Kilala bilang ‘liquid gold’ ang breast milk. Ang gatas ng ina ay mayroong iba’t-ibang powerful benefits na mahalaga sa immunity at development ng isang baby.
Pero sa usapang COVID-19 naman, napag-alaman na mayroong naitutulong rin ang breastmilk sa pinagdadaanan nating pandemic ngayon.
Sa isang kaso ng isang US mother na si Michelle Agard, sinabihan siya ng kanyang doctor na itigil muna ang pagpapasuso sa kaniyang anak dahil ito ay positibo sa COVID-19.
Sample mula sa gatas ng ina
Ayon sa human milk immunologist mula Icahn school of Medicine at Mount Sinai na si Rebecca Powell, nagsagawa siya ng ilang research tungkol sa posibleng maging benepisyo ng breast milk antibodies sa pagsugo ng COVID-19.
Ipinaliwanag rin niya na “there aren’t many studies on breast milk as a potential COVID-19 treatment, let alone its benefits,”
Kasama rin niya sa pag-aaral si Michelle Agard kung saan kumuha sila ng breast milk sample sa mga COVID-19 survivors.
Lagpas ng 50 samples ng brestmilk ang nakuha nakolekta nila at nasa mahigit 800 samples ang dinala sa kanilang laboratory. Sinuguro rin niyang safe ang mga milk collection.
COVID-19 antibodies nakita sa breastmilk ng mga survivors, ayon sa research
Sa isinagawang research, nakita na mayroong COVID-19 antibodies sa nakolektang breastmilk ng 80% survivors kasama na ang nakuha kay Michelle Agard.
“Antibodies in breast milk are particularly tough compared to the ones found in blood, since they’re designed to survive an infant’s gut and respiratory tract to help block out infections.”
Ayon sa kanila, ito ay maaaring maging potential treatments sa COVID-19 “an antibody therapy that could weaken the coronavirus, or even prevent infection”.
Binigyan rin nila ng diin ang “having antibodies in breast milk does not mean it guarantees immunity against the coronavirus for children”
Dagdag pa nila na ang COVID-19 antibodies ay maaaring bumaba sa loob ng 2 months pagkatapos ng infection.
Marami rin ang natuwa sa resulta ng pag-aaral na ito na nakakita ng COVID-19 antibodies sa gatas ng ina. Ngunit nagbigay naman ng paalala ang director ng Stanford Health Communication Initiative na si Seema Yasmin.
“We’re in such early days of both the disease and the studies about antibodies in breast milk that I would worry about anybody developing a set of false sense of security about breastfeeding their child, and assuming that that child has some heightened level of protection against COVID-19.”
Kahit na kailangan pa rin ng malawak na pag-aaral sa pag-aaral na ito, nagbigay naman ito kahit papaano ng pag-asa para sa mga nanay katulad ni Michelle Agard.
“I was just really happy that [coronavirus antibodies] was in my breast milk because I know I can’t give my blood to my children, but I know that I could give them my breast milk. So I was excited about that.”
Paano nahahawa sa COVID-19?
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.
Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.
Sintomas ng COVID-19
Ito ang mga karaniwang sintomas na maaaring makita sa mga matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan. Ang sintomas ng COVID-19 sa tao ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.
- Dry cough
- Mataas na lagnat
- Panghihina
- Pananakit ng katawan
- Diarrhea
- Pananakit ng ulo
- Pagkawala ng panlasa
- Pananakit ng lalamunan
Narito ang mga seryosong sintomas na kailangang bigyang pansin. Kung sakaling maramdaman ang mga ito, agad na humanap ng medical assistance.
- Hindi makagalaw
- Hindi makapagsalita
- Hirap sa paghinga
- Pananakit ng dibdib
Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:
- Buntis
- 65 years old pataas
- Mga taong may travel history
- Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
- May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes
COVID-19 Health protocols
Ayon sa CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:
- Palaging pagsusuot ng mask
- Iwasan ang mga matataong lugar
- Iwasan ang mag-travel
- Panatilihin ang social distancing
- Palagiang paghuhugas ng kamay
- Iwasan ang paghawak sa mukha
- Maging malinis
Translated with permission from theAsianparent Singapore
BASAHIN:
EXPERTS: Pregnant moms, huwag mag-alala na mahahawa si baby sa COVID-19