Marami na ang narinig nating kaso ng mga baby na nagpositibo sa COVID-19. Ngunit dapat nga bang mangamba sa epekto ng COVID-19 sa unborn baby o mga fetus sa loob ng tyan ng isang buntis?
Epekto ng COVID-19 sa mga unborn baby
Iba’t-ibang balita na ang narinig natin tungkol sa mga unborn child na nagkaroon ng COVID-19 dahil carrier ng nasabing virus ang nanay nito. Ngunit wala pang malinaw na kasagutan kung nakuha ba ng bata ang virus bago o pagkatapos nitong mapanganak.
Ayon sa pag-aaral, ang mga buntis ay nakakaranas ng physiologic o immunologic na pagbabago sa kani-kanilang katawan. Dahil dito, ang kanilang mga katawan ay mas nagiging lapitin at delikado sa mga infections o virus katulad ng COVID-19.
Pero sa ngayon, wala pang nakakapagtuturo ng sapat at konkretong dahilan para masabing mataas ang risk factor nila sa nasabing virus. Ngunit kung ihahalintulad ito sa SARS at MERS ay may naitalang may mga pregnant mom ang nakaranas ng pregnancy loss tulad ng miscarriage at stillbirth ng madapuan ng virus dati. May ilang pag-aaral rin na inaapektuhan ng COVID-19 ang placenta ng isang buntis.
Epekto ng COVID-19 sa unborn baby | Image from Unsplash
Transmission ng COVID-19 sa mga unborn baby
Kinumpirma ng mga eksperto na ang transmission ng COVID-19 sa mga unborn baby mula sa kanilang nanay na positibo sa nasabing virus ay bihira lamang kung sakaling mangyayari.
Ayon sa professor ng maternal and child population health sa Britain’s Oxford University na si Marian Knight, ang pag-aaral na isinagawa sa transmission ng COVID-19 sa mga unborn babies ay hindi kailangang ikabahala ng mga buntis na nanay.
Ito ay dahil sa mga nanganak na buntis na positibo sa COVID-19, halos 1-2% lang ang nabalitang napasa ang nasabing virus sa kanilang anak. Wala pang matibay na ebidensya na maaaring maipasa ang COVID-19 sa baby sa pamamagitan ng placenta ng ina.
“Among the many thousands of babies born to mothers with SARS-CoV-2 infection, a very few have been reported to also have a positive test, around 1-2%.”
Sang-ayon rin ang obstetrics professor ng King’s College London na si Andrew Shennan dito. Ayon sa kanya, bihira lang ang transmission ng COVID-19 sa mga unborn child sa sinapupunan ng mga positibong nanay sa COVID-19.
“Women can remain reassured that pregnancy is not a significant risk factor for them or their babies with COVID-19.”
Epekto ng COVID-19 sa unborn baby | Image from Unsplash
Paano nahahawa sa COVID-19?
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.
Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.
Sintomas ng COVID-19
Ito ang mga karaniwang sintomas na maaaring makita sa mga matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan. Ang sintomas ng COVID-19 sa tao ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.
- Dry cough
- Mataas na lagnat
- Panghihina
- Pananakit ng katawan
- Diarrhea
- Pananakit ng ulo
- Pagkawala ng panlasa
- Pananakit ng lalamunan
Narito ang mga seryosong sintomas na kailangang bigyang pansin. Kung sakaling maramdaman ang mga ito, agad na humanap ng medical assistance.
- Hindi makagalaw
- Hindi makapagsalita
- Hirap sa paghinga
- Pananakit ng dibdib
Epekto ng COVID-19 sa unborn baby | Image from Freepik
Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:
- Buntis
- 65 years old pataas
- Mga taong may travel history
- Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
- May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes
COVID-19 Health protocols
Ayon sa CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:
- Palaging pagsusuot ng mask
- Iwasan ang mga matataong lugar
- Iwasan ang mag-travel
- Panatilihin ang social distancing
- Palagiang paghuhugas ng kamay
- Iwasan ang paghawak sa mukha
- Maging malinis
Source:
Gulfnews
BASAHIN:
COVID-19 bihirang maipasa sa baby habang buntis, ayon sa pag-aaral
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!