COVID 19 and pregnancy: Narito kung ano ang dapat gawin ng buntis kapag nag-positibo sa COVID-19. Ito ay para masigurong hindi ito magdudulot ng komplikasyon sa pagdadalang-tao at panganib sa dinadalang sanggol.
COVID 19 and pregnancy: Mga dapat malaman ng buntis
Nitong Mayo ay inirekumenda ng Philippines Obstetrical and Gynecological Society na dapat ang bawat manganganak na buntis ay sasailalim muna sa COVID-19 swab test. Ito ay upang agad na maisagawa ang COVID-19 pre-cautionary measures bago sila manganak. Para sa proteksyonan hindi lang ng kanilang bagong silang na sanggol kung hindi pati narin ng mga health workers na kanilang makakasalimuha sa panganganak.
“The proposal is to do the test as close to term, or as close to the delivery as possible. So that would be about 38 weeks, or 37 weeks sa age of gestation.”
“We prevent the contamination of both the healthcare personnel, and at the same time, we also protect the newborn na hindi mai-infect.”
Ito ang naging pahayag ni Philippines Obstetrical and Gynecological Society President Dr. Christia Padolina tungkol dito.
Dahil pahayag nila may ibang mga nanay ang hindi nag-didisclose ng totoong impormasyon sa kanilang kondisyon. Kaya naman para makasigurado ay minabuti nilang ipatupad ito.
“Ginagawa ng ibang nanay, hindi talaga sila nagdi-disclose dahil gusto talaga nila makapanganak. So napakalaking bagay at problema para sa amin ‘yan na mahaluan.”
Ito naman ang pahayag ni Fabella Medical Director Doctor Esmeraldo Ilem tungkol sa bagong panuntunang ito.
Kaya naman dahil dito maraming buntis ang nagulat na sila ay infected pala ng sakit kahit wala namang pinapakita ng sintomas nito. Kaya ang tanong nila, ano ang dapat gawin kung ikaw ay buntis at nag-positibo sa sakit? At ano ang maaring maidulot ng sakit sa pagbubuntis at dinadala nilang sanggol.
Risk ng COVID-19 sa pagbubuntis
Ayon sa CDC, ang mga buntis ay may mas mataas na tiyansang mahawaan ng COVID-19. Dahil tulad ng mga matatanda at may pre-existing conditions, ang mga buntis ay maituturing na immunocompromised. Kaya naman payo ng mga eksperto ay dapat gawin lahat ng buntis ang maaring gawin upang maiwasan na mahawaan ng virus. Dahil kung hindi ang pagkakaroon ng COVID-19 ay maaring magdulot ng negatibong epekto sa pagbubuntis. Tulad ng panganganak ng mas maaga sa inaasahan o preterm birth. Dahil sa ito ay maaring makaapekto sa development ng sanggol sa sinapupunan.
Ayon pa nga sa isang pag-aaral, ay may mataas na tiyansa na ma-ospital at mailagay sa intensive care unit ang manganganak na buntis na may COVID-19. Dahil sila ay maaring makaranas ng breathing problems at kailangang lagyan ng ventilator.
Pero kung agad na matutukoy kung may COVID-19 ang manganganak na buntis ay ma-poproteksyunan mula rito ang kaniyang newborn. Dahil base naman sa isang pag-aaral na isinagawa sa China, natuklasang hindi makikita sa breast milk, cord blood at amniotic fluid ng buntis ang virus. At posibleng maihawa niya lang ito sa sanggol sa pamamagitan ng respiratory droplets mula sa kaniyang ubo, talsik ng laway o bahing. Partikular na sa mga buntis na positibo sa COVID-19 ngunit asymptomatic. Dahil ayon sa isang JAMA study, malaking porsyento ng mga buntis na infected ng COVID-19 ay walang pinapakitang sintomas.
Kaya naman kung buntis ay mabuting mas maging maingat laban sa sakit. At kung sakaling mag-positibo sa sakit may sintomas man o wala ay narito ang dapat gawin.
Buntis at nag-positive sa COVID-19, ano ang dapat gawin?
