Sa gitna ng COVID-19 pandemic, palaisipan kung may epekto ba ang mainit na temperatura sa dahan-dahang pagpuksa sa virus na ito. Ano nga ba ang mangyayari sa COVID-19 sa mainit na panahon?
Ang flu season ay unti-unting humuhupa pagdating ng buwan ng April at March, kaya’t marami ang nagsasabi na baka sakaling humupa rin ang malawakang pagkalat ng novel coronavirus sa mga buwang ito. Ilan sa mga world leaders, kasama na si U.S. President Donald Trump, ang nagsabing makatutulong ang warm summer temperatures sa pag-bagal ng COVID-19 spread.
Mamamatay ba ang COVID-19 sa mainit na panahon?
Image from Freepik
Myth 1: Isa sa mga batayan ng claim na ito ay noong 2003, humupa and SARS (isang subgroup ng coronavirus) noong uminit ang panahon.
Napuksa ang Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) dahil sa malawakang public health interventions ng mainland Chinese cities, Hong Kong, Vietnam, Canada, at iba pang bansa.
Kasama sa intervention ang pag-isolate sa mga pasyenteng may SARS, pag-quarantine sa kanilang mga nakasalamuha, social distancing o ang pag-limit ng distansiya sa ibang tao para maka-iwas sa transmission, at iba pa.
Myth 2: Tulad ng sipon, ang coronavirus ay seasonal—mabagal ang pagkalat sa tag-init.
Ang sipon ay madalas kumalat tuwing tag-lamig at tag-sibol, samantalang ang influenza naman ay tuwing tag-lamig. Makikita ang pagsalin ng virus na katulad ng sipon at trangkaso—tuwing lumalapit sa taong may sakit at mula sa droplets ng ubo o bahing nila.
Bagamat parehong respiratory infections ang coronavirus at trangkaso, hindi pa sapat ang ating kaalaman tungkol sa COVID-19 para sabihing ito’y may seasonal patterns din. Ayon kay Dr. Nancy Messionnier ng Centers for Disease Control and Prevention, masyado pang maaga para ipagpalagay ito.
Para lubhang maintindihan ang COVID-19 outbreak, tinignan ng mga scientists ang outbreaks tulad ng Middle East Respiratory Syndrome (MERS) at SARS. Naitalang 90% ng DNA ng SARS at COVID-19 ay pareho.
Nagsimula ang SARS outbreak noong November 2002 at nagtagal hanggang July 2003, kung kaya’t may hiwatig ng seasonality. Samantalang sa MERS ay walang nakitang bahing ng seasonality ang mga scientists. Dahil dito, hindi sapat ang ebidensya ukol sa seasonality ng COVID-19 para makumpirma kung magbabago depende sa panahon.
Know how it spreads
Image from Freepik
Sa kasalukayan, almost 400,000 na ang naitalang COVID-19 cases sa buong mundo; nasa 500 mahigit naman nito ay nasa Pilipinas. Mahalagang alam mo kung paano kumakalat ang virus para maiwasang mahawaan nang may sakit.
Ang COVID-19 ay kumakalat sa pamamagitan ng person-to-person contact. Ibig sabihin, maaaring mahahawaan ka kapag malapit ka sa isang taong infected na umubo o bumahing. Ang respiratory droplets ay maaaring maipasa sa bibig at ilong ng mga malalapit na tao at malanghap sa baga.
How to protect yourself against COVID-19
Image from Freepik
Para manatiling ligtas sa gitna ng pagkalat ng COVID-19 sa Pilipinas, importanteng maging alerto kung paano makaiiwas dito. Narito ang mga dapat mong gawin para protektahan ang iyong sarili:
- Wash your hands gamit ang sabon at tubig ng 20 segundo, lalo na kapag galing sa pampublikong lugar o pagkatapos suminga, umubo, bumahing, o gumamit ng banyo.
- Gumamit ng sanitizer or alcohol na may at least 60% alcohol. Siguraduhing linisin ang kamay hanggang matuyo ang alcohol.
- Iwasang hawakan ang mga mata, ilong, at bibig hangga’t hindi naghuhugas ng kamay.
- Iwasan ang paglapit sa mga may sakit.
- Idistansiya ang sarili sa ibang tao (social distancing) kung ang COVID-19 ay kumalat na sa inyong baranggay
- Linisin at i-disinfect ang mga hinahawakang bagay araw-araw gamit ang detergent, sabon, alchohol solution, o anumang disinfectant spray o wipes. Kasama na dito ang doorknobs, lamesa, light switches, telepono at cellphone, keyboards, gripo, countertops, at iba pa.
Sa kasalukuyan, wala pang bakuna laban sa COVID-19. Hangga’t maari, manatili na lamang sa loob ng bahay at huwag nang lumabas para kumain o mamasyal, lalo na kung ikaw ay may sakit. Tumutok sa balita para sa latest updates ukol sa COVID-19. I-follow ang mga ito para sa iba pang impormasyon:
- DOH Facebook page
- DOH’s COVID-19 Tracker
- Philstar updates on COVID-19
Source:
MJ Fernandez, Corporate Communications and Publicity
https://www.makatimed.net.ph
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!