Work from home para sa mga empleyado, isinusulong dahil sa COVID-19

Dahil pa rin sa banta ng COVID 19, work from home policy para sa mga empleyado, isinusulong ni Sen. Risa Hontiveros.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

COVID 19 work from home policy, isinusulong para sa mga empleyado.

COVID 19 work from home policy

Dahil umano sa patuloy na lumolobo na bilang ng mga positibong kaso ng COVID 19, isinusulong ni Sen. Risa Hontiveros na magkaroon ng option ang mga empleyado na magtrabaho na lang muna sa kanilang mga bahay.

Ayon sa kanya, “classes are getting suspended, but workers are vulnerable too. Kailangan may work from home option ang mga manggagawa.”

Dagdag pa niya, ang mga empleyado naman na hindi puwedeng mag-work from home ay dapat na may access sa running water, sabon, alcohol at hand sanitizer. Lalong lalo na raw iyong mga nasa frontline o iyong mga nagtatrabaho sa mga ospital na direktang nakikipag-contact sa mga may sakit.

Noong Lunes naman sa press conference na ginanap, hindi ito inaprubahan ni President Duterte, lalo na para sa mga government offices. Ayon sa kanya, kailangan daw mag-function pa rin ng mga ahensya lalo na sa panahong ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon naman kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, maari namang mapayagan itong panukalang ito. Dahil lahat ng mga maaaring makatulong para hindi na kumalat pa ang sakit ay tinitignan nila at gagawin.

Ano ang puwedeng gawin ng mga commuters para makaiwas sa COVID-19

Image from Freepik

Kung hindi talaga maiiwasang pumunta sa mga matataong lugar, lalo na para sa mga commuters, ugaliing magbaon ng alcohol at mask. Ito ang magsisilbing proteksyon mo laban sa sakit. Kapag dating naman sa lugar kung saan mayroong running water, maghugas kaagad ng kamay gamit din ang hand soap. Mas maigi rin kung ito ay antibacterial.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa panahon ngayon, mas mabuti na maging maingat at maagap kaysa sa huli ay magsisi. Kung ang inyong kumpanya naman ay mag-abiso na maaari na kayong mag-work from home, manatili na lamang sa inyong mga bahay. Iwasan na muna kahit ang mga coffee shops dahil mawawala rin ang saysay ng pagkakansela ng mga pasok kung ganoon.

Ang dahilan kasi ng pagsususpinde ng mga klase ay para malimitahan ang contact ng mga tao sa isa’t isa. Ito kasi ang pangunahing dahilan kung bakit mabilis na kumakalat ang COVID.

Matatandaan na noong nakaraang Lunes lamang ay kinumpirma ng DOH na mayroon na ngang local transmission dito sa ating bansa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga dapat tandaan tungkol sa COVID-19

Image from Freepik

Sa ngayon ay wala pang vaccine o bakuna bilang proteksyon laban sa coronavirus. Pero may mga paraang maaring gawin para maiwasan ang pagkakaroon nito. Lalo na ng mga may mahinang immune system tulad ng mga bata at matatanda na mas mabilis madapuan ng sakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa DOH at WHO, ito ang mga paraan upang maiwasang maihawa at maikalat ang coronavirus:

  • Pag-praktis ng proper hygiene tulad ng palaging paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig na hindi bababa sa 20 segundo.
  • Pagtakip sa ilong at bibig kapag umuubo.
  • Pag-disinfect sa mga gamit o lugar sa bahay na nahawakan ng taong may sakit.
  • Pagsusuot ng N95 mask kung lalabas sa matataong lugar.
  • Pagluluto ng pagkain ng maayos lalo na ng mga karne ng hayop na pinaniniwalaang pinagmulan ng sakit.
  • Pag-iwas sa unprotected contact sa mga farm o wild animals.
  • Hindi muna pagpunta o pagbisita sa mga lugar na may kumpirmadong kaso ng sakit.
  • Pagpapanatili ng malusog na katawan sa pamamagitan ng pagkain ng masustansya at pagtulog ng tama.

Maliban sa mga nabanggit na paraan ng pag-iwas, mahalagang sa oras na makaramdam ng sintomas ng coronavirus ay magpakonsulta na agad sa iyong doktor. Upang ito ay agad na matukoy at maibsan ang mga sintomas na maaring lumala. At maging sanhi ng mas malalang sakit at pagkasawi kung hindi maagapan.

 

SOURCE: InterAksyon

BASAHIN: Metro Manila students sa public places, huhulihin at papauwiin ng PNP

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

mayie