Isang ginang sa Quezon City ang nag positibo sa COVID-19 kahit ito ay hindi lumabas ng kanilang bahay simula noong Marso. Ano ba ang paliwanag dito? Alamin ang buong kwento.
Babae sa QC na hindi lumabas simula ng Marso, nag positibo sa COVID-19
Kahit doble doble na ang pag-iingat at pagsunod sa mga safety measures sa COVID-19 quarantine protocol, nag positibo pa rin ang isang staff ni Senator Risa Hontiveros sa COVID-19 kahit ito ay hindi lumabas ng bahay simula noong Marso.
Ayon sa kwento ni Jaye de la Cruz-Bekema, 40 years old at kasalukuyang chief legislative officer ni Senator Risa Hontiveros, buntis ito ng 4 months sa kanyang baby ng siya ay makunan at isinugod sa St. Luke’s Medical Center noong April 25. Matapos itong magamot, ang ginang ay isinailalim agad sa swab testing.
Ginang na hindi lumabas sa bahay nag positibo sa COVID-19 | Image from Jaye de la Cruz-Bekema
Sa kanyang Facebook post, ibinahagi niya ang kanyang naging karanasan.
“I was tested for COVID on April 25 as part of the protocol of my hospital before treating me for my miscarriage. I even told the nurse (in my desire to avoid getting a long stick up my nose lol), “I’m sure I’m negative because I never left the house since March 13 and I have had zero contact with the outside world.”
Malakas ang loob ng ginang na wala itong virus dahil aniya, hindi pa ito lumalabas ng kanilang bahay simula noong March 13. Wala siyang contact sa labas dahil nga nag iingat rin ito dahil buntis siya noon.
“My chest X-ray came out clear also. It is exactly a week from the time of the testing and still I have no symptoms. Miscarriage aside, I feel strong and normal. I don’t know what will happen to me the coming days but the fact is I’ve had seven full days of being positive with no symptoms.”
Matapos siyang makunan at sumailalim sa swab test, dito ay nakumpirmang positibo siya sa COVID-19. Hindi niya akalain na siya ay magkakaroon pa rin ng virus kahit na hindi ito lumabas ng bahay. Bukod rito, asymptomatic rin ang ginang o hindi nakitaan ng anumang sintomas ng COVID-19 kaulad ng ubo, hirap sa paghinga o lagnat.
Dagdag pa ng ginang hindi ito lumalabas ng bahay at wala siyang contact sa labas. Ang tanging lumalabas lang ng kanilang bahay ay ang asawa nito upang mag grocery. Ngunit ayon sa kanya, sinusunod pa rin naman nila ang mga safety measures tungkol rito. Katulad ng paglilinis o pag disinfect ng mga grocery pagkatapos bilhin. At ang pagpapalit o paglilinis agad ng katawan kung galing sa labas.
Samantala, kasalukuyang namang naka self-quarantine ang kanyang asawa at 2 years old na anak.
Hindi naman nakalimutang magbigay ng payo si Jaye de la Cruz-Bekema para sa ating mga kababayan.
“The virus is the enemy. And it is a stealthy, vicious enemy. We need a logical, intelligent, public health-centered, needs-sensitive response to it.”
Ginang na hindi lumabas sa bahay nag positibo sa COVID-19 | Image from Freepik
Paano nahahawa sa COVID-19?
Paano nga banahahawa sa COVID-19 ang mga tao? Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.
Ang mga common symptoms ng COVID-19 ay ang:
- Lagnat
- Dry cough
- Pagkaramdam ng pagod
- Hirap sa paghinga
May iba naman na nakakaranas ng:
- Sore throat
- Diarrhea
- Runny nose
- Nausea
Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.
Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease katulad ng asthma. Ang iba pang kaso nito ay:
- Buntis
- 65 years old pataas
- Mga taong may travel history
- Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
- May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes
Source: ABS-CBN
BASAHIN: Senior namatay sa bahay nang hindi tanggapin sa 6 na hospital na pinuntahan
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!