COVID-19 nakita sa semen ng mga lalaking nag-positibo sa sakit

Nakita sa isang pag-aaral sa China na may COVID-19 sa semen ng lalaki kahit na ito ay pagaling na. Paano ito nangyari at ano ang explanation dito?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Halos apat na buwan na simula nang may mag positibo sa COVID-19 dito ating bansa. Mabilis ang pagkalat nito at sa ngayon, umakyat na nga sa halos 10,000 ang mga positibong kaso ng nasabing virus dito sa Pilipinas. Sa pagdaan ng mga araw ay naging mas malalim pa ang bawat pag-aaral ng mga doctor sa nakamamatay na virus na ito. Mas naging komplikado at malawak ito. At ngayon nga, nakita sa isang pag-aaral na may COVID-19 sa semen ng lalaki. Paano ito nangyari at ano ang explanation dito?

COVID-19 sa semen ng lalaki?

Sa pag-aaral tungkol sa COVID-19 sa China, napagalaman na may posibilidad na ang nasabing virus ay maaaring maipasa thru sexual intercourse.

COVID-19 sa semen ng lalaki? | Image from Freepik

Nagsagawa ang Shangqiu Municipal Hospital ng pag-aaral sa 38 male patients sa China. At dito nga nadiskubre na nag positibo sila sa COVID-19 dahil nakita ito sa semen ng anim na lalaki. Nakita rin ang virus sa semen ng ilang lalaking pagaling na. Dagdag nila na karamihan sa kanila ay nasa acute stage pa ng infection samantalang ang 9% ay pagaling pa lamang.

“If it could be proved that SARS-CoV-2 can be transmitted sexually. That might be a critical part of the prevention. Especially considering the fact that SARS-CoV-2 was detected in the semen of recovering patients.”

Ayon naman sa isang professor sa Britain’s Sheffield University na si Allan Pacey, hindi kailangang dumepende sa pag-aaral na ito. Dahil nakita na may ilang technical difficulty sa pag-aaral ng semen ng lalaki sa virus.

Ngunit dagdag nito na hindi pa rin imposible ang ganitong pagkakataon, na makita ang COVID-19 sa semen ng mga lalaki na positibo sa virus. Ito ay dahil ang mga naunang virus katulad ng Ebola at Zika ay nakita rin sa semen ng dating mga pasyente kahit ito ay gumaling na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

COVID-19 sa semen ng lalaki? | Image from Freepik

“However, we should not be surprised if the virus which causes COVID-19 is found in the semen of some men. Since this has been shown with many other viruses such as Ebola and Zika.”

Paalala naman nila na ang pag-aaral na ito ay nagsisimula pa lang. At dahil sa kaunting bilang ng kaso nila na nakita ang COVID-19 sa semen, malalim at masusing pag-susuri pa ang kanilang kailangang gawin upang mapalawak pa ito at masabing naipapasa talaga ang virus thru sexual intercourse.

“Further studies are required with respect to the detailed information about virus shedding. Survival time and concentration in semen.”

Ito paglilinaw ng chinese researchers sa pag-aaral na nakasulat sa Journal of the American Medical Association.

Paano nahahawa sa COVID-19?

Paano nga banahahawa sa COVID-19 ang mga tao? Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga common symptoms ng COVID-19 ay ang:

  • Lagnat
  • Dry cough
  • Pagkaramdam ng pagod
  • Hirap sa paghinga

May iba naman na nakakaranas ng:

  • Sore throat
  • Diarrhea
  • Runny nose
  • Nausea

COVID-19 sa semen ng lalaking pasyente? | Image from Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.

Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease katulad ng asthma. Ang iba pang kaso nito ay:

  • Buntis
  • 65 years old pataas
  • Mga taong may travel history
  • Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
  • May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes

 

 

Source:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

CNN Health

 

BASAHIN:

Babae sa QC na hindi lumabas simula ng Marso, nag-positibo sa COVID-19

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Mach Marciano