COVID 19 frozen food facts: Does COVID 19 stay on frozen foods? Narito ang sagot ng mga eksperto at paano maproprotektahan mula rito ang pamilya mo.
Frozen seafoods na-contaminated ng COVID-19 virus sa China
Base sa latest na report mula sa China, may natagpuan na namang traces ng COVID-19 virus sa packaging ng frozen seafood na kanilang inaangkat mula sa ibang bansa. Ito ay ayon mismo sa pahayag ng local government unit ng Dalian, China na kung saan na-diskubre ang frozen seafood na nagtataglay ng virus.
Ang virus ay natagpuan umano sa outer packaging ng isa sa frozen seafood products na papunta sana sa Yantai, China.
Hindi naman nagbigay ng malinaw na detalye ang Yantai City government sa kung saan nagmula ang mga nasabing produkto. Pero ayon sa kanila, ang mga ito ay inorder at binili ng tatlong kompanya mula sa kanilang siyudad. Ang iba sa mga ito ay kanilang pino-proseso for export. Habang ang iba ay itinatago sa cold storage at hindi pa umano nailalabas sa merkado.
Sa ngayon, lahat ng produkto na kasama ng frozen seafood packaging na natataglay ng COVID-19 virus ay nasabat na. Naka-quarantine narin ang mga taong nagkaroon ng contact sa mga nasabing produkto. Bagamat sila ay lumabas ng negatibo sa impeksyon ng coronavirus disease.
Iba pang frozen products na natuklasang nagtataglay ng COVID-19 virus
Hindi ito ang unang pagkakataon na nakitaan ng COVID-19 virus ang mga frozen foods na inangkat umano papasok sa China. Matatandaang una ng naibalita nitong Hunyo ang pagkakadiskubre ng COVID-19 virus sa sangkalan o chopping board na ginamit sa paghiwa ng mga imported frozen salmon sa isang palengke sa Beijing.
Nasundan pa ito nitong Hulyo ng isa pang balita na may traces rin ng COVID-19 na natagpuan sa packaging ng imported frozen shrimp na inangkat ng Dalian, China mula sa Ecuador. Kaya naman dahil dito ay kasalukuyang sinuspende ng China ang pag-iimport ng mga frozen shrimp products mula sa nasabing bansa.
Dahil sa mga balitang ito ay nabuo na naman ang isang tanong sa nakararami. Does COVID 19 stay on frozen foods? Narito ang sagot ng mga eksperto. Dagdag pa ang COVID 19 frozen food facts and tips para sa kaligtasan ng pamilya mo mula sa kumakalat na virus.
Does COVID 19 stay on frozen foods?
Sa ngayon, ayon sa mga eksperto ay nanatili paring limitado ang mga konkretong impormasyon tungkol sa pagkalat ng COVID-19 sa pamamagitan ng mga frozen foods. Ngunit hindi naman daw kaila sa ating kaalaman na ang virus ay kayang mag-survive at kumakapit sa mga surfaces na nahahawakan ng mga tao.
Ayon nga kay, Wu Zunyou, chief epidemiologist sa CDC China, ang COVID-19 virus ay kayang magtagal sa surface ng frozen food hanggang sa tatlong buwan. Pero mababa umano ang tiyansa na maiinfect nito ang taong kakain nito.
Para naman kay Eyal Leshem, mas mataas ang tiyansa na ma-infect ng virus ang mga kitchen worker o tagapagluto na unang nagkakaroon ng contact sa mga frozen food packaging na contaminated ng virus.
Si Leshem ay director ng Center for Travel Medicine and Tropical Diseases sa Sheba Medical Center sa Israel.
COVID 19 frozen food facts
Sinagot naman ng deretso ni Dale Fisher, isang disease expert mula sa Singapore ang tanong tungkol sa COVID 19 frozen food contamination. Ayon sa kaniya, ang pinaka-mahusay na paraan ng pag-istore ng virus ay ang pag-frefreeze nito. Sa kaso ng COVID-19, ito ang pinaniniwalaang teorya kung bakit mas nakakahawa ito umano tuwing winter o tag-lamig.
“If we want to store virus, we freeze it. So, if virus is packed with frozen product then it would survive. We normally talk about less than a week, but we know that the colder it is, the longer it will last. That’s part of the theory around why the virus is more contagious in winter.”
“So, you bring the surface down in a refrigeration unit, tied to the fact that we know there has been outbreaks in meatpacking plants etc,. It is possible.”
Ito ang pahayag ni Fisher.
Ang pahayag na ito ni Fisher ay sinuportahan naman ng microbiologist na si Dr. Siouxsie Wiles. Ayon sa kaniya, ang freezing at refrigeration ay nakakapag-slow down ng growth ng bacteria para maiwasan ang food-borne diseases. Ngunit sa kaso ng COVID-19 ay iba ang nagagawa nito. Hindi nito napapatay ang virus, sa halip ay na-prepreserve pa ito.
Tips para masigurong COVID-free ang mga frozen food products
Kaya naman payo niya, hugasang mabuti ng tubig at sabon ang surfaces ng mga frozen food products na binibili sa mga palengke at grocery. O kaya naman ay i-disinfect ito bago ilagay sa inyong freezer o lutuin.
Ayon naman sa CDC, dapat ay siguraduhing lutuin ang mga pagkain sa tamang init o temperatura. Lalo na ang mga karne upang masigurong mapapatay ang mga harmful germs na taglay nito.
Lagi ring maghugas ng kamay. Mainam rin ang pagsusuot ng gloves sa tuwing namamalengke upang agad na mahuhubad ito pagkatapos mamili. At maiiwasan ang iyong mga kamay na humawak sa iyong mukha na pangunahing paraan upang makapasok ang virus sa iyong katawan.
Source:
CDC, Healthy Food
BASAHIN:
Tips para maiwasan ang COVID-19 kapag nag grocery, ayon sa doktor
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!