Naitala na ang pinakabatang nagpositibo sa coronavirus at ito ay isang newborn baby.
Newborn baby, ang pinakabatang nag-positibo sa coronavirus
Dito sa Pilipinas, ang pinakabatang nagpositibo sa COVID-19 ay ang 13 years old na babae galing Quezon City. At kasalukuyan siyang naka under medication.
Ngunit ayon sa Sun report, naitala na ang pinakabatang nagpositibo sa COVID-19 sa buong mundo. At ito ay isang newborn baby mula London.
Napagalamang ang nanay nito ay isang carrier na pala ng naturang virus. Ayon sa ina, hindi alam na positibo na pala siya sa COVID-19 nang nagpakonsulta siya sa ospital dahil sa pneumonia. Pagkatapos niyang manganak, dito lang niya nalaman na positibo siya sa nasabing virus.
Ayon sa North Middlesex University Hospital NHS Trust,
“Two patients at North Middlesex University hospital have tested positive for coronavirus. One has been transferred to a specialist centre and one is being treated in an isolation room,”
Pagkatapos manganak ng ina, dito lang nakumpirma na positibo pala siya sa virus. Dahil dito, agad na sinuri ang kanyang baby ilang minuto pa lang pagkatapos nitong ipanganak. Kasalukuyan namang ginagamot ang newborn baby. Samantalang ang ina ay nilipat muna sa ibang lugar.
Dagdag pa ng hospital, top priority nila ang safety ng kanilang mga pasyente at staff. Kaya naman nagsasagawa sila ng deep cleaning sa mga area kung saan na-confine ang mga pasyente at mga staff na nagkaroon ng contact sa mga pasyente.
Hindi pa rin masuri kung paano ba nagkaroon ng COVID-19 ang newborn baby. Sa loob ba ito ng tyan nagkaroon o habang siya ay pinapanganak?
Epekto ng COVID-19 sa buntis
Ayon sa CDC, ang mga buntis ay nakakaranas ng immunologic at physiologic changes sa kanilang katawan. Ito ay nagiging dahilan upang mas maging susceptible sila sa mga viral infections tulad ng COVID-19.
“Pregnant women experience immunologic and physiologic changes which might make them more susceptible to viral respiratory infections, including COVID-19.”
Ito ang pahayag ng CDC. Bagamat, sa ngayon ay wala pang sapat na impormasyon upang mapatunayan ang susceptibility nila sa COVID-19. Ang mga nakalipas na datos na nakalap kaugnay sa kahalintulad nitong coronavirus infection na SARS at MERS, ay napatunayang mas at risk sila sa mga ganitong uri ng impeksyon kumpara sa iba.
Pagdating naman sa epekto ng COVID sa buntis ay hindi parin sapat ang impormasyong mayroon ang ahensya. Ngunit kung ikukumpara muli sa SARS at MERS ay naitalang may mga buntis ang nakaranas ng pregnancy loss tulad ng miscarriage at stillbirth ng madapuan ng virus.
“We do not have information on adverse pregnancy outcomes in pregnant women with COVID-19. Pregnancy loss, including miscarriage and stillbirth, has been observed in cases of infection with other related coronaviruses [SARS-CoV and MERS-CoV] during pregnancy.”
Epekto ng COVID sa sanggol
Dagdag pa ng CDC, sa ngayon ay hindi parin matibay na napapatunayan kung maari bang maihawa ng buntis na ina ang virus sa kaniyang dinadalang sanggol. Ngunit base sa mga naunang kaso ng buntis na na-infect ng sakit ay hindi nag-positibo sa virus ang mga bagong silang nilang sanggol. Hindi rin na-detect ang virus sa kanilang amniotic fluid samples at breastmilk. Bagamat ilan sa mga sanggol ang nakaranas ng adverse infant outcomes tulad ng preterm birth.
“However, in limited recent case series of infants born to mothers with COVID-19 published in the peer-reviewed literature, none of the infants have tested positive for the virus that causes COVID-19. Additionally, virus was not detected in samples of amniotic fluid or breastmilk.”
Ito ang dagdag pang pahayag ng CDC. Kaya naman sa kabila ng banta ng virus ay ini-encourage parin ng ahensya ang mga COVID infected na bagong panganak na ina na i-breastfeed ang kanilang sanggol. Ngunit ito ay dapat gawin ng tama at ng ina-apply ang mga kinakailangang precautions.
COVID 19 Cases in Philippines update
Base sa report na binigay ng Department of Health nitong Biyernes, naitala na umabot na ng 98 katao ang nagpositibo sa COVID-19. Ngunit nitong Linggo lamang patuloy pa rin ang pagtaas ng mga kaso ng nasabing virus. Sa ngayon, mayroon ng 140 katao ang nagpositibo sa COVID-19 dito sa Pilipinas.
3 naman ang naka-recover at 12 katao ang naitalang namatay.
Nag negatibo naman sa COVID-19 ang 638 tao na isinailalim sa pagsasanay. Habang hinihintay pa rin ang 72 cases kung ito ba ay negatibo o may dadagdag pang positibo sa nasabing virus.
Samantala, naitala naman ang pinaka batang kaso sa COVID-19. Ang 13-year-old na batang babae ay isang residente ng Quezon City. Napag-alamang siya ay walang history ng pagpunta sa ibang bansa at walang exposure sa may COVID-19.
Nagsimula siyang makaramdam ng mga sintomas nitong March 4 lamang. At nagpakonsulta sa Quezon City Health Department.
Source: Manila Bulletin
READ: Mga dapat malaman ng buntis at breastfeeding moms tungkol sa COVID-19