NCR COVID-19 quarantine status posible kung aabot sa 85k ang positibong kaso ng sakit sa bansa sa pagtatapos ng buwan ng Hulyo. Ito ay ayon sa pahayag ng Malacañang.
NCR COVID-19 quarantine status
Ayon sa pinaka-latest na pahayag ng Malacañang posibleng malagay sa MECQ o Modified Enhanced Community Quarantine ang NCR kung aabot sa 85,000 ang bilang ng kaso ng sakit ng COVID-19 sa bansa sa pagtatapos ng buwan ng Hulyo. Ito ay base sa prediksyon ng pinakabagong pag-aaral na ginawa ng University of the Philippines at University of Santo Tomas
Kaso ng COVID-19 maaring umabot sa 85,000 bago matapos ang buwan
Pahayag ng mga researchers ng pag-aaral, maaring umabot sa 85,000 ang bilang ng kaso ng sakit sa bansa base sa R naught o ipinapakitang reproduction rate ng virus. Dahil nitong mga nakaraang linggo ay naitalang mas tumaas ang reproduction rate ng COVID-19 virus sa bansa. Dagdag pa nila, sa pagtatapos ng buwan, ay maari ring umabot na sa 2,000 ang bilang ng masasawi dahil sa sakit.
Paliwanag ni UP OCTA Fellow Professor Guido David mula sa naitalang 1.28 reproduction rate ng COVID-19 virus noong Hunyo ay umakyat ito sa 1.75 nitong mga nakaraang linggo. Bagamat maliit kung titingnan ang diperensya, ito daw ay katumbas ng libo-libong kaso ng sakit.
“It may seem like 0.3, 0.4 pero (but) this could cause change of tens of thousands of cases.”
Ito ang pahayag ni David.
Dagdag pa niya ang pangunahing dahilan ng biglaang pagtaas ng reproduction rate ng virus ay dahil sa community transmission. Karamihan nga sa naitalang kaso ng community transmission ay sa NCR na epicenter ng COVID-19 outbreak sa bansa.
“The main factor is increased transmission, community transmission in NCR. And also some new hotspots, emerging hotspots like parts of CALABARZON nagiging hotspots ulit sa Leyte, nagiging hotspots. NCR is the main driver of this”, sabi pa ni David.
Mula nga sa kanilang prediksyon sinasabi rin ng kaniyang grupo na posibleng malagay sa MECQ o Modified Enhanced Community Quarantine ang NCR COVID-19 quarantine status kung ito ay magkakatotoo.
NCR COVID-19 quarantine status: Pahayag ng palasyo ng Malacañang
Sinang-ayunan naman ng palasyo ng Malacañang ang pahayag na ito ni David ukol sa posibleng NCR COVID-19 quarantine status.
Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque possible nga itong mangyari. Ngunit hinihiling niya na sana ay hindi magkakatotoo. Lalo pa’t kailangang manumbalik sa ayos ang ating ekonomiya at magbalik-trabaho na ang mga Pilipino.
“That’s a distinct possibility, although it’s a possibility that I wish would not happen because we all know that while we have to contain the disease, we also need to re-start our livelihoods.”
Ito ang pahayag ni Roque. Dagdag pa niya, nasa punto na kasi tayo ngayon na hindi na maaring mag-shut down pa ang ating ekonomiya. Kaya sana ay hindi magkatotoo ang prediksyon para hindi na natin kailangan pa itong gawin.
“We’ve come to a very crucial point where I think the economy can no longer afford to be shut down anew. But if we have to and there’s no alternative, we need to do it”, pahayag pa ni Roque.
Paano ito maiiwasang mangyari?
Pero ayon parin kay Roque, malaki ang kumpyansa niya sa mga Pilipino. At isang malinaw na paalala ito na dapat ay alagaan ang kalusugan. Sumunod sa mga alintutunin at safety protocols laban sa COVID-19 upang maiwasang mangyari ito.
“I’m confident that Filipinos will actually cooperate to an even greater degree than they have shown.”
“It shows Filipinos cooperate when they have to and I think the message has been well-received by Filipinos that we need to really take care of our health so we can proceed and pursue our livelihood anew.”
Ito ang dagdag pang pahayag ni Roque.
Kaya naman maliban sa pagsusuot ng mask at pagsunod sa iba pang health guidelines, hinihikayat niya rin ang mga mild asymptomatic cases ng COVID-19 na boluntaryong magpa-quarantine. Ito ay isinasagawa sa mga government facilities sa ilalim ng programang Oplan Kalinga.
“I personally believe that one of the things that will change the situation now is the asymptomatics and the mild ones will voluntarily quarantine themselves in government facilities.”
Ito ang pahayag pa ni Roque.
Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas
Sa kasulukuyan, base sa pinakalatest na statistics ng Department of Health ay umabot na sa 72,269 ang bilang ng positibong kaso ng sakit sa bansa. Nasa 971 na bagong kaso ang mula sa NCR, 252 mula sa Cebu. Nasa 53 mula sa Zamboanga del Sur, 35 sa Negros Occidental at 26 mula Rizal. Umabot naman na sa 1,843 ang naitalang nasawi sa sakit. Habang 23,623 na Pilipino na ang tuluyang naka-recover at gumaling.
Sources:
CNN, World Meters, Inquirer, DOH
Basahin:
STUDY: Mas mataas ang chance na magkaroon ng COVID-19 sa bahay
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!