COVID-19 airborne transmission, Chinese bus study
Maraming nagbago sa buhay natin simula ng kumalat ang COVID-19 sa buong mundo. Hindi na tayo nakakalabas ng ating mga bahay at hindi na natin nagagawang makisalamuha sa ibang tao. Naglabas ng artikulo ang mga eksperto patungkol sa kanilang panibagong pag-aaral patungkol sa COVID-19. Sa research study sa COVID-19 transmission na isinagawa nila sa isang Chinese bus, nagsasabi na ito’y isang airborne disease.
Ayon sa inilabas na bagong pag-aaral tungkol sa COVID-19 ng JAMA Internal Medicine, may panibagong ebidensya ang nagpapatunay na airborne ito. Kaya naman mukhang matagal-tagal pa bago tayo makabalik sa dati nating pamumuhay bago ang COVID-19.
Narito ang pagpapaliwanag ng mga eksperto.
Eksperto: COVID-19 maaaring airborne
Isang taong infected ng COVID-19 ang nakahawa ng labindalawang indibidwal nang sumakay ito sa isang Chinese bus. Wala kasing magandang bentilasyon ang naturang bus. Nakahawa ang paseherong ito kahit na wala siyang close contact sa ibang pasahero.
Lumalabas sa mga bagong edibendsyang nakalap ng JAMA Internal Medicine sa kanilang study tungkol sa transmission ng COVID-19. Natuklasan nila na maaaring airborne disease ang COVID-19. Kaya mabilis itong kumalat.
Ang mga paseherong sumakay sa dalawang Chinese bus na may 50 minutong biyahe papunta sa Eastern Chinese City ng Ningbo noong Enero. Kung saan hindi pa ritwal ang pagsusuot ng face mask upang makaiwas sa transmission ng COVID-19.
Naniniwala ang mga researcher na ang taong infected ng COVID-19 na hindi tinukoy ang kasarian ay tinaguriang patient zero ng mga eksperto. Sapagakt nagkaroon siya ng contact sa mga tao sa Wuhan, kung saan nagsimula ang nakakahawang sakit noong nakaraang taon.
Pag-aaral kung airborne ang COVID-19
Gumawa ang mga scientist ng isang map-out kung saan makikitang nakaupo ang mga pasahero sa loob ng bus. Lahat din ng nakasakay sa bus ay kinuhanan ng test para matukoy kung mayroon silang COVID-19. Sa 68 na pasehero may 23 kumpirmadong infected ng naturang sakit.
Ang kapansin-pansin dito
Ang mga paseherong nakaupo sa likod at harap ng bus, na may perimeter na 1-2 metro (3 talampakan). Tinukoy ng mga awtoridad at eksperto na maaaring magsabi na ang infectious droplets na may bitbit na COVID-19 ay airborne.
Hindi rin agad nagpakita ng mga sintomas ng COVID-19 ang mga dumalo sa nasabing pagtitipon. Katulad ng ubo, lagnat o pangangati ng lalamunan at iba pa.
May malaking kontribusyon umano ang air conditioning ayon sa ginawang research study ng mga eksperto sa loob ng Chinese bus. Nagkaroon daw ito ng ambag sa pagkalat ng infectious droplets na may bitbit na COVID-19. Kung saan may posibilidad ng airborne transmission. Dahilan sa pagkakahawa ng 23 pasahero sa loob ng bus.
“The investigations suggest that, in closed environments with air recirculation, SARS-CoV-2 is a highly transmissible pathogen,” ayon sa kanilang artikulo.
Dagdag pa nila, “Our finding of potential airborne transmission has important public health significance.”
Nagpakita ng isang diagram ang mga eksperto na nagpapakita kung saan nakaupo ang bawat infected ng COVID-19 sa loob ng Chinese bus. Inimumungkahi ng mga edibensyang nakalap sa isinagawang pag-aaral ng mga eksperto na maaaring airbone and COVID-19.
Kasama rin sa diagram na ginawa nila, kung paano nagkaroon ng transmission ng naturang sakit sa mga kumain sa isang restaurant sa Guangzhou China.
COVID-19 airborne transmission Chinese bus study
Palaging sundin ang mga health protocol upang makaiwas sa sakit. Kung maaari iwasan talaga ang lumabas ng bahay.
Ugaling maghugas ng kamay kapag galing sa labas ng bahay o ‘di naman kaya’y maligo agad. Magsuot lagi ng Face Mask at Face Shield. Magdala rin lagi ng alcohol. Palaging ugaling ang pag-inom ng mga bitamina upang lumakas ang resistensya. Tandaang mas mahalaga ang malakas na pangangatawan sa panahon ngayon.
Source:
ABS-CBN
BASAHIN:
Anong nangyayari sa iyong katawan pag nag-positibo sa COVID-19?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!