Ayon sa bagong pag-aaral, ang coronavirus o mas kilala bilang COVID-19 ay maaari nang pumasok sa seasonal cycle.
Coronavirus Seasonal Cycle | Image from Freepik
Coronavirus Seasonal Cycle
Ayon kay Anthony Fauci, nangununa sa pag-aaral ng infectious diseases sa National Institutes of Health, nag-uumpisang lumawak na ang kapasidad COVID-19 sa southern hemisphere kung saan nararasan ang tag-lamig.
Base sa unti-unting resulta ng kanilang pag-aaral, nakikita nila na nagkakaroon ng bagong kaso kapag nasa isang malamig na lugar na ang virus.
“What we’re starting to see now… in southern Africa and in the southern hemisphere countries, is that we’re having cases that are appearing as they go into their winter season,”
Dagdag ni Fauci, ang coronavirus ay mas nabubuhay at nadedevelop sa mga malalamig na lugar. Ito ay dahil hindi agad namamatay o nawawala ang virus sa paligid. Ang mga respiratory droplets ay nananatiling airborne o nasa hangin sa malalamig na lugar. At sa ganitong klima din, may pagkakataon na humihina ang immunity system ng isang tao.
Coronavirus Seasonal Cycle | Image from Freepik
Dahil mas nabubuhay ang respiratory virus droplets na ito sa malalamig na lugar, ibig sabhin ay mas mababa ang tyansa na tumagal ito sa mainit na lugar. Ang explanation nila dito ay dahil hindi nakaktagal ang virus sa mainit na lugar. Natutuyo agad kasi ito sa mga hot surface.
Dagdag nila na mas kailangang pag-aralan ito. Ang mga vaccine ay dapat nakahanda na para maging ready sa susunod na cycle.
“And if, in fact, they have a substantial outbreak, it will be inevitable that we need to be prepared that we’ll get a cycle around the second time. It totally emphasizes the need to do what we’re doing in developing a vaccine, testing it quickly and trying to get it ready so that we’ll have a vaccine available for that next cycle.”
Sa ngayon, mayroon nang dalawang vaccine na naimbento para sa COVID-19. Ito ay isa sa China at isa sa US.
“I know we’ll be successful in putting this down now, but we really need to be prepared for another cycle,”
Coronavirus Seasonal Cycle | Image from Freepik
COVID 19 Cases in Philippines update
Kahapon, March 26, patuloy na umaakyat ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19. Ngayong araw, 707 na ang bilang ng kaso ng coronavirus dito sa Pilipinas. Habang 28 naman ang naka recover at 45 ang mga namatay.
Ang mga bagong naitalang namatay ay may mga sakit sa puso, diabetes at hypertension.
Samantala, ayon naman sa mga health official, asahan pa ang patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa. Ito ay dahil marami pa ang mga paparating na resulta na isinagawa sa mga pasyenteng minomonitor.
Narito ang breakdown ng COVID-19 dito sa Pilipinas as of March 26:
|
CONFIRMED
|
RECOVERED
|
DEATHS
|
PIUs
|
707 |
28 |
45 |
722 |
COVID-19 hotlines:
1555 (PLDT, Smart, Sun, and TnT)
(02) 894-26843 (894-COVID)
Source: GMA News
BASAHIN: Pagkawala ng sense of smell at taste? Maaaring sintomas ng COVID-19
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!