Karne at seafood sa palengke sa China contaminated ng COVID-19

Health officials nagbigay paalala na huwag na munang kumain ng mga hilaw na isda sa ngayon. At siguraduhing maluluto ng maayos ang mga pagkaing kinakain.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

COVID-19 sa karne at seafood tinitingnang dahilan kung bakit nagkaroon ng outbreak ng sakit sa Beijing. Ang sakit kasalukuyan ng naka-infect ng 158 katao at itinuturing ng 2nd wave ng outbreak sa bansang China.

COVID-19 sa karne at seafood

Nitong nakaraang linggo ay nai-report ang pagkakaroon ng COVID-19 outbreak sa Beijing, China. Ito ay matapos lumabas na positive ang swab test results ng higit sa 100 tao sa sakit. At ng i-trace ang pagkakapareho ng mga kaso, ang mga ito ay nagpunta sa the Xinfadi market. Ito ang pinakamalaking wholesale market sa Beijing na kung saan nagmumula ang 80% ng fresh produce ng siyudad. Itinurturing rin itong pinakamalaking wholesale market ng agricultural products sa buong Asya. At tinatayang nasa 40,000 tonelada ng gulay at prutas ang itinitinda dito araw-araw.

Image from DailyMail UK

Ayon sa preliminary investigation na ginawa sa posibleng pinagmulan ng virus, itinuturong ito ay maaring nagmula umano sa mga isdang salmon na ini-import mula sa Europe. Lalo pa’t lumabas rin na ang mga chopping board na ginagamit sa pagtatadtad ng imported na isda ay kontaminado ng COVID-19 virus. Ngunit ayon sa mga eksperto ito ay imposibleng mangyari. Dahil base sa isang pag-aaral na ginawa ng University College London tanging ang mga tao at mammals lang na hayop ang maaring ma-infect ng virus. Hindi kabilang rito ang mga isda, reptiles at birds.

Sinuportahan naman ito ng isang pag-aaral na nailathala sa journal na Asian Fisheries Sciences na ang COVID-19 ay dulot ng isang uri ng betacoronavirus na mammals lang ang nai-infect. At ito ay tumatama sa respiratory system na hindi taglay ng mga isda. Kaya naman imposible umanong kumalat ang virus dahil sa isda. Kung ito rin ay totoo dapat sana ang iba pang mga bansang nag-import ng isda mula Europe ay nagkaroon na rin ng outbreak sa kanilang lugar.

Dahilan ng pagkalat ng sakit

Image from DailyMail UK

Kaya naman dagdag na pahayag ng mga eksperto ang pagkalat ng sakit sa Xinfadi market sa Beijing ay maaring dahil sa person-to-person transmission. Ito ay maaring nangyari dahil sa isang asymptomatic na COVID-19 positive ang nagpunta rin sa pamilihan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“The infected person who brought the virus into the market might be asymptomatic or have very mild symptoms, and the hustle and bustle of the market led to the cluster of new infections.”

Ito ang pahayag ni Wu Zunyou, chief epidemiologist ng CDC sa China.

Dagdag pa niya possible rin umano na ang COVID-19 sa karne at seafood ay dahil sa workers na nag-process at nag-transport ng mga ito. Maaring mayroon sa kanilang positibo sa sakit dahilan upang ma-contaminate o mailipat ang mga virus sa produkto. At saka mabilis itong kumalat sa pamilihan dahil sa low temperature at high humidity ng lugar na favourable para mag-survive ang virus.

Dahil sa nangyari lahat ng nagpunta sa sinabing pamilihan mula noong May 30 ay pinayuhang mag-home quarantine ng 14 araw. Sila rin ay isinailalim sa COVID-19 test ng dalawang beses.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isinara narin muna ang mga boarder ng Beijing na mayroong kumpirmado at pinaghihinalaang kaso ng sakit. Hindi narin muna pinapayagang makapasok sa siyudad ang mga dayuhan. Habang ang mga foreign diplomats naman na nagmula sa ibang bansa ay istriktong inilalagay sa 2 weeks isolation sa kanilang bahay.

Paalala naman ng mga health official mas mabuting umiwas rin muna sa pagkain ng mga hilaw na isda at karne. Dahil mataas ang tiyansang ma-contaminate at mag-survive rito ang virus na nagdudulot ng sakit.

COVID-19 sa pagkain, paano maiiwasan?

Para maiwasan rin ang COVID-19 sa pagkain ay dapat sa pamimili palang ay alam na ang dapat gawin.

