Hindi makapaniwala si Isaiah Garcia at ng kapatid nito sa death ng kanilang magulang dahil sa COVID-19. Desidido naman ang mga kamag-anak nito na kupkupin sila.
Magkapatid, naulila nang mamatay ang mga magulang dahil sa COVID-19
Ang kamatayan ay parte ng buhay ng isang tao. Ngunit sa panahon at pagsubok na pinagdadaanan natin ngayon, halos lahat ay namamatay mag-isa.
Si Isaiah Garcia ay isang 14 years old na batang taga Texas. Siya at ang kaniyang kapatid ay hindi pa rin makapaniwala sa biglaang pagkamatay ng kanilang mga magulang dahil sa virus na COVID-19.
Unang namatay ang nanay ng dalawang magkapatid. Ngunit pagkatapos ng dalawang linggo, sumunod na namatay ang tatay nito.
Ibinahagi ni Isaiah ang kaniyang nararamdaman. Ayon sa bata, hindi man lang siya nakapagpaalam ng maayos sa kanilang mga magulang.
“I didn’t get to say goodbye to my mom or my dad now, and that’s what hurt me the most right now.”
Ang tatay ng magkapatid ay nagpapagaling sa virus nang ito ay naospital dahil sa problema sa kidney. Ngunit pagkatapos ng ilang araw, ito ay napagalamang hindi na makausap at tuluyang namatay. Habang ang nanay naman ng magkapatid ay mabilis na namatay ng araw rin kung kailan siya na-confine.
Dahil namatay ang mga magulang ng magkapatid, handa namang kupkupin ni Jacob Mendoza, tito ng mga bata.
“I love them with all my heart and I know this is what their parents would’ve wanted was for me take them in.”
Ang dalawang magulang ay may current medical condition nang sila ay magkaroon ng COVID-19. Dahil sa virus, dito lumalala ang kanilang kaso at tuluyang namatay.
Ayon sa isang kamaganak nila,
“Dying now is more tragic than it was before because you die alone. You die alone, without your family members.”
Paano nahahawa sa COVID-19?
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.
Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.
Sintomas ng COVID-19
Ito ang mga karaniwang sintomas na maaaring makita sa mga matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan. Ang sintomas ng COVID-19 sa tao ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.
- Dry cough
- Mataas na lagnat
- Panghihina
- Pananakit ng katawan
- Diarrhea
- Pananakit ng ulo
- Pagkawala ng panlasa
- Pananakit ng lalamunan
Narito ang mga seryosong sintomas na kailangang bigyang pansin. Kung sakaling maramdaman ang mga ito, agad na humanap ng medical assistance.
- Hindi makagalaw
- Hindi makapagsalita
- Hirap sa paghinga
- Pananakit ng dibdib
Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:
- Buntis
- 65 years old pataas
- Mga taong may travel history
- Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
- May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes
COVID-19 Health protocols
Ayon sa CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:
- Palaging pagsusuot ng mask
- Iwasan ang mga matataong lugar
- Iwasan ang mag-travel
- Panatilihin ang social distancing
- Palagiang paghuhugas ng kamay
- Iwasan ang paghawak sa mukha
- Maging malinis
Source:
BASAHIN:
STUDY: Mas mataas ang chance na magkaroon ng COVID-19 sa bahay
NCR maaaring bumalik sa MECQ kapag umabot ng 85k ang kaso ng COVID-19, ayon sa Palasyo