DILG: “students banned from public places” para makasigurong hindi sila mahahawaan ng COVID.
Students banned from public places
Dahil nasuspinde na ang klase sa buong Metro Manila hanggang March 14, gustong maka-siguro ni President Rodrigo Duterte na hindi rin lalabas ang mga bata sa kanilang mga bahay. Kaya naman napagdesisyunan niyang i-ban ang mga Metro Manila students sa mga pampublikong lugar. Ito ay para rin daw mabawasan ang physical contact ng mga bata sa ibang tao. Kung saan maaring mahawa ng COVID.
Nakipag-ugnayan naman ang Department of the Interior and Local Government o DILG sa PNP at sa mga barangay officials para masigurong masusunod ang patakarang ito. Kung mayroong mga bata na makita sa mga malls, public markets at iba pang crowded places, agad silang pauuwiin.
Ayon naman sa Department of Education, binigyan nila ng protocol ang mga guro. Kailangan daw na bigyan ng tasks ang mga estudyante na puwedeng gawin sa bahay para mapanatiling productive sila.
Ayon kay DILG Undersecretary and Spokesperson Jonathan Malaya,
“We have no choice but to undertake these measures because public health demands it. Together with sustained hygiene (like regular handwashing, coughing etiquette, thermoscans and face masks), suspensions of classes and mass gathering will enable us to defeat this virus faster.”
NCR nasa Red Alert Sublevel 1
Kasalukuyang nasa Red Alert Sublevel 1 ang NCR kung saan hindi naman kinakailangan ng lockdown. Ang ibig sabihin lamang nito ay kailangan ng mas pinaigting na pag-iingat at preemptive social distancing measures. Dahilan nga para i-suspinde ang klase ng mga bata.
Para naman sa mga ibang lugar sa Pilipinas, wala pang inilalabas na utos ngunit ayon sa gobyerno, maging maingat pa rin.
“There is no decision yet about other places in the country. That would be dependent on the findings and recommendations of the DOH.” Pahayag ni Malaya.
Barangay Health Emergency Response Team (BHERT)
Sa barangay assembly naman na ginanap kamakailan, binanggit din ng DILG ang importansya ng BHERT. O ang Barangay Health Emergency Response Team. Ito ay para pa rin sa pagsugpo ng naturang virus. Idiniin ng gobyerno na malaki ang magiging tulong ng barangay kung sila ay makikipag-cooperate nang maayos.
Para hindi kumalat ang sakit sa komunidad, mahalagang alam mismo ng mga barangay officials kung ano ang gagawin sakaling mayroong mag-positibo sa lugar nila.
Ang isang BHERT ay may isang executive officer, barangay tanod, at dalawang barangay health workers. Ang isa ay dapat na nurse o midwife.
SOURCE: DILG
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!