
Cambodia | 1 | ||
British Columbia Canada | 1 | ||
Finland | 1 | ||
India | 1 | ||
Nepal | 1 | ||
Philippines | 1 | ||
Sri Lanka | 1 | ||
Arizona | 1 | ||
Washington US | 1 | ||
TOTAL: | 9,776 | 213 | 187 |
Maaari mo ring ma-track ang mga bansang may coronavirus dito: 2019-nCoV Global Cases
First confirmed case in Philippines
Ang 38-year old na Chinese na ito ay hindi nakitaan ng sintomas ng nasabing nakakamatay na virus. Ngunit noong nakaraang Jan 25, doon na siya nagsimulang obserbahan dahil sa kanyang ‘mild cough’. Dahil dito, nakumpirma na positibo siya sa n-Cov. Mula sa Wuhan, lumipad ito papuntang Hong Kong at sumakay ng eroplano papunta sa Cebu. Pagkatapos nito ay saka rin siya tumungo sa Dumaguete at saka tumungo dito sa Manila.
Sa update tungkol dito, nagsimula nang alamin ng DOH ang mga nakasalamuha at nakatabi ng pasyente sa flight na sinakyan niya sa Cebu Pacific, Cebgo and Philippine Airlines na papunta rito. Oobserbahan ang mga ito at titignan kung nahawaan ba ito ng naturang sakit.
Ayon naman kay DOH spokesperson Undersecretary Eric Domingo, lahat ng galing Wuhan na nandito sa bansa na may sipon, lagnat at ubo ay paniguradong dadaan sa test at observation.
Ngunit sa kabila nito, mas mabuti na rin ang makaiwas sa naturang virus. Narito ang ilang mga dapat tandaan:
Uri at sintomas ng coronavirus
Ang coronavirus ay isang malaking pamilya ng mga viruses na common sa mga mammals, mapa-hayop man o tao. Tinatawag ng mga scientist na “zoonotic” ang virus na ito. Dahil sa maari itong ma-transmit o maihawa mula sa hayop papunta sa tao.
Noong una ay may anim lang na uri ang coronavirus. Ang apat sa mga ito ay nagdudulot ng mild to moderate effect sa katawan ng tao. Ito ay ang 229E, NL63, OC43, at HKU1. Ang mga uri ng coronavirus na ito ang nagiging sanhi ng common colds o sipon na sinasabayan ng mga sumusunod pang sintomas ng coronavirus:
- runny nose
- sakit ng ulo
- ubo
- sore throat
- lagnat
- masamang pakiramdam
Kung mapabayaan ang mga sintomas na ito ay maaring lumala at maaring mauwi sa pneumonia at bronchitis.
Samantala, ang dalawa pang uri ng coronavirus ay ang itinuturing na pinaka-seryoso at delikadong uri nito. Dahil sa mabilis nitong pagkalat at sa dami ng taong nasawi nang magkaroon nito. Ito ay ang MERS-Cov o MERS at SARS-Cov o SARS.
SOURCE: CNN Health
BASAHIN: Coronavirus: Kumpirmadong maaaring mahawa sa taong may sakit na ito
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.