Ayon sa physician na si Dr. Jeffrey VanWingen mula Michigan magagawa ito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng sterile technique. Ito ang technique na ginagawa ng mga healthcare workers upang masigurong malinis ang isang equipment o area na gagamitin bago magsagawa ng surgery o iba pang medical procedure.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Sa pagkain at groceries na pinamili, ito ay magagawa sa sumusunod na paraan:

1. Huwag na munang ipapasok sa loob ng inyong bahay ang iyong pinamili.

Ang unang paraan para mai-apply ito sa groceries na ating pinamili ay ang hindi muna pagpapasok sa mga ito sa loob ng bahay ng tatlong araw hangga’t maari. Kung pupwede at wala namang mabubulok sa pinamili ay iwan muna ito sa garahe o iyong kotse.

2. I-disinfect ang mga groceries na pinamili.

Kapag naman kailangan ng ipasok sa loob ng inyong bahay ang groceries ay i-disinfect ito. Lalo na ang mga pagkaing naka-package sa loob ng plastic at karton na pwedeng punasan muna ng disinfectant wipes bago ihanda o i-store sa loob ng refrigerator.

3. Magkaroon ng dirty at clean area sa pag-didisinfect ng iyong pinamili.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Simulan ang pag-didisinfect ng iyong pinamili sa pagkakaroon ng clean at dirty area sa iyong mesa. Sa ginawang pagsasalarawan ni Dr. VanWingen ay hinati niya sa clean at dirty area ang kaniyang mesa gamit ang isang blue tape. Sa dirty area niya ipinatong ang groceries na kaniyang pinamili, at saka niya ito inililipat sa clean area kapag na-disinfect na.

Sa pag-didisinfect ay gumamit si Dr. VanWingen ng simple disinfectant na kayang patayin ang human coronavirus tulad ng Lysol. Naglagay siya nito sa isang sanitizing towel na kaniyang gagamiting pamunas sa mga groceries na pinamali. Paalala niya dapat siguraduhing basa ng disinfectant ang towel na gagamiting pamunas sa mga groceries para masigurong mapatay nito ang germs at virus. Saka punasan ng isa-isa ang mga mga ito tulad ng mga pagkaing may plastic na packaging.

Ayon kay Dr. VanWingen mas makakasiguro kang ligtas ang iyong pinamili kung aalisin ito sa balot o packaging at saka ilipat sa malinis na container o lalagyan. Tulad ng mga pagkaing nasa loob ng karton o cardboard. Ngunit siguraduhin lang na sa paglilipat ng mga ito sa lalagyan ay hindi mo ito mahahawakan.

4. Hugasan ang prutas at gulay sa soapy water.

Para naman sa mga fresh produce tulad ng prutas, gulay, isda at karne ay iminumungkahi ni Benjamin Chapman, isang professor at food safety specialist sa North Carolina State University, nahugasan ang mga ito sa cold running water. Saka lutuing mabuti upang mapatay ang virus at germs na tinataglay nito.

Hangga’t maari ang paghuhugas ay gawin habang nakasuot ng disposable gloves. At siguraduhing maghuhugas at mag-didisinfect ng iyong kamay at katawan. Pati na ang lugar o paligid na pinaglagyan mo ng mga fresh produce at iba pang grocery items na iyong pinamili.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

5. Initin ang mga pagkaing ipina-deliver bago kainin.

Pagdating sa mga pagkain o delivered foods, iminungkahi naman ni Dr. VanWingen na tanggalin rin ang packaging nito at ilipat sa malinis na container. Saka ito initin sa microwave para makasigurado.

Kung maari ay mas mabuti raw na mag-order ng mga hot foods kaysa sa malalamig na pagkain. Dahil ayon kay Dr. VanWingen ay maaring magtagal ang virus sa isang frozen environment ng hanggang sa 2 taon depende sa temperature o level ng lamig na kinalalagyan nito.

Paalala sa pamimili

Sa pamimili ay may mga paalala ring ibinahagi si Dr. VanWingen para ma-proteksyonan ka mula sa sakit. Ang mga ito ay ang sumusunod:

  • Punasan ng disinfectant wipes ang iyong kart lalo na ang handle nito.
  • Mag-commit sa item na iyong binibili o pag-isipan muna kung dapat bang bilhin ang isang grocery item bago ito damputin at ilagay sa iyong kart.
  • Planuhin ang mga dapat mong bilhin na sapat o magkakasya sa loob ng dalawang linggo.
  • I-minimize o gawing mas maikli ang iyong oras sa pamimili kung maari.

 

Source:

GMA News, NDTV, Inquirer

Basahin:

Bihirang makahawa ang mga asymptomatic na may COVID-19, ayon sa WHO