Unang-una sa oras na makaramdam ng kahit anumang sintomas ng COVID-19 ay agad na ipaalam ito sa iyong doktor. Ang mga sintomas ng sakit na maaring maranasanan ay ang sumusunod:
- Sore throat o pananakit ng lalamunan
- Sipon at baradong ilong
- Hirap sa paghinga
- Pananakit ng muscles o kalamnan
- Kawalan ng panlasa o pang-amot
- Chills o pangagatog ng katawan
- Sakit ng ulo
- Nausea o pagsusuka
- Pagtatae
- Pagkapagod
Kung sakali namang ma-diagnosed na may COVID-19 o lumabas na positibo sa sakit ay sumunod sa ipinapayo ng doktor. Kung wala o may hindi naman malalang sintomas ay narito ang mga dapat gawin:
- Mabuting i-isolate ang sarili at manatili sa loob ng bahay.
- Umiwas muna na makihalubilo sa ibang tao o kaya naman ay sumakay sa mga pampublikong transportasyon.
- Inumin lang ang mga gamot na inireseta sayo ng doktor. Para sa mga over-the -counter pain reliever, iwasang uminom ng mga non-steroidal anti-inflammatory drugs tulad ng ibuprofen. May mga pag-aaral na nakapagsabi na mas pinapalala nito ang COVID-19. Sa halip ay uminom ng acetaminophen tulad ng Tylenol para maibsan ang sakit at lagnat.
- Magpatuloy sa pagkain ng masusustansiyang pagkain upang mas palakasin pa ang iyong resistensya laban sa sakit.
COVID-19 and pregnancy: Ano ang dapat asahan kung mangangak at positibo sa COVID-19?
Sa oras naman ng iyong panganganak ay narito ang mga dapat asahan upang ma-proteksyonan ang iyong sanggol mula sa sakit.
- Inirerekumenda ng CDC at American Academy of Pediatrics o AAP na kayo ay agad na paghiwalayin ni baby. Ito ay upang maiwasang matalsikan o makalanghap siya ng respiratory droplets mula sa iyo na may dala ng virus. Pero huwag mag-alala dahil pareho kayong makakatanggap ng special care at treatment na kailangan.
- Kung nanaisin mo naman na makasama ang iyong anak sa isang kwarto, dapat siya ay may layong 6 feet mula sayo.
- Dahil sa hindi naman naililipat sa iyong breastmilk ang virus ay maari ka paring magpasuso. Maaring gawin ito sa pamamagitan ng pag-eexpress ng iyong gatas at saka ito ipapadede ng isang health worker sa iyong sanggol gamit ang feeding bottle. Ang health worker ay dapat nakasuot ng PPE at lahat ng gamit na gagamitin ay nalinisan o na-disinfect ng mabuti.
- Kung nanaisin mo naman na deretsong magpasuso sa iyong sanggol ay dapat kang mag-suot ng mask. At sumunod sa tamang paghuhugas ng iyong kamay at suso bago ito gawin.
- Mahalagang mabigyan ng breastmilk ang iyong newborn dahil ito ay makakatulong upang mas palakasin ang kaniyang immunity laban sa sakit.
Payo ng mga eksperto kaysa mahirapan sa maaring maging epekto ng COVID-19 sa iyong pagdadalang-tao at panganganak ay mabuting iwasan nalang mahawa ng sakit. Ito ay magagawa sa mga sumusunod na paraan:
COVID-19 and pregnancy: Paano makakaiwas sa COVID-19 habang buntis
- Huwag mag-skip o magpaliban sa iyong prenatal care appointments. Makipag-usap sa iyong doktor kung maaring gawin ito online o over-the-phone para mabawasan ang interaskyon sa ibang tao.
- Limitahan ang interaskyon sa ibang tao.
- Kung hindi maiiwasan ang interaskyon, mag-suot ng mask at panatilihin ang at least one-meter social distancing.
- Magtanong sayong doktor o health provider sa iba pang dapat gawin upang manatiling malusog habang nagbubuntis.
- Agad na ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay nakakaranas ng anumang sintomas ng sakit.
- Ugaliin ang paghuhugas ng kamay gamit ang tubig at sabon. O kaya naman ay hand sanitizer na may at least 60% alcohol.
- Iwasang hawakan ang iyong mata, ilong at bibig ng hindi pa naghuhugas ng iyong kamay.
- Umiwas sa mga taong may sakit.
- Laging maglinis at i-disinfect ang mga surfaces ng iyong bahay na palaging nahahawakan. Tulad ng phones, doorknobs, upuan, mesa at marami pang iba.
- Kumain ng masustansya at palakasin pa ang resistensya.
Source:
KidsHealth, Mass Gerenal, GMA News, UOFM Health, CDC
BASAHIN: Safe ba kumain ng balot ang mga buntis?