Tanong ng mga soon-to-be moms, mandatory ba ang COVID test bago manganak? Ano naman ang COVID-19 rapid test price Philippines?
COVID-19 rapid test price Philippines
Dahil sa risk ng COVID, kahit ang panganganak ay kailangang sumunod sa mga bagong protocol ng mga ospital. Isa na rito ay ang pagpapa-COVID test bago manganak.
Image from Freepik
Sa isang Facebook group conversation, nakalap namin ang experience ng iba’t ibang mommies.
Ang price range ay nasa 5k-10k pesos
Depende kung swab o rapid test ang gagawin, umaabot daw ng 5 hanggang 10 thousand pesos ang COVID testing dahil kasama rito ang doctor’s fee. Mayroon namang mga testing centers na nag-o-offer ng rapid testing na umaabot lang ng 1,500 hanggang 3,000 pesos.
Mayroong mga ospital na nag-a-allow ng COVID test result mula sa ibang test center
Kung masyadong mahal sa ospital kung saan ka manganganak, mayroon daw mga ospital na pumapayag na magpa-test ka na muna sa ibang ospital bago manganak. Upang malaman, maaaring tanungin din ang iyong OB-Gyn tungkol dito.
Kung hindi magpapa-test ay mas mapapamahal dahil sa PPEs
Mayroon namang mommy na naabisuhan ng kanyang doktor na kung hindi magpapa-COVID test ay mas mapapamahal. Ito ay dahil ituturing ka na PUI o Person Under Investigation at si baby. Dahil dito gagamit ng extra PPEs o Personal Protective Equipment ang mga mag-a-assist sa inyo. Kaya naman inaabisuhan na lang ang mga manganganak na magpa-COVID test.
Hindi puwede na may kasama, pero maaari itong pakiusapan basta’t negative din sa COVID test
Kung nais mong isama ang iyong asawa o kamag-anak sa delivery room, mayroon namang mga ospital na pumapayag. Ngunit mandatory din na magpa-test sila bago mapayagan.
Magkano ang inaabot ng panganganak ngayon?
Image from Freepik
Ayon sa isinagawang survey ng TheAsianParent Philippines, ang price range ng panganganak ngayong 2020 sa public at private hospitals — normal man o cesarian ay umaabot ng 8,000 pesos hanggang 150,000.
Narito ang breakdown nito:
Public Hospital (Normal Delivery)
Para sa normal delivery sa isang public hospital, maaaring maghanda ng 2,000 hanggang 20,000 pesos. Marami rin ang nagsabi na nanganak sila sa private hospital ngunit walang binayaran. Ito ay dahil sa ibang inapplyan nila na discount katulad ng Philhealth.
Public Hospital (Cesarian Delivery)
Umaabot naman ang panganganak sa public hospital ng CS delivery mula 7,000 pesos hanggang 21,000 pesos. Naka-depende rin ang magiging bill kung sila ay may in-applyan na discount katulad ng Philhealth.
Private Hospital (Normal Delivery)
Nasa 20,000 pesos hanggang 70,000 pesos naman ang inaabot ng panganganak ng mga nanay sa private hospital via normal delivery ngayong taon. Nababawasan rin ang kanilang bayarin kung may Philhealth sila na magagamit.
Private Hospital (Cesarian Delivery)
Nasa 50,000 pesos hanggang 150,000 pesos naman ang inaabot ng panganganak ng mga nanay sa private hospital via cesarian delivery ngayong taon. May kalakihan ito ngunit nababawasan rin depende sa dami ng kanilang kinakakailangan sa ospital. May iba rin na nawasan ang kanilang bill dahil sa Philhealth.
Lying-in
Bukod sa hospital, may ibang nanay rin na piniling manganak sa labas ng ospital. Ayon sa kanila, mas mura kasi rito at hindi mabigat sa bulsa. Umaabot ng 800 pesos hanggang 13,000 pesos ang panganganak sa Lying-in.
Dahil sa mga dagdag na fees at mga protocols na sinusunod ng mga ospital, marami talaga sa mga soon-to-be moms ang naii-stress. Kung ito ang struggle mo, maari ka ring mag-apply ng mga loans katulad ng mga sumusunod.
Paano mag-apply para sa Philhealth maternity benefits
Para mag-apply sa Philhealth maternity benefits, kailangan mo munang i-submit ang iyong updated PhilHealth Member Data Record at Claim Form sa PhilHealth.
Puwede mo rin itong i-check gamit ang site na ito upang hindi mo na kailanganing pumunta sa PhilHealth office.
Madalas ay kinakailangan din ang ilang dokumento katulad ng official receipts, marriage certificates at proof ng Identification. Ito ay ilang mga supporting documents lamang. Ihanda na lamang ito upang maging mabilis ang proseso.
Tandaan na kailangan ding matapos ang proseso nito 60 days pagkatapos mong ma-discharge sa ospital.
Requirements para sa Philhealth maternity benefits
Image from Freepik
Upang makakuha ng Philhealth maternity benefits, kailangan ng member na makuha ang mga sumusunod na number ng contributions.
1. Para sa mga employed, kailangan ng kahit tatlong buwan na contribution na nakapaloob sa 6 months mula sa araw na mag-a-avail.
2. Para naman sa mga Individually Paying members, kailangan ng 9 buwan na contribution na pasok sa 12 months mula sa araw na magfa-file.
3. Para sa mga OFW at sponsored members, maari mong magamit ang benefit na ito basta’t pasok sa date ng membership validity period.
Ngayong mahirap at mas mahal manganak, kailangan ay handa lang kayo ni mister upang maiwasan ang stress. Sumunod din sa mga protocols ng ospital at ng iyong doktor upang maging safe ang delivery kay baby!
Source:
Pregnant in the Philippines FB Group
Basahin:
Ready ka na ba manganak? You need at least P108,000 according to study
